"Ang bilis niya Eriole," sabi ng werebeast na kasama ng lalaking may tenga at buntot na kahalintulad ng kay Lyfa.
"Alam ko," sabi ni Eriole at inihanda ang espada sa muli niyang pagsugod.
"Meron akong gustong itanong sa inyo kaya," sabi ko at nanlaki ang mata ng dalawa "matulog muna kayo," sabi ko at pumunta sa likuran nila at bago pa man sila makapag-react ay tinaga ko na ang batok nila gamit ang kaluban ng espada na siyang kinawalan nila ng malay.
"Oi! Tignan niyo nahuli ko," sabi ko nang bumalik sa kampo, buhat-buhat ang dalawang werebeast.
"Kuya! Zedrick!" sabi ni Lyfa nang makita ang mga buhat ko.
"Pinatulog ko lang sila," sabi ko at binaba sila sa lupa.
"Kakilala mo?" tanong ni F-guy.
"Oo, kapatid ko at ang aking katipan," sagot niya.
"Aba... Akalain mo yun, may fiancè ka na pala," sambit ko dahil sa natuklasan.
"Oo meron, ikakasal na sana kami, inaantay na lang ang pagtungtong ko sa wastong gulang pero..." sabi niya at naisip ko na ang dahilan, ang pagkakahuli niya at maging alipin.
"Hindi ako mag-sosorry," sabi ko.
"Kaya pala pamilyar ang amoy," nakangiting sabi ni Lyfa.
"Aantayin natin silang magising diba?" tanong ni Adelaide at tumango ako "kung gayon, ilipat natin sila sa higaan."
Matapos ilipat ang dalawa sa sapin na gagawing higaan, ay agad naming pinagpatuloy ang paghahanda sa pagkain, of course confiscated ang espada nila at yung Storage ring nung lalaking kasama ng kapatid ni Lyfa, Zedrick ata ang pangalan nun.
Kakatapos lang naming kumain nang makitang gising na ang dalawa kaya agad ko silang nilapitan, syempre kasama si Lyfa nang hindi sila umatake agad.
"Kuya! Zedrick!" sabi ni Lyfa sabay yakap sa dalawa.
"Lyfa, ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sa iyong masama?" tanong ni Eriole.
"Wala kuya," sabi ni Lyfa.
"Mabuti naman kung gayon," sabi ni Eriole at nang makita ako ay biglang kumunot ang noo niya "ikaw ang lalaking kayang mag-salita ng aming lenguwahe 'di ba?" tanong niya.
"Oo, at gusto kong itanong kung anong ginagawa niyo rito," tanong ko.
"Syempre, andito kami para iligtas ang aking katipan!" sabi ni Zedrick at nagkaroon ako ng urge na i-komento: Di mo kailangang ipamukha na fiancèe mo si Lyfa.
"Then, di mo na siya kailangang iligtas, kasi pupunta kami sa bansa niyo, para makipag-alyansa," sabi ko
"Alyansa?" tanong ni Eriole.
"Oo, tutal mas maganda ang alyansa kesa sa giyera diba?" sabi ko "tsaka ang akala nila ay mga halimaw kayo at hindi tao, pero ngayong andito ako, magagawa nang makipag-usap sa inyo, oo nga pala, sa tulong ko, natuto si Lyfa sa lenguwahe nila."
"Totoo ba ang sinabi niya Lyfa?" tanong ni Eriole na tinanguan ni Lyfa.
"Ibig sabihin, kung magkaka-alyansa, from monster ang ituturing na nila sa inyo ay tao, wala na akong magagawa sa mga naging alipin na, pero sigurado akong may slave system kayo, at kabilang na ang lahi namin, diba?" tanong ko at naibaling lang nila ang tingin as confirmation.
"Well, tagapangalaga lang ako, di ko sakop ang politika," sabi ko.
"Pero sinabi mo sa hari, wala siyang gagawin," singgit ni F-guy na kakadating lang "Pinabibigay ni Adel sa dalawa," sabi niya at kinuha ni Lyfa ang dala niyang pagkain at inabot iyon sa dalawa.
"Lyfa, kumain ka sa plato nila, paniguradong iniisip nilang nilagyan ng lason ang pagkain," sabi ko.
"Ba't niya gagawin yun?!" tanong ni Zedrick.
"Kasi, utos ko," sagot ko at hindi na sila nakapagsalita pa dahil ginawa na ni Lyfa ang utos ko "nakalimutan kong sabihin, kahit sumuway ka okay lang, hindi ka makakaramdam ng sakit," sabi ko.
"DAPAT SINABI MO SAKIN AGAD YAN! PANO PALA KUNG MAY LASON TALAGA 'TO!" reklamo ni Lyfa.
"Patay ka na, tapos isusunod ko sila," sabi ko tinutukoy yung magkapatid "biro lang, sigurado naman akong hindi nila gagawin yun, kabalyero si F-guy kaya iisipin niya ang mga mangyayari sa bansang prinoprotektahan niya sa bawat gagawin niya, at si Adeaide... ayaw ko mang aminin pero gagawin niya ang kung anong naiisip niyang ikatutuwa ko," sabi ko at naalala ang mga nakaraang araw.
"Paano mo naman nasabi yun?" tanong ni Lyfa.
"Kasi, kinikilos niya ang kilos ni Celine," sagot ko at kinilabutan ng maalala siya.
"Sino yun?" kunot-noong tanong ni Lyfa.
"Mabuti nang hindi mo alam," sagot ko.
"Ano ang gagawin mo kung sakaling hindi nagkaroon ng werebeast-human alliance?" tanong ni Eriole.
"Simple lang, hindi niyo makukuha si Lyfa," sagot ko "bargaining chip ko siya, since alipin ko siya, at kung subukan niyo mang patayin ako, mahihirapan kayo," dugtong ko.
"A-alipin..." nauutal na sabi ni Zedrick at napa-ngiti ako dahil sa isang isipin na agad kong isinagawa
"Oo, alipin ko siya, ginalaw ko din siya at ngayon hinahanap-hanap na niya," pagsisinungaling ko at nanlalaking matang tumingin sakin si Lyfa, samantalang hindi makapaniwala ang dalawa sa narinig.
"Wag kayo maniwala sa kanya! Hindi siya nagsasabi ng totoo!" sabi ni Lyfa.
"Sino paniniwalaan niyo, ako o siya na isang alipin na may kakayahang magsinungaling?" pagsisinungaling ko.
"Ang pangit mo," sabi niya at hindi nag-react ang seal kaya dinouble check ko ang settings at nakitang may check naman yung cannot lie to master.
"Aray, ang sakit," mangiyak-ngiyak kong sabi "nagbibiro lang ako, di mo kailangang ipamukha sakin na pangit ako."
Hindi sumagot si Lyfa, at tanging napatungo na lang.
"Masama bang biruin ang mga makakasama natin patungo sa bansa niyo?" reklamo ko
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...