Chapter 27

2.2K 130 1
                                    

"Pakisabi uli kung sino siya?" tanong ko kina Eriole dahil nung dumating sila sa tarangkahan ay may kasama silang isang magandang dilag, meron siyang tenga at buntot ng isang pusa, kulay pilak ang kanyang buhok at nakasuot siya ng isang knee-lenght one piece dress na kulay puti rin.

"Siya si Lafayette, at gusto niyang sumama satin patungo sa kapitolyo," sabi ni Eriole.

"Ano gagawin niya dun?" tanong ko.

"Gusto kong makita ang tagapangalaga ng kagubatan," sagot ni Lafayette that piques my interest.

"Hou... hindi kami sigurado kung magagawa ka naming protektahan," sabi ko "tsaka may pervert kami rito, maaring atakihin ka niya sa gabi," dugtong ko at tinuro si P-knight.

"Hindi ako pervert!" reklamo niya.

"Sabi ng lalaking ngumiti ng malamang legal ang mixed bath dito," sabi ni Adelaide.

"T-then... babayaran ko kayo!" sabi niya.

"Ano naman ang maibabayad mo?" tanong ko

"Uhm... libro lang ang meron ako sa ngayon..." mahina niyang sabi.

"Deal!" sabi ko dahil nababagot na ako sa paulit-ulit na pagbabasa ng mga libro na meron ako, gusto ko mang basahin ang masteral book of magics ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko hindi ko pa tuluyang na mamaster ang advance magics.

"S-sigurado ka?" tanong sakin ni Lafayette.

"Oo, after all nagsisinungaling ako nung sinabi kong hindi ka namin kayang protektahan, gusto ko lang may mapala sa gagawin naming pagbabantay sayo," sabi ko at napabuntong-hininga sina Lyfa at Adelaide.

"Handa ka na ba? Aalis na agad tayo kung oo," tanong ko kay Lafayette.

"Ah! Saglit lang, maghahanda pa ako!" sabi niya kaya sinamahan namin siya sa bahay niya at doon siya inantay mag-ayos.

"Ano, game?" tanong ko matapos ang halos dalawang oras.

"TARA!" sigaw niya at pilit na binibitbit ang bag na puno ng sandamakmak na kung ano-ano.

"Haah... akin na nga," sabi ko at iniangat ang bag na walang kahirap-hirap salamat sa STR ko at inilagay iyon sa <Inventory> ko.

"Wow... ang lakas mo na, kaya mo pang gumamit ng <Dimensional Storage>," sabi niya.

"Okay na? Tara na!" sabi ko at umalis na kami.

"Wow... ang gagaling niyo naman," sabi ni Lafayette habang nagtatanghalian kami "wala pang isang minuto sa inyo ang kumpol ng mga halimaw."

"Team work lang yan," sabi ko.

"Pero ba't parang habulin kayo ng halimaw?" tanong niya "specially yung mga <Nyalyx>, hindi naman sila karamihan sa lugar na'to pero ang dami nating nakakasalamuhang <Nyalyx>."

"Nyalyx?" tanong ni P-knight.

"Oo, nyalyx," sabi niya at dinescribe ang halimaw at naalala ko ang mala-lynx na halimaw.

'Nyalyx, pala tawag dun ah...' sabi ko sa isipan.

Lumipas ang mga araw na paulit-ulit lang ang nangyari: dadaan kami sa isang settlement, bibisita sa elder, mamimili ng supplies, magbebenta ng loot at aalis kinabukasan.

"Hahh... So saan ang tirahan ng elder?" tanong ko nang makarating kami sa isang malaking bayan. Nasasabi kong malaki dahil yung mga nadadaanan namin ay may mga 20-25 buildings lang pero itong bayan ay may 30-35 buildings.

"Hindi na tayo pupunta sa Elder," sabi ni Zedrick.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Dahil tayo ay nasa Oldale, na siyang pinamumunuan ng aking pamilya," sagot niya at naalala ko ang titulo niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon