Dahil sa mga kasama namin ay naging mabagal ang paglalakbay namin, habang naglalakbay ay tinuruan na rin ni Luxerra ang mga may talento sa mahika at ginawa na ring desipulo si Lina na agad naming nilagay sa <Friend List> for easy contact.
At matapos ang halos dalawang buwan ay nakarating na kami sa Arun Village na naging mayaman salamat sa lake spirit, natatandaan pa kami ng village chief kaya hiniram muna namin ang mga nasa kweba para doon kami makapagpahinga, thankfully wala namang nagrereklamo.
"Papaubos na ang ang mga pagkain at tubig," sabi sakin ni Lyfa nang makarating kami sa may kweba.
"Tutal balak kong manatili muna dito ng isa o dalawang araw upang makapagpahinga sila... okay, bibili ako sa susunod na bayan, lilipad na lang ako," sabi ko.
"Okay," sabi niya kaya agad akong umalis at dali-daling nagtungo sa susunod na bayan at naisip na gamitin na lang ang retreat.
"Lyfa, change of plans, doon na lang tayo sa bayan magpahinga," sabi ko.
"Marami na ang magrereklamo," sabi niya.
"Sabihin mo sa posada tayo manunuluyan para matigil, maghahanap na ako ng posada at kukunin ko lahat ng available, wag mo muna sabihin dahil baka walang available, maghanda lang," sabi ko.
"Okay," sabi ni Lyfa.
Nang makarating ako sa bayan ay agad akong nagpunta sa highest class na posada at tulad nga ng inaasahan, onti lang ang nakacheck-in kaya pinareserve ko na ang mga malalaking kwarto.
"Mga nabiktima din ng <Herling Tragedy>?" tanong ng landlady.
"Oo," sabi ko at tumango lang siya.
"Pwedeng makita ang mga kasama mo? May kamag-anak kasi ako doon, at sabi ng mga dumaan dito nung isang araw, may isang lalaki daw na kumupkop sa lahat ng naulila," sabi niya kaya binasa ko ang isipan niya at para makasiguradong wala siyang balak na masama at tanging pag-aalala lang sa isang pangalan kaya pumayag na ako at binigyan niya ng 20% discount.
Agad kong sinabi kina Lyfa na naka-kuha ako kaya pinasabi ko na, ipinasabi ko na rin sa may village chief ang naging pagbabago.
"Handa na?" tanong ko habang nag-aantay sa labas ng kweba.
"Handa na," sabi ni Lyfa nang lumabas sila.
Nang masigurong wala ng naiwan at wala ng tao sa loob ay ginamit ko ang <Retreat> at napunta sa kabilang bayan na ikinamangha ng mga bata.
"May ganito ka palang skill, ba't di mo agad ginamit at dumiretso sa kapitolyo?" tanong ni Luxerra.
"Hindi ito teleportation na pwedeng mamili, ang nagagawa ko lang ay dalhin sila sa pinakahuling bayan, siyudad, o village na puntahan ko," sagot ko kay Luxerra na tumango-tango lang.
Nang makarating kami sa may posada ay agad kong pinakita ang mga naulila, but unfortunately, wala doon ang hinahanap niya.
Matapos mahati sa grupo ang lahat ay dinala na namin sila sa mga kwartong tutulugan, dahil ang maximum na kama sa isang kwarto ay anim nahati kami sa madaming grupo na may isang bisor ang pinakamatanda at dahil kinulang ang mga kwarto ay naparenta pa kami ng ilan pa and unknowingly, nasa grupo namin nina Lyfa, Mimir at Luxerra sina Lulu at Lina.
"Okay, magpapahinga tayo dito ng tatlong araw," anunsiyo ko sa lahat "pwede kayong maglibot sa buong bayan basta meron kayong kasamang matanda, naintindihan?"
"Opo!" sabi nila.
'Ganito ata ang nararamdaman ng mga teacher tuwing field trip,' sabi ko sa isipan, tinutukoy ang paranoia sa pag-aalala sa mga pwedeng mangyari.
"Tuwing umaga hanggang tanghali ang pag-aaral niyo sa mahika kaya tuwing hapon hanggang takip-silim lang ang libre niyong oras," sabi ni Luxerra "at alam niyo bang hapon pa lang ngayon? Kaya pwede niyong gawin lahat ng gusto niyo hanggang takip-silim."
"Yay!"
"Head maiden," tawag ko sa matanda "may mga guild card ba sila?" tanong ko.
"Kumpolsaryo po ang pagkuha ng guild card sa oras na tumuntong ang isang bata ng anim na buwan kaya lahat sila ay meron," sabi niya.
"Eh?" sabi ko "kumplosaryo? Pwede pa bang makakuha ng bago?" tanong ko.
"Opo, pero kung nasa blacklist ka ng guild, hindi na," sabi niya "hindi ko alam kung papaano nila ipinapaalam sa ibang branch ng guild ang mga blacklist kaya iyong ipagpaumahin kung aking iyan ay hindi masagot."
"Hinde, ayos lang, sabi ko at tinitigan sina Lyfa at Mimir.
"Lahat kayo, magsipila," sabi ni Lyfa na agad nilang ginawa.
"Ilabas niyo ang card niyo," sabi ni Mimir at lahat sila ay inilabas ang kanya-kahya nilang card.
"Nagagamit na ba ang Cole dito?" tanong ko kay Lyfa.
"Hindi pa, pero may exchange rate na," sabi ni Lyfa.
"Okay," sabi ko at nilabas din ang card ko.
Hiniram ko ang card nila at nilagyan iyon ng 1000 Zeny
Nilagyan ko lahat ng 1000 zeny ang bawat card nila for pocket money in case na magutom sila, at dahil sa ginawa ko ay kamuntikan ng maubos ang zeny na laman ng card ko, buti na lang hindi ko pa nakukuha ang laman nung sa dark guild card.
"Mag-iingat kayo," sabi ko sa mga bata, may oras pa bago magtakip silim kaya may oras pa sila para maglibot.
"Now... what?" tanong ni Lyfa sakin nang umalis na ang mga bata.
"Free time," sabi ko "sa kwarto lang ako, gagawa ng mga potion."
"Okay," sabi nila.
Habang gumagawa ako ng potion ay pina-alam ko kay P-knight ang nangyari sa bayan ng herling, at kung maari ay mag-ayos ng matutuluyan ng mga bata.
"Hindi ako isang sekretaryo, isa akong kabalyero," sabi niya.
"Sorry, ililibre na lang kita sa isang technique," sabi ko.
"<Demolition Fist> nga hindi pa makasanayan ng katawan ko tapos magdadagdag ka ng bago!" reklamo niya.
"Then sa susunod ko na ituturo," sabi ko.
"Fine, yung mga naulila, ilagay na lang sa ampunan na ginawa mo," sabi ni P-knight "at yung mga shrine maidens... sasabihan ko na lang yung hari, tutal malaki ang contribution mo sa bansa kaya wala sigurong tututol?"
"Tutol saan?" tanong ko.
"Malalaman mo pagdating mo," sabi niya at binabaan na ako ng linya.
Matapos ang tatlong araw ay agad akong nagtungo sa may kapitolyo at agad ding umalis at nakarating sa labas ng bayan ng mga bandang hapon.
Nang makita ko sila Lyfa sa labas ng bayan, inaantay ako ay agad ako doong bumaba at ginamit ang retreat at napunta sa may kapitolyo.
"Welcome to <Pyr> capital city of Floria," sabi ko nang makapasok na kami sa tarangkahan.
"Kala ko ba hindi ito teleportation?" tanong ni Luxerra sakin.
"Don't mind the small stuff," sabi ko
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...