You're Mine
Chapter 115 | ReconciliationGABI
*VICTORINA MANSION*
PINAPAGALITAN NI MANUEL SI CASSANDRA.
Manuel: Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan Cassandra! Pinalaki ka namin ng maayos, ibinigay namin lahat ng gusto mo pero bakit ganyan ang ugali mo? Hindi ka namin tinuruan na mang maliit ng ibang tao o mang api ng kapwa mo! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa pamilya natin? Wala akong kaalam alam sa lahat ng mga ginagawa mong pangbu-bully sa mga school mates at kaibigan mo! Kung hindi pa ako kinausap ng dean malamang wala pa rin akong alam hanggang ngayon!
HINDI SUMASAGOT SI CASSANDRA.
Manuel: Bakit hindi ka magsalita? Ano ba ang problema mo Cassandra? Bakit ka naging ganyan?
DUMATING NAMAN SI MINERVA.
Minerva: Manuel? Anong nangyayari, bakit mo sinisigawan ang anak mo?
NAPALINGON SI MANUEL KAY MINERVA.
Manuel: Ate Minerva, ipinatawag ako ng dean sa school kanina at nalaman ko kung ano ang mga ginawa ni Cassandra.
NAPATINGIN SI MINERVA KAY CASSANDRA.
Minerva: Bakit, ano ba ang ginawa niya? Nakausap ko din ang Dean kahapon dahil nagsumbong sa akin ang anak mo na na bully daw siya ng school mate niya.
Manuel: Nagsinungaling si Cassandra at marami ang nagpatunay sa mga ginawa niyang pangbu-bully sa mga school mates niya noon pa. Ate, alam mo ba ang lahat ng ito? Ikaw ba ang kumukunsinti kay Cassandra kapag may mga ginagawa siyang hindi maganda sa school?
NATIGILAN SI MINERVA.
Cassandra: Daddy, wala pong alam si Tita Minerva. Nagsusumbong lang po ako sa kanya kaya siya ang kumakausap sa Dean.
Minerva: Manuel, pamangkin ko si Cassandra at mahal ko siya kaya ayokong nababalitaan na may umaapi at nangbu-bully sa kanya. Ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang?
Manuel: Pero kapag siya ang mali hindi natin siya dapat pinagtatakpan. Bagkos dapat pinagsasabihan natin siya.
Minerva: Alam ko Manuel at ginagawa ko naman yun. Pinapangaralan ko si Cassandra kapag nagkakamali siya, alam mo 'yan. Mula pa pagkabata niya ako na ang tumayong ina niya at alam ko sa tuwing wala kayo ng Papa, nalulungkot siya at nagtatanong siya kung bakit lagi kayong wala, kung bakit wala kayong oras sa kanya, kung mahal niyo daw ba siya.
NATIGILAN SI MANUEL.
Minerva: At lagi kong sinasabi sa kanya na kailangan niyo lang mag trabaho para din sa kanya. Para sa future niya. Sinasabi ko sa kanya na mahal niyo siya. Manuel, unawain mo na lang si Cassandra. Siguro nga minsan nagiging maldita siya pero kilala mo ang anak mo, hindi siya masamang tao. Ang kailangan lang niya ay ang pang unawa natin. Huwag kang mag alala, kakausapin ko siya. Huwag ka na munang magpaka stress dahil baka makasama lang sa'yo.
NAPALUHA SI CASSANDRA.
Cassandra: Dad, I'm sorry po. Hindi ko lang po kasi matanggap yung nangyari sa akin nung isang araw eh. Dad ipinagpalit ako ni Hanson sa babaeng 'yun tapos napahiya ako sa cafeteria nung nabuhusan ako ng juice, I saw them laughing at me kaya nag assume ako na baka kagagawan 'yun ni Leila. I'm sorry kung gumawa po ako ng story para madiin siya kahit na hindi ako sigurado na siya nga ang nag utos na tapunan ako ng juice. I just felt so helpless. Wala na akong kaibigan sa school, kahit si Alexandra hindi niya ako kinakampihan, ikaw at si Tita Minerva na lang ang matatakbuhan ko pero natatakot akong magsumbong sa inyo dahil alam ko naman na hindi niyo rin ako kakampihan kaya kay Tita Minerva ako laging lumalapit. I'm sorry kung ganito ako, I'm sorry kung naging brat ako pero daddy kung tinatanong niyo ako kung anong problema ko, isa lang po... Gusto ko lang pong maramdaman na kakampi kita na mahal mo ako, that you will always be there for me kapag kailangan ko kayo.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...