Chapter 32

2.1K 125 3
                                    

"Galice? Anong ginagawa mo rito, wait pano ka nakapasok rito?" tanong ko.

"Hmm... madali lang, may lawa dito na siyang pinagkukuhaan nila ng tubig, yung lawa na yun, nakakonekta yun sa lawa sa may labas, may mga rehas na harang pero natatangal yung isa doon at doon ako pumasok," sagot niya "ngayon sa tanong mo sa kung ano ginagawa ko rito, sinusubukan ko ang mga pagkain dito," sagot niya at doon ko lang napansin na may hawak siyang kebabs.

"Paano ka nakabili niyan?" tanong ko at hindi siya sumagot.

"Ninakaw mo yan 'no?" tanong ko.

"Babayaran ko rin agad pag pwede na rito ang zeny at iba ang currency nila," sabi niya.

"Siguraduhin mo lang, kundi isusumbong kita sa hari," sabi ko.

"Ano nga pala ginagawa niyo rito?" tanong ni Galice.

"Mahabang kwento," sabi ko at tumango siya.

"Then, tara," sabi niya at naglakad palayo. Nagtinginan muna kaming lima bago sinundan si Galice.

Pumunta kami sa isang liblib na bar na para bang pwedeng gawing setting sa isang comboy movie dahil sa mala-wild wild west nitong dating.

"Tara, pasok," sabi ni Galice at pumasok na sa loob kaya pumasok na kami at nabasa ko sa isang signage sa itaas ng pinto ay Dark Carnage.

"Dark Carnage?" tanong ko.

"Ah, isa itong guild house," sabi niya.

"What?!" gulat na tanong nina Eriole at Zeke.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Ang guild house ay isang bahay para maging base ng isang grupo upang maging pahingahan, tagpuan at higit sa lahat lugar ng pagpupulong, pwedeng dumiretso dito ang isang kliyente para sa isang under the table contract, kung may mamatay sa kanila walang pananagutan ang guild, yun ang downside at tsaka may bayad iyan monthly, 30% ng monthly income ng grupo for repairs," paliwanag ni Eriole

'I see, isang 'guild'," sabi ko sa isipan tinutukoy ang mga grupo ng players sa isang online game.

"Pumasok na kayo," sabi ni Galice kaya pumasok na kami.

Pagpasok na pagpasok namin ay agad kaming pinagtinginan ng mga tao, kabaligtaran sa inaasahan ko ang nakita dahil imbis na mga Nocturians, puro Florians ang nasa loob. Nagtataka man ay diridiretso lang kami sinusundan si Galice patungo sa isang kwarto at nang pumasok siya ay agad na rin kaming pumasok.

"Oo nga pala, may tanong ako, pinagmalaki mo ba na natalo mo ako?" tanong niya.

"Hindi, pakiramdam ko nga pineke mo yung kawalan mo ng malay," sagot ko at tumawa siya ng malakas.

"Tagapangalaga ka nga," sabi ni Galice na ikina-alarma ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ni P-knight at hinugot ang espada.

"Sigurado kang lalaban ka?" tanong ni Galice "Hanashte," bigkas niya at biglang bumigat ang paligid at ultimo ako na isang tagapangalaga ay nanginig sa nararamdaman ko kaya tinitigan ko ang mga kasama at lahat sila ay naaluhod na animoy may kung anong pabigat sila "alam ko kasi... Desipulo, tama desipulo ako ng isang tagapangalaga," sabi niya at biglang nawala ang mabigat na atmospera.

"So... Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya kaya sinabi ko ang lahat sa kanya.

"Bakit ka gustong patayin nung Celine na yun?" tanong ni Galice kaya napilitan akong ikuwento ang lahat ng nangyari bago ako mapunta rito sa mundong ito.

"Kaya pala natatakot ka," narinig kong bulong ni Adelaide pero hindi ko iyon pinansin.

"Tapos itong si Celine ang tagapangalaga ng kagubatan?" tanong ni Galice at nang tumango kami ay pinatunog niya ang dila.

"Saglit lang," sabi niya at sumilip sa labas "asaan si Noir!" sigaw niya.

"Kasalukuyang nasa misyon," narinig kong sagot sa kanya ng isang babae kaya napalabas na siya ng tuluyan.

'Kung ibabase sa kinikilos niya, may alam kaya siya na masyadong mahalaga? Masama bang magpatayan kami ni Celine?' tanong ko sa sarili habang inaantay na bumalik si Galice.

"Sorry, may kailangan lang akong ipaalam sa guro ko," sabi niya.

"Bawal ba yun?" tanong ko pero hindi siya sumagot "sabihin mo nga sakin lahat ng alam mo," sabi ko.

"Okay, una sa lahat ang discipleship, magbibigay ka ng mana mo sa gagawin mong desipulo through skin contact, mas malapit mas maganda," sagot niya "sa oras na maging desipulo mo siya, maiintindihan na niya lahat ng language tapos parang may certain link kayo at malalaman mo ang lokasyon niya," dugtong niya "tapos yung element nila ay magiging... Example: fire, tapos kung fire element na siya mas lalakas siya sa mahika."

"Paano kung walang mahika?" tanong ni P-knight.

"Magkakaroon siya ng mahika," sagot ni Galice at biglang tumingin sakin si P-knight.

"Okay, okay, ikaw si test subject no.1" sabi ko at nai-pump niya ang braso.

"Hindi ka makagamit ng mahika?" tanong ni Galice kay P-knight na tinanguan niya "hanggang 3rd tier ka lang," sabi niya at napayuko si P-knight na para bang tinakasan ng pag-asa.

"Ano ba meron?" bulong ko kay Adelaide na nasa kanan ko.

"Ibig sabihin hanggang basic fire spells lang siya at isa lang ang offensive fire spell sa basics at nasa third tier na yun, ang <Fire Bolt>," paliwanag niya.

"Ang <Fireball>?" tanong ko.

"Nasa fourth tier," sagot ni Adelaide.

"Okay, back to topic," sabi ni Galice at naging tahimik uli kami na para bang isang mag-aaral na nasa kalagitnaan ng mga pagsusulit.

"Magkakaroon din siya ng ability na maintindihan ang mga sinasabi ng mga tao kahit ibang lengguwahe," sabi niya "basically, magagawa niyo lahat ng nagagawa ng guro niyo."

"Yun na yun?" tanong ko nung hindi na siya nagsalita.

"Oo, kung gusto mo pa ng ibang inpornasyon, hanapin mo si Luxerra," sabi niya.

"Luxerra?" tanong ko.

"Oo, nakita mo na siya, isa siyang babaeng maputla ang balat, kulay pilak ang buhok at mata, maganda siya, na animoy isang diyosa," sabi niya at naalala ko ang babaeng pumatay sa Thaniar dahil magkatulad sila ng description "siya ang tanungin mo kasi siya ang nangangalaga sa liwanag."

"Huh? Liwanag?" tanong ko.

"Pito ang elemento dito sa mundo diba... Nagbasa ka ba ng history book?" tanong niya at para bang pinana ako sa ulo dahil hindi ko naiisipang magbasa ng history book.

"Uh... Eh..."

"Haahh... Oh, basahin mo yan, iba-iba ang history kada bansa kaya siguraduhin mong mababasa mo lahat nang makita mo ang kabuuang larawan," sabi niya "kung wala kayong mapagpahingahan may mga silid sa taas."

"Ituro mo nga sakin ang decipleship," sabi ko "magbibigay lang ba ng mana?" tanong ko.

"Hindi, tara sa taas nang maituro ko na sayo," sabi niya.



Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon