Chapter 129

1K 47 0
                                    

"So... eto yung lugar," sabi ko nang nasa tapat na ako ng isang bahay; sa itsura, isa itong barong-barong; sa labas ay isang furnace, anvil at ilang rack na pinaglalagyan ng mga sandata pero walang naka-display.

"Hmm... tao po!" tawag ko mula sa labas pero walang sumasagot.

"Wala atang tao ah," bulong ko at inulit ang pagtawag pero wala pa rin kaya lumapit na ako sa pinto upang kumatok pero may isang talim ng espada ang dumikit sa may leeg ko.

"Sino ka, at anong balak mo sa aming tirahan," sabi ng isang lalaki.

"Relax, kakatok lang ako dahil walang sumasagot," sabi ko "ikaw ba si Hephaestus?"

"Oo, bakit?" tanong niya.

"May liham ako mula kay Orin," sabi ko at nilabas sa inventory ang liham.

Inalis agad ni Hephaestus ang espada sa leeg ko at agad na hinablot ang liham, binuksan niya iyon at binasa ang laman.

Tumalikod ako at nakita ang isang lalaking florian; ang height niya ay estimated kong 4'10", muscular built, meron siyang itim na buhok at dark brown eyes; nakasuot siya ng isang white cotton shirt na napapatungan ng leather vest, khaki pants, leather boots; sa kaliwa niyang kamay ay isang gauntlet na may kulay brown na crystal sa may likod-palad at sa kanan niya na may hawak na short sword ay may isang armlet.

"I see... nasa <Floria> si Orin," sabi niya sabay buntong-hininga.

"Maraming salamat sa iyong paghatid ng sulat, maari bang ikaw muna ay pumasok at maupo?" sabi ni Hephaestus "nais ko kasing malaman kung ano na ang ginagawa ni Orin ngayon, pagka't ang sabi lang sa liham ay maayos siya at nasa <Floria>."

Agad kaming pumasok sa loob ng bahay tinitirahan niya; pagkapasok mo sa loob, makikita mo agad ang isang kama sa may gilid malapit sa bintana, isang mesa sa hindi kalayuan, dalawang upuan, isang kalang de-uling hindi kalayuan sa may mesa, may mga chest sa may dulo ng kama, hindi ko alam kung ano ang mga laman nun, at sa tabi ng mga chest ay ang mga sandata na nung tignan ko gamit ang <Identify> ay nakita kong gawa ito sa iron, patunay ang <Iron> prefix ng mga sandata.

"Maupo ka muna," sabi ni Hephaestus at naglagay ng mga pang-gatong sa kalan at kumuha ng isang maliit na crystal sa malapit, hinagis niya iyon sa may kalan at agad itong nag-apoy.

"Kamusta doon si Orin?" tanong niya habang naglalagay ng dahon sa may isang takure, nilagyan ng tubig at isinalang sa kalan bago naupo sa may harap ko.

"Maayos naman siya doon, nagtratrabaho bilang isang blacksmith at may sariling tindahan," sagot ko "naging alipin siya pero hindi naman siya minamaltrato, sa halip ay tinuruan pa siya sa lengguwahe upang maka-pamuhay."

"Ahh... Sino itong naging panginoon niya?" tanong ni Hephaestus.

"Ako," sagot ko at nakita ang gulat sa mga mata niya "binili ko siya dahil nagnanais ang <Floria> na makipag-alyansa sa <Mountoria>, papakawalan ko siya sa oras na alyado na ang—"

"Wag," sabi ni Hephaestus.

"Eh?"

"Wag mo na pakawalan si Orin," sabi niya "delikado ang bansang ito, isang bansa na ang nasa taas ay ang mga malalakas," sabi niya at tumayo na at pumunta sa kalan upang isalin ang tsaang ginawa "sa bansang ito, kung gusto mong respetuhin, kailangan mong ipakita na malakas ka, mahina si Orin, imposibleng respetuhin siya dito kaya naman kung mas maganda ang <Floria> wag mo na siyang ibalik dito," at inilipag niya ang tsaa sa may harap ko.

"pero paano kung nais niyang bumalik dito?" tanong ko.

"Ako marahil ang dahilan kung bakit niya gustong bumalik," sabi ni Hephaestus "kaya, sabihin mo sa kanya na ayos lang ako dito, hindi na ako tulad nung una niya akong napulot, malakas na ako."

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon