Chapter 61

1.6K 99 0
                                    

Limang araw ang lumipas, kinalaban ko si Rhozanse at napag-alamang mataas ang defense niya, kaya kinuha ko siya for tanking role, dumating si Noire kinagabihan nung araw na nakipagusap ako kina Galice, nagulat ako at inatake si Noire nung dumating siya dahil sa bigla niyang pagsulpot sa likuran ko, nagsorry naman ako at naintindihan niya. Isa siyang babaeng were-cat, small by stature at height of 4'9", itim ang buhok niya gayun na din ang tenga at buntot niya.

Kinuha ko na rin yung parting gift sakin, turned out na mga rare materials lang na agad kong pinakain sa weapon ko, at ngayong araw, ang araw ng alis namin.

Naglalakad ako patungo sa tarangkahan kasama si Noire at isang castle mage for a healer, at nang makarating kami roon ay nakita kong nagaantay na doon si Rhozanse pati na rin ang babaeng mage.

"Okay, ngayong kumpleto na tayo, halina't umalis, wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ko.

"Wala na po," sabay na sagot nina Rhozanse.

"Okay, ang destinasyon natin ay Mountoria, pero dadaan muna tayo sa Floria," sabi ko "tara!" at umalis na kami.

****************************************************************************************

Lumipas ang mga araw at natapos na ang sobrang haba naming paglalayag ay nakarating na kami sa Hydroria, at kahit malayo pa lang ramdam ko na may nag-aantay saming pagdaong at isa lang ang kailangan kong idescribe sa kanila, hindi sila mga kaibigan.

"Get ready guys," sabi ko kina Lyfa.

"Wow... di ko aakalaing sasalubungin nila tayo ng ganito," sabi ni Lunaria habang inihahanda ang isang rapier.

"Ibig sabihin, mahihirapan ang reinforcement kung alam na nila ang dinadaungan natin," sabi ni Princess at nakita kong may naiiponh enerhiya sa crystal ng staff niya.

"Mimir, sabihan mo ang lahat," sabi ko.

"Hindi na kailangan kasi..." sabi niya at napansin kong hindi lang kami ang nakapansing may ambush.

"Lyfa at my signal," sabi ko at naglagay na si Lyfa ng palaso sa pana niya ngunit hindi pa agad hinigit ang sinulid dahil dumating ang kapitan.

"Para sa lahat ng mga nakasakay!" sigaw niya "ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi tayo agad makakabalik sa oras na dumaong tayo dahil may nagaantay sating mga halimaw."

"Kapitan! Nalaman na naman natin bakit hindi natin sila bigyan ng napaka-init na pasalubong?" tanong ng isang lalaki at pina-apoy ang kamay na sinang-ayunan ng lahat.

"Saglit!" sabi ni Princess at pumunta sa harapan "para sa hindi nakaka-alam, ako si Princess, isang prinsesa ng Floria, ninanais ng ating tagapangalaga ang isang alyansa at ako ang naatasang rumepresenta sa Floria," sabi ni Princess "mga tao sila na kung tawagin ng ating tagapangalaga ay Elf, at ayon sa binili ng tagapangalaga para lang sa alyansa, mayroon silang civil war kaya kung maari wag muna tayong umatake sa halip ay makipag-usap muna sa kanila," sabi niya.

"Narinig niyo ang prinsesa!" sabi ng kapitan "ano ang opinion niyo dahil sa barkong ito ako ang masusunod at ang may pinakamaring desisyon ang siyang masusunod."

Nagkaroon ng bulong-bulongan at ang naging hatol ay makipag-usap muna sa kanila tapos paglumaban pa rin ay doon na umatake.

Nang dumaong na ang barko, unang bumaba si Lunaria upang magsilbing envoy namin ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nagpakita na agad ang isang lalaking elf at hahatakin na sana siya palayo pero bigla akong tumalon at tinutukan ang lalaki ng espada sa leeg.

"Mind telling me, bakit hihilahin mo siya kaagad imbis na makipag-usap?" sabi ko.

"Kakampi siya, isa siyang heneral na sumusunod kay ina," sabi ni Lunaria kaya inalis ko na ang pagkakatutok ng espada ko sa leeg niya.

"Mahal na prinsesa, sino ang lalaking ito? Bakit kaya niyang makapagsalita ng ating lengguwahe?" tanong ng lalaki.

"Siya ang tagapangalaga ng apoy, dahilan para makabalik ako rito," sagot ni Lunaria.

"Ang mahal na reyna?" tanong niya.

"Nasa bansa nila, inihahanda ang pakikipagalyansa natin sa kanila, tutulungan rin tayo ng bansa nila," sabi ni Lunaria.

"At ang mga laman ng barko ang ipinadala ng bansa nila?" tanong niya.

"Hindi, lima lang ang pinadala ng palasyo bilang recon team," singgit ko "ang iba ay ang crew ng barko, ilang adventurer na may kailangan dito."

"Mga mang-aalipin," sabi niya kasabay kunot ng noo.

"Imposible na yun dahil sa paniguradong may batas na naghihigpit sa pang-aalipin ng mga hydroriano, tsaka bibilihin sila ng palasyo, maninirahan sa bansa namin malayo sa giyera dito" sabi ko at napatiim siya ng labi, maya-maya pa ay may isinenyas ang lalaki at nagsilabas ang ilang elves, karamihan sa kanila ay may pana, ang iba naman ay may hawak na rapier o kaya naman sibat? Hindi ako sure dahil mukha itong staff pero may punyal sa may dulo.

"Ano yun? Sibat?" pabulong kong tanong kay Lunaria.

"<War Staff> isang sandata na iniwan samin ni Lady Nekone, ang ika-siyam na tagapangalaga ng tubig, para sa mga mago sakaling malapitan sila," sagot niya at tumango-tango lang ako.

"Ayos na!" sigaw ko at narinig kong sinabi ni Princess ang;

"Nagsalita na ang tagapangalaga, maari na tayong bumaba!"

'Naiimahe ko ang gulat sa mukha ng mga tao doon,' sabi ko sa isipan habang pinagmamasdan ang pagbaba nila.

"Heneral Luna, maari mo ba kaming dalhin sa kampo?" tanong ni Lunaria nang makumpleto na ang team namin.

"Wait, seriously?" tanong ko kay Lunaria dahil naalala ako from my old world.

Tumango si Heneral Luna at nagsimula na maglakad palayo na agad naming sinundan, hindi pinapansin ang mga mapangmatyag na mata sa paligid. Pumasok kami sa isang kweba at sa pinakagitna noon ay isang kampo.

"Akala ko nasa bayan ng <Oceanus>?" sabi ko.

"Natunton kami sa bayan ng <Oceanus> kaya napilitan kaming magtago dito," sabi ni Heneral Luna habang naglalakad kami "ang sabi niyo ay kayo ay pinadala bilang katulong namin then sasabihin ko na, natatalo na kami."

"Kailangan mo bang sabihin yan dito? Bababa ang moral niyo," sabi ko.

"Alam yun ng lahat, pero anong magagawa namin? Puppet ng hari ang kasalukuyang tagapangalaga ng tubig," sagot niya at pumasok na sa isang tent at nang pumasok kami ay nakita namin doon ang isang spearman.

"Sino sila?" tanong niya.

"Nang madakip ang reyna niyo at ang mga anak niya, binili ko sila, tapos nalaman kong reyna siya and since hanggad kong makipag-alyansa sa lahat ng bansa pinakausap ko siya sa hari, sanhi ng pagkakaroon ng alyansa at pinadala kami as a recon team," sagot ko kay spearman.

"Ano?! Alipin mo ang mahal na reyna!" sabi niya at tinutok sakin ni spearman ang sibat niya, pati na rin si Heneral Luna, tinutok ang espada pero nasa likuran na nila ako, nakatutok sa leeg nila ang <Mana Blade> sa magkabila kong kamay.

"Siya ang tagapangalaga ng apoy, Heneral Facio, Heneral Luna," sabi ni Lunaria kaya tinanggal ko na sa leeg nila ang <Mana Blade> kasabay ng paliwanag niya sa mga nangyari until now.




Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon