Chapter 49

1.7K 107 0
                                    


"Sino ba itong ipakikilala mo sakin?" tanong ng hari habang naglalakad kami papunta sa bahay nina Lamiah.

"Basta," sabi ko at tumigil kami sa tapat ng isang pamilyar na magic tent "hoy, wag mong sabihin nakatira parin sila diyan?" tanong ko at tinuro ang magic tent.

"Ah, nagkakamali po kayo, pinahiram po nila ito samin," sabi ng kapatid ni Lafayette at tumango-tango ako "diyan po sila nakatira ngayon," sabi niya at tinuro ang bahay sa tabi ng tent.

"Wow, ang laki ah," sabi ko.

"Natural lang, dahil tinalagang pinuno ang kapatid ni Liz," sabi ni P-knight at saktong labas ni Adelaide na napasinghap ng makita kami, papasok na sana siya uli pero sinenyasan kong wag maingay kaya itinigil niya ang gagawin.

"Mamaya ka na pumasok," sabi ko sa hari at pumasok na kami sa loob.

Sa loob, nakita namin si Liz at ang mga kaibigan niyang nagluluto, si Lamiah na nag-aayos.

"Sorry sa istorbo at walang pasabing pagdalaw," sabi ko at lahat ng mga babae sa loob ay napatingin sakin at hindi ko mawari kung bakit sobrang laki nilang maka-ngiti.

"May papakilala kami sayo," sabi ko kay Lamiah "maiiyak ka na maiinis o matutuwa di ko alam kung anong magiging reaksyon mo, pasok na," sabi ko at pumasok na ang hari.

"Paumanhin sa aking -" natigil ang sasabihin ng hari dahil nakita niya si Lamiah at ganoon na rin si Lamiah "L-Lamiah?" tanong niya at nakita kong napangiti si Lamiah sabay sabi ng 'ama'.

Pagkasabi nun ni Lamiah ay dali-daling pumasok ang hari at niyakap ang anak, at para makatakas sa kung ano mang atmosphere na meron ang mag-ama ngayon ay pinuntahan ko si Liz at ang mga kaibigan niya.

"Tatay ng ate mo," sabi ko kay Liz.

"Kaya pala," sabi niya at yumakap sa braso ko.

"Nakakapagtaka nga lang bakit hindi bumalik si Lamiah sa Floria," sabi ko.

"Well, gusto mo malaman?" tanong ni Liz at napansin kong may naghahasa ng kutsilyo at grabe kung makatingin samin triggering my trauma kaya kahit curious ako ay sinabi kong

"Wag na lang, ang mahalaga ay nagkita sila."

"Okay, sabi mo eh," sabi niya at bumalik na sa pagluluto.

"May maitutulong ako?" tanong ni Lyfa at napansin kong lumabas si P-knight.

'I see, bibigyan nila ng alone time ang magtatay,' sabi ko sa isipan "tutulong ako sa pagluluto pero hindi ko alam ang recipe kaya ituro niyo sakin ang gagawin," sabi ko nang mapagpasiyahang bigyan rin sila ng oras at pataasin ang level ng <Cooking> skill.

Habang nagluluto kami ay bumalik ang mag-ama at pinakilala sa hari, of course laking tuwa ng hari sa nalaman at sinabihan pa silang manirahan sa Floria bilang mga duke, tempting oo pero pinili ni Lamiah na ibigay ang desisyon sa kanyang asawa na hindi nagbigay kaaad ng sagot.

"Ang araw na ito marahil ang pinakamasayang araw sa buhay ko," sabi ng hari sakin kinagabihan nang tulog na ang lahat "kailangang siguraduhin kong hindi papalya ang alyansa," sabi niya.

"Wag mo ibigay sa kanila ang lahat," sabi ko na tinanguan niya.

Kinaumagahan ay agad kaming umalis patungong kapitolyo kasama sila P-knight at Adelaide. Sa bawat bayan na dinadaanan namin ay malugod kaming tinatanggap hanggang sa lumipas ang mga araw at narating na namin ang kapitolyo.

Nagkaroon agad ng isang pagpupulong at kaming dalawang tagapangalaga ang siyang nagsilbing translator. Marami silang pinag-usapan tulad ng mga trade routes, mga batas, ang exchange rate dahil magkaiba ang currency nila at specially ang mga gagawin sa mga naging alipin bago ang alyansa na buti naman ay hindi sila nagkagulo at nang araw ding iyon, pinirmahan ang alyansa ng dalawang bansa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lyfa kinagabihan, wala na ako sa posada kundi sa palasyo dahil napilit ako ng hari.

"Nais..."

"Nais mong sumama sakin?" hula ko na tinanguan niya "ngunit 'di ba, nabalik na ang princess status mo?" tanong ko.

"Pero... nakasanayan ko na ang buhay na iyon, mas masaya yun kesa dito na walang gaanong magawa dahil isa lang akong babae," sabi niya.

"So... gusto mong may magawa?" tanong ko at tumango siya "okay, ako na ang bahala."

Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko ay agad akong humingi ng permiso upang makausap ang hari na agad akong binigyan, sinabi ko sa hari ang hinaing ni Lyfa at ang solusyon ko kaya agad pinatawag si Lyfa, matapos ang ilang minuto ay dumating si Lyfa kasunod si Mimir na kumaway sakin making me shiver.

"Lyfa, narinig kong nais mong may magawa kaya nais mong itapon ang pagiging prinsesa at maging isang adventurer," sabi ng hari.

"Opo," sabi ko.

"Maari mo namang gawin iyan kung magpapakasal ka sa isang adventurer na kaya kang maprotektahan at mapapayag akong ibigay ka sa kanya, sino ba ang iyong nakilala at minahal habang naglalakbay ka?" tanong niya.

"Mahal na hari, nais ko sanang sabihin iyan sa isang lugar na walang makakadinig," sabi ni Lyfa.

"Ibulong mo sa akin," sabi niya kaya lumapit si Lyfa sa hari at binulong ang pangalan ng iniirog.

Tumango-tango ang hari at maya-maya pa ay tumungin sakin "ikaw na ang bahala sa aking panganay na babae," sabi ng hari.

"Ah, okay- teka!" reklamo ko "may tsansang maging delikado ang paglilibot ko sa mundo, hindi ba't mas mainam kung gagawin na lang siyang representative ng bansa ng Nocturia?"

"Paukol diyan, nagpresinta si Zedrick na siya na ang gagawa," sabi ng hari.

"Okay, Lyfa, magpadesipulo ka doon kay Celine nang -"

"Tapos na," putol niya sakin.

"Huh?"

"Desipulo na ako ng tapangalagang Celine dahil nalaman niyang water based si Mimir kaya pinatawag niya ako na isang nature based at ginawang desipulo," paliwanag niya at tumango-tango ako "nakahanda na rin ako, yung mga gamit ko nasa inventory ko na, kaya anumang oras pwede na tayong umalis."

"Ama kong hari," sabi ni Mimir at nagkaroon ako ng urge na umalis na ng tumingin siya sakin at ngumiti.

"Ano yun?" tanong ng hari.

"Nais kong sumama at magpakasal kay tagapangalagang Sevilla," sabi niya at lahat ay napatingin sakin.

'Sinasabi ko na nga ba!' sabi ko sa isipan.

"Mimir, merong mga tinatawag na hakbang diyan," sabi ni Lyfa.

"Hakbang? Baliwala na yun kung nadumihan niya ako nang hawakan niya ang dibdib ko," sabi niya.

'Isang bomba!' sabi ko sa isipan at itinaas ang kamay nang biglang tutukan ni Lyfa ng panang may palaso.

"Nakadepende sa sasabihin mo kung papakawalan ko ba to in point blank range o ibabalik sa inventroy ko," sabi ni Lyfa at tumingin sakin ang hari kaya pinaliwanag ko lahat at wala akong tinira.

"Isang aksidente ha," sabi ng hari at tumingin kay Mimir "tulad ng sinasabi niya aksidente lalo na't hindi niya alam ang kultura natin at inakalang kung ginalaw lang," dugtong niya "pero kung iyong talagang nais... mag-usap kayo ng kapatid mo."

'Huh? Bakit kailangan nilang mag-usap?' tanong ko sa sarili kasabay ng paghila ni Lyfa kay Mimir patungo sa sulok ng throne room.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon