Chapter 24 | Defamation

38 2 0
                                    

You're Mine
Chapter 24 | Defamation

KINABUKASAN.

*VICTORINA MANSION*

SABAY SABAY NAGBE-BREAKFAST SINA CASSANDRA, MINERVA AT MANOLO.

Manolo: Kamusta ang school, apo?

Cassandra: (Natigilan at napatingin kay Minerva) Okay naman po lolo.

Minerva: Actually Papa, maganda ang performance nitong si Cassandra sa school. Alam mo naman, mana sa akin ang batang ito, matalino hindi ba?

Manolo: Mabuti naman kung ganun dahil balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng mga pinaghirapan namin.

PILIT ANG NGITI NI CASSANDRA.

Manolo: Siya nga pala Minerva, ngayon ba ang meeting natin kay Enrico?

Minerva: Yes Papa.

Manolo: Sige.

Cassandra: Uhmm Lolo, Tita Minerva pwede po bang magtanong?

Manolo: Ano 'yun Hija?

Minerva: Parang seryoso ang itatanong mo ah?

Cassandra: Hindi po ba matagal ng patay ang kakambal ko?

NATIGILAN SI MINERVA.

Manolo: Oo apo. Bakit mo natanong 'yan?

Cassandra: Kasi po sa school may nagpunta daw po doong babae na kamukhang kamukha ko daw po. Tita Minerva, remember yung kasama ni Luke dito sa bahay kahapon? it wasn't me, siya 'yung babaeng kamukha ko daw.

Minerva: (Nabigla) What? Ano bang sinasabi mo Hija?

Manolo: Imposible 'yun apo, matagal ng patay ang kakambal mo.

Cassandra: I know lolo. Pero sino po kaya 'yung babaeng 'yun? Naguguluhan na po kasi ako eh. May lumapit din po sa akin sa coffee shop kahapon at tinawag niya akong Janella.

Minerva: Janella?

Cassandra: (Tumango) 'Yun daw po ang pangalan ng babaeng kamukha ko.

NAPAISIP SI MINERVA.

Manolo: Hija, baka naman kamukha mo lang talaga ang babaeng sinasabi nila pero sigurado akong hindi 'yun ang kakambal mo dahil matagal na siyang patay.

HINDI NA NAGSALITA SI CASSANDRA.
PATULOY NAMAN SA PAG IISIP SI MINERVA.

••••••••••••••••••••••
BAGUIO

"DIMAGIBA RESIDENCE"

NAKAUWI NA SINA ALEXANDRA AT SANTI.

Remedios: Kamusta apo, nakausap mo ba ang Daddy mo?

Freda: Oo nga, nasabi mo na ba ang lahat sa kanila?

Brenda: Anak, nagkita ba kayo ng kakambal mo?

NAGKATINGINAN SINA SANTI AT ALEXANDRA.

Alexandra: Eh mommy, hindi ko po nakita si Daddy.

Brenda: Ha? Bakit? Pinigilan ka ba ng Minervang yon?

Alexandra: Hindi po Mommy, ike-kwento ko na lang po ang lahat ng nangyari.

Lito: Ang mabuti pa eh dun na tayo sa hapag mag kwentuhan at nakahain na ang tanghalian.

Alexandra: Nasaan po sina Emily at Rizzi?

Freda: Nasa school na sila. Tayo na sa hapag ng makakain na rin kayo.

•••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

MAGKAUSAP SINA LUKE AT HANSON.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon