Chapter 97 | Different Alexandra

21 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 97 | Different Alexandra

KINABUKASAN

*VICTORINA MANSION*

NAGPUNTA DOON SINA LUKE AT HANSON. KAUSAP NILA SI MINERVA.

Minerva: Pinayagan ko na sila na tumanggap ng bisita gaya ng ipinangako ko sa inyo na kapag okay na sila pwede niyo na silang makita.

Luke: Salamat po Tita Minerva.

Hanson: Salamat po.

Minerva: Nasa garden area sila, puntahan niyo nalang sila doon. Magpapahanda lang ako ng merienda sa mga katulong.

UMALIS NA SI MINERVA.
NAGKATINGINAN SINA HANSON AT LUKE.

Luke: Sa wakas, makikita mo na si Cassandra.

BIGLANG NATAHIMIK SI HANSON.

Luke: Oh bakit parang hindi ka masaya dude?

Hanson: Ha? Hindi naman sa ganun. Iniisip ko lang kasi baka hindi naman niya ako makilala dahil nga may amnesia siya diba? Anong una kong sasabihin sa kanya?

Luke: Dude, sigurado naman ako na kahit nakalimutan ka niya mararamdaman pa rin niya na mahal mo siya at 'yun ang kailangan mong iparamdam sa kanya para maging komportable ulit siya sa'yo.

Hanson: (Napabuntong hininga) Bahala na nga dude. Let's go.

NAGPUNTA NA SILA SA GARDEN AREA.

••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

SA OPISINA NI DON MANOLO.
KAUSAP NIYA ANG IMBESTIGADOR.

Imbestigador: (May inabot na dokumento kay Don Manolo) Narito po ang complete profile ni Enrico Sebastian o mas kilala sa tunay niyang pangalan na Enrico Kabigting.

KINUHA NI DON MANOLO ANG MGA DOKUMENTO AT BINASA.

Don Manolo: Enrico Kabigting pala ang tunay niyang pangalan at hindi Enrico Sebastian?

BINASA PA NI DON MANOLO ANG MGA DOKUMENTO.
••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA ISANG MALL.

NANDOON SI BRENDA KASAMA SI LOLA REMEDIOS.

NAGPUNTA SILA SA DEPARTMENT STORE.

Brenda: Mama, may titignan lang ho akong sapatos doon.

Remedios: O sige Brenda.

NAGPUNTA SI BRENDA SA WOMEN'S SHOES SECTION AT DOON AY TUMINGIN SIYA NG SAPATOS. ISANG BABAE NAMAN ANG TUMITINGIN DIN NG SAPATOS.

Fe: Miss (Sales lady), may size 6 pa ba ng ganitong kulay?

Sales Lady: Ah titignan ko lang po sandali.

UMALIS ANG SALES LADY.

MAY NAKITA PA SI FE NA ISANG SAPATOS AT KINUHA NIYA ITO PERO MAY NAKASABAY SIYANG DUMAMPOT NITO—SI BRENDA. NAGKATINGINAN SILA.

Fe: (Nabigla) B-Brenda?

Brenda: Fe?

UMIWAS NG TINGIN SI FE AT TANGKANG AALIS PERO HINAWAKAN SIYA NI BRENDA SA BRASO.

Brenda: Sandali! Mag usap muna tayo!

Fe: Wala tayong dapat pag usapan!

Brenda: Meron dahil isa ka sa dahilan kung bakit ako nasira kina Manuel at Don Manolo!

Fe: Wala akong alam sa sinasabi mo!

Brenda: Sigungaling ka! Magkano ang ibinayad sa'yo ni Minerva para mag sinungaling dodoblehin ko— hindi, ti-triplehin ko pa magsabi ka lang ng totoo! Desperada na ako na maisiwalat ang katotohanan kaya sabihin mo sa akin kung magkano ang kailangan mo para bawiin mo lahat ng mga kasinungalingang inimbento ninyo!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon