You're Mine
Chapter 19 | Where Is Alexandra?GABNER UNIVERSITY.
Nagsasabunutan pa rin sina Santi at Leila.
Lumapit na ang guard at inawat silang dalawa.Guard: Tama na po 'yan!
Santi: Sila ang nauna! Sinugod na lang nila bigla 'yung pinsan ko!
Estong: Tama po 'yun!
Leila: Dahil gumaganti lang kami sa kanya!
Criza: Akala niya kasi lahat ng babae dito sa Gabner eh kayang kaya niyang apihin!
Jelai: Oo nga kaya dapat lang kay Cassandra 'yun!
Santi: Eh wala namang ginagawa sa inyo ang pinsan ko ano! Maling tao ang inaway ninyo dahil hindi siya si Cassandra!
NATIGILAN SINA JELAI, CRIZA AT LEILA.
Jelai: What?
HINDI NA MAKITA NI ESTONG SI ALEXANDRA.
Leila: Anong hindi siya Cassandra?
Criza: Baliw ata itong baklang ito eh! At saka bakit ba kayo nandito? Student ba kayo dito sa Gabner ha?
Estong: Santi, si Alexandra nawawala.
Santi: (Natigilan) Ano?
IGINALA NIYA ANG KANYANG MATA SA PALIGID AT WALA NGA SI ALEXANDRA.
Santi: Saan nagpunta 'yun?
Estong: Ewan, kanina lang nandiyan siya eh. Nagkagulo na kasi kaya hindi ko na napansin.
Santi: Tara hanapin natin siya!
PAALIS NA SILA PERO PINIGILAN SILA NG GUARD.
Guard: Sandali lang po, kailangan po muna namin kayong dalhin sa dean's office.
Santi: Ano? Naku kuya hindi kami student dito. Sinamahan lang namin ang pinsan ko.
Leila: See? Mga outsiders pala kayo tapos ang lalakas ng loob niyong awayin kami!
Santi: Eh sino bang naunang mang away ha? Ipinagtanggol ko lang ang pinsan ko!
Estong: Oo nga, wala naman sanang gulo kung hindi niyo sinaktan si Alexandra eh!
Criza: Whatever!
Jelai: Kuya guard, dalhin mo na sila.
Santi: At bakit kami lang? Kuya guard dalhin niyo rin sila! Tsaka kailangan pa naming hanapin yung pinsan ko dahil hindi niya alam ang lugar na ito baka maligaw 'yun!
Guard: Sa dean's office nalang po kayo magpaliwanag. Tayo na po. Kayo din po (Jelai, Criza, Leila) sumunod nalang po kayo.
AT WALANG NAGAWA SINA SANTI KUNDI ANG SUMAMA SA GUARD.
•••••••••••••••••••
SA PARKING LOT NG GABNER.HATAK HATAK NI LUKE SI ALEXANDRA.
Alexandra: Teka saan mo ba ako dadalhin?
Luke: Ano na naman bang gulo ang ginawa mo Cassandra? Inaway mo na naman ba sina Leila? Hindi ka pa ba nadala na bina-bash ka na ng mga school mates natin dahil sa viral video mo?
Alexandra: Wait makinig ka muna sa akin, hindi ako si—
Luke: No! You listen to me Cassandra! Alam kong ginagawa mo ito dahil sa akin! Alam kong galit ka sa akin dahil ni-reject kita! Alam kong gusto mo akong gantihan kaya pati ang best friend ko ginamit mo! Bakit ba ang sama sama mo? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na hindi kita mahal? Bakit ba kailangan mo pang manakit ng ibang tao?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...