FLASHBACK

471 23 2
                                    

Third Person POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Third Person POV

Nakahiga si Ashley sa kama yakap yakap ang anak sa mga braso nya. Ang luha nito ay patuloy sa pagbagsak na tila ba wala na itong katapusan.

Pero ang pag-iyak nya ay hindi sapat para pawiin ang sakit na nararamdaman nya sa puso nya. Simula ng maputol ang usapan nila ni Ethan ay hindi na nya alam ang nangyari dito.

Lumipas na ang mag damag pero hindi man lang nakabalik ng bahay si Ethan.

Hanggang sa....

May nakarating na balita kay Adrian tungkol sa motorbike na sinasakyan ni Ethan.




"Mr. Redonzo na tagpuan pong nasa bangin ang motorbike ni Ethan Rei...Pero hanggang ngayon ay hindi po namin makita ang katawan nito."






Umagos ang luha ng nakatatandang kapatid ni Ethan nang malaman nya ang tungkol sa sinapit ng kapatid. Nablanko at nabalisa, hindi alam kung anong mararamdaman sa balitang dumating.

Mabilis na pinatawag ni Adrian ang bulter nya para ipahanap si Ethan.





"Butler, ipakalat nyo ang litrato ng kapatid ko at kung sino mang makakapag turo sa akin kung nasan ito ay bibigyan ko ng pabuyang 100 milyon!"





Kagaya ng sinabi ni Adrian ay pinakalat ng Butler nito ang picture ni Ethan at kung sino man ang makakapag turo sa taong hinahanap nila ay makakatanggap ng pera bilang pabuya.

Pero sa pag lipas ng araw ay walang nangyari...

Walang sino man ang nakapag turo kung nasaan si Ethan. Habang tumatagal ay nawawalan sila ng pag-asa lalo na at sinasabi ng pulis na baka may naka-away si Ethan kung saan tinapon ang katawan nito sa gitna ng dagat o kaya naman ay sinunog.

Dahil simula ng araw na hindi umuwi si Ethan ay hindi na ito nakita kahit kailan.





















...............................................






















Sa isang bukirin kung saan may isang lalakeng nag ngangalang Samuel. Dala dala ito ang katawan ng isang binatang walang malay.

Dinala nya ito sa bahay nya at ginamot ito. Katulong nya sa pag-aalaga ang anak nyang babaeng si Nathalie.

Hinintay nilang gumising ang critical na kalagayan ng lalake at sa pag lipas ng araw ay...

Unting-unting mumulat ang mukha ng binata.

Naupo siya mula sa pag kakaratay at inilibot ang tingin sa paligid.

Natagpuan ng mga mata nito ang dalawang taong nag alaga sa kanya.

"Nasan ako?" Mahinang bigkas ng lalake. Sumasakit ang ulo nito at hindi pa din ganun kaayos ang pakiramdam nya.


"Nakita ka ni Papa sa isang bangin mula sa trabaho nya. Kaya naman dinala ka nya dito sa bukid para gamutin." paliwanag sa kanya ng dalaga.


Tahimik lang ang lalake at sinusubukang alalahanin ang mga nangyari hanggang sa, bumuka ang mga labi nito at nag salita.





"Wala kong maalala...."






Nag katinginan ang mag-ama dahil sa binitawang salita ng lalake. Hinihinala na nila na nag karoon ng amnesia ang lalakeng ginamot nila.

Walang duda dahil malaki ang sugat na natamo nito sa ulo.



Lumapit si Natalie sa binata at naupo sa tabi nito, "Kahit ba ang pangalan mo ay hindi mo matandaan?" Tanong nya rito dahil umaasa syang maalala man lang ng lalake ang pangalan nito para maisauli sa totoong pamilya nya.

Pero umiling ang lalake.

Kaya naman lumapit si Samuel sa lalake at nag salita, "Dumito ka muna, hanggang sa bumalik ang ala-ala mo. Habang hindi mo pa naaalala ang lahat ay tatawagin ka muna naming Daniel."










"I'm Daniel?" -Ethan






YouTube Channel: Cinderelams

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now