You're Mine
Chapter 157 | Say Sorry*VICTORINA CORPORATION*
SA OPISINA NI DON MANOLO.
KAUSAP NIYA SINA CASSANDRA, ALEXANDRA AT ELIZABETH.
NANDOON DIN SINA MANUEL AT BRENDA.Don Manolo: Humingi kayo ng tawad kay Elizabeth. Lalo ka na Cassandra.
Cassandra: (Natigilan) What? Pero lolo, wala akong kasalanan sa babaeng 'yan!
Don Manolo: Cassandra! Sumugod kayo dito at sinaktan mo siya. Marami ang nakakita sa ginawa mo.
Cassandra: She deserve it dahil nilalandi niya si Daddy!
Manuel: That's not true anak. Ipinaliwanag na namin ang lahat sa Mommy mo. Walang kasalanan si Elizabeth.
Brenda: Anak, sinabi ko naman sa inyo na nagkaliwanagan na kami ng Daddy niyo kaya okay na kami. Bakit pa kayo nagpunta dito?
Cassandra: But Mommy, siya pa din ang reason kung bakit hindi natuloy ang date ninyo ni Daddy kagabi and naniniwala ako na sinadya niya 'yun!
Elizabeth: Hindi 'yan totoo. Wala akong intensyon na ganun.
Cassandra: Oh really? Ang sabihin mo inaakit mo talaga si Daddy!
Manuel: (Sumigaw) Stop it Cassandra! Tama na!
NATAHIMIK SI CASSANDRA.
Don Manolo: Humingi na kayo ng sorry kay Elizabeth para matapos na ito.
NAUNANG NAGSALITA SI ALEXANDRA.
Alexandra: I'm sorry Miss Elizabeth sa ginawa naming pag sugod sa'yo.
Elizabeth: You don't have to say sorry. Wala ka namang ginawa sa akin.
HINDI NAMAN UMIIMIK SI CASSANDRA.
Manuel: Cassandra.
HUMINGA NG MALALIM SI CASSANDRA AT TUMINGIN KAY ELIZABETH TSAKA TUMAYO.
Cassandra: Hindi ako magso-sorry sa babaeng 'yan!
SABAY WALK OUT.
Manuel: Cassandra! Cassandra!
Brenda: Hayaan mo na. Ako na ang kakausap sa kanya mamaya pag uwi.
Alexandra: Susundan ko lang po siya.
LUMABAS SI ALEXANDRA.
NAPABUNTONG HININGA SI DON MANOLO AT TINIGNAN SI ELIZABETH.
Don Manolo: I'm sorry for what happened, Elizabeth. Huwag na sana nating palakihin pa ang eskandalong nangyari kanina.
Elizabeth: Don't worry Don Manolo, wala naman po akong balak mag reklamo sa ginawa ng apo ninyo. Mauuna na po ako.
TUMINGIN SI ELIZABETH KINA MANUEL AT BRENDA TSAKA UMALIS.
Don Manolo: Kausapin ninyong mabuti ang anak ninyo.
•••••••••••••••••••••••••••••
*NAGDA-DRIVE SI ELIZABETH*Elizabeth: Bwisit kang Cassandra ka! Magpasalamat ka at nakapag pigil pa ako kanina pero humanda ka dahil I will teach you a lesson you won't forget! Hkkkkkkkkkk!!!!!
GALIT NA GALIT SI ELIZABETH.
••••••••••••••••••••••••••
SINUNDAN NI ALEXANDRA SI CASSANDRA.Alexandra: Mali naman talaga ang ginawa mo kanina, sis. Sinaktan mo siya.
Cassandra: Siya ang unang sumampal sa akin!
Alexandra: Kasi ininsulto mo siya eh.
Cassandra: Teka nga, kinakampihan mo ba ang babaeng 'yun?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...