Chapter 100 | Suspicion

23 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 100 | Suspicion

MAGKAUSAP SINA HANSON AT LEILA SA PARK NG GABNER.

Leila: Mula kasi nung mangyari 'yun hindi ka na mawala sa isip ko eh. I just want to help you that night dahil nakita kita na sobrang lasing at umiiyak. I want to comfort you as a friend pero nung nasa taxi tayo bigla mo akong hinalikan and bigla akong kinabahan pero nagustuhan ko 'yun. I tried to forget what happened that night pero hindi ko talaga magawa eh. Hanson I think, I think na fall na ako sa'yo.

NATIGILAN SI HANSON.

Hanson: I'm sorry Leila. Hindi ko sinasadya na may mangyari sa atin. I was so drunk that night and akala ko ikaw si Cassandra but I will admit hindi ka rin nawala sa isip ko after that morning na nakita kita sa tabi ko. You're so beautiful habang tulog ka pero alam kong mali kasi may girlfriend ako.

Leila: Pero wala naman siyang maalala right? Hindi ka naman niya nakikilala so bakit nag i-stay ka pa sa relasyon ninyong dalawa? After all, hindi ka naman talaga minahal ni Cassandra diba? Hanson, ako na lang please? I promise you na magiging mabuting girlfriend ako sa'yo at hindi kita ite-take for granted gaya ng ginagawa sa'yo ni Cassandra noon.

HINDI NAKASAGOT SI HANSON.
NAKAMASID NAMAN SA KANILA SINA PHOEBE, YESHA AT VICKY.

Phoebe: OMG! What if malaman ni Cassandra na may nangyari kina Hanson at Leila?

Yesha: As if namang maapektuhan si Cass diba? Hello, she has amnesia remember?

Vicky: Kahit na! Hindi pa din dapat ginawa ni Hanson 'yun! Nag cheat pa rin siya kay Cass!

Phoebe: Well, hindi naman talaga mahal ni Cass si Hanson diba?

Vicky: 'Yun ang akala niyo. Hindi lang talaga showy si Cass pero sinabi niya sa akin before na mahal na niya si Hanson.

Yesha: Really?

Vicky: Yeah! Kaya I'm sure kung walang amnesia si Cass at nalaman niya ito siguradong magagalit siya!

•••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

SA KWARTO NI ALEXANDRA.

KUMAKATOK ANG TUNAY NA ALEXANDRA.

Alexandra: Sis, nandiyan ka ba?

PERO NASA LOOB NG SHOWER ROOM SI CASSANDRA KAYA HINDI NIYA NARIRINIG ANG KATOK NI ALEXANDRA.

BINUKSAN NI ALEXANDRA ANG PINTO AT PUMASOK SIYA SA LOOB NG KWARTO.
HINDI NIYA MAIPALIWANAG ANG NARARAMDAMAN NIYA PERO PARANG PAMILYAR SA KANYA ANG KWARTONG IYON.

Alexandra: Sis, nasaan ka?

NAPATINGIN SIYA SA KAMA AT MAY NAKITA SIYANG PARANG NOTEBOOK (DIARY NIYA).
NAPAKO ANG TINGIN NIYA DITO DAHIL PARANG PAMILYAR ITO SA KANYA KAYA LUMAPIT SIYA DITO AT KINUHA NIYA ITO TSAKA BINUKLAT.

Dear Diary,

Nagpunta kami ni Luke sa bahay na inuupahan nina Santi at Emily. Malaki ang bahay kahit luma na ito. Grabe nag enjoy talaga akong i-make over ang bahay na 'yun. Actually gusto pa nga naming makita 'yung second floor kaso sabi nina Santi eh maalikabok pa at pundi ang mga ilaw kaya sabi ko next time nalang namin tignan. Medyo ginabi na kami kaya hinatid na rin ako ni Luke pauwi.

BIGLANG MAY SUMAGI SA ISIPAN NIYA AT TILA MAY NAG RING SA KANYANG TENGA. NABITAWAN NIYA ANG DIARY DAHIL NAPAHAWAK SIYA SA KANYANG ULO.

Alexandra: Ahhhhhh!!!

SOBRANG SAKIT NG ULO NIYA KAYA AGAD SIYANG LUMABAS NG KWARTONG IYON UPANG HUMINGI NG GAMOT SA MAID.

SIYANG LABAS NAMAN NG TUNAY NA CASSANDRA SA SHOWER ROOM.
NAKITA NIYANG NAKABUKAS ANG PINTO NG KWARTO NIYA. NAGTAKA SIYA. NAKITA DIN NIYA NA NASA SAHIG ANG DIARY NI ALEXANDRA KAYA PINULOT NIYA ITO.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
KAUSAP PA DIN NI LUKE SINA EMILY AT SANTI SA CAFETERIA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon