"Sabihin niyo! Anong dahilan ng inyong pag-atake!" sigaw ni Eriole "sumagot kayo! Ako si Prinsipe Eriole ang siyang nag-uutos! Pag hindi kayo sumagot babansagan ko kayong mga taksil!"
"Hu...hahahaha!" tawa ni Celine "babansagan mo silang mga taksil?" tanong niya sabay ngiti "AKO ANG TAGAPANGALAGA NG KAGUBATAN AY BINABANSAGANG TAKSIL ANG PRINSIPE AT ANG BABAENG WEREBEAST NA KASAMA NIYA!" sigaw niya "PATAYIN SILA!" utos niya at pinakawalan na ng mga kasama niya ang mga palaso.
"<Magic Shield>!" narinig kong sigaw ni Adelaide at nagkaroon ng manipis na barrier sa harapan namin na nag-deflect sa mga palaso.
"Adelaide anong ginagawa mo rito?!" tanong ni P-knight nang pumunta sa likuran namin si Adelaide.
"Second volley!" utos ni Celine and this time ay hinigit na niya ang sinulid ng pana niya at pagkahigit niya sa sinulid ay may liwanag na namuo sa may pana na kumorteng palaso.
"Tch, sorry, Lyfa, Eriole," sabi ko.
"<Multiple, Poison Arrow>!" sigaw niya at pinakawalan ang sinulid ng pana at gayun din ang mga kasama niya. Nahati sa walo ang palasong kumawala sa pana ni Celine at bago pa man tumama samin ay:
"<Retreat>!" sabi ko at nabalutan kaming lima ng liwanag, at nang mawala na ang liwanag ay nabalik kami sa bayang dinaanan.
"Bilisan niyo ang kilos, kung may bukas pang tindahan ng mga armas, bumili kayo, ubusin niyo lahat ng pera niyo," sabi ko.
"Bakit?" tanong ni Eriole.
"Babalik tayo sa Pyr city," sagot ko "hindi tayo ligtas dito at walang magagawa ang pagiging prinsesa at prinsipe niyo ni Lyfa."
"Paano si Zedrick at Lafayette?" tanong ni Lyfa.
"Hindi sila nabansagang taksil kaya ligtas sila... siguro," sabi ko.
"Hindi ba't may dapat kang ipaliwanag," sabi ni P-knight.
"Mamaya niyo na ako kulitin sa paliwanag, malapit lang ang bayan sa camp natin kaya kailangan nating makalayo agad," sabi ko.
"Okay," sabay-sabay nilang sagot.
"Eriole may alam ka sa mga makakain na prutas at mga halimaw diba?" tanong ko ng maalala ang kinukuwento niya nung nakaraan.
"Oo pero kakaunti lang ang alam ko," sabi niya.
"Ayos na yun," sabi ko at bumaling kay Lyfa at Adelaide.
"Kung may bukas pa sa oras na 'tong tindahan ng armas o mga halamang gamot, alam niyo na diba?" tanong ko at tumango sila "okay, magkita tayo sa... hilaga ba yun o timog, basta sa kabilang tarangkahan in an hour," sabi ko.
"Okay," sabi nila at umalis na.
"Tayo?" tanong ni Eriole.
"Bantay dito," sabi ko at gumawa ng isang mana blade sa kaliwa at gamit ang kanan ay hinugot ko ang espada ko bilang paghahanda.
*************************************************************************************
"Halughugin niyo ang paligid! Imposibleng makalayo sila!" utos ko dahil biglang nawala sina Anthony.
"Mahal na tagapangalaga, may nakita kaming mga bata, ilang bihag, at ang duke ng Oldale," report sakin ng isang sundalo.
"Asaan sila," sabi ko at dinala nila ako sa isang camp na malapit lang sa kina-uupuan kanina ni Anthony.
Ang una kong nakita ay ang mga batang grabe kung makayakap sa isang babaeng werecat, at dahil sa nasaksihan ko ay medyo naawa ako kaya kusang lumabas sa bibig ko ang "pabayaan niyo lang sila pero sa mga bihag, gusto kong malaman ang nangyari sa kanila at kung bakit halos wala na silang suot,"
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...