You're Mine
Chapter 86 | Cassandra VS Luke*FRIDAY*
MAGKASAMA SINA LUKE AT ALEXANDRA SA KOTSE.
Luke: (Driving) Gusto ka kasing ma-meet ni Mommy kaya nagpahanda siya ng breakfast. Sorry kung maaga kitang sinundo.
Alexandra: (Ngumiti) Okay lang, excited na nga akong ma-meet ang mommy mo eh.
Luke: Siya din, excited na siyang ma-meet ka. Pati si Ate, gusto ka daw niyang ma-meet.
Alexandra: Kinakabahan tuloy ako hehehe.
Luke: Okay lang 'yan, mabait naman sila eh.
••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*KAKAGISING LANG NI CASSANDRA. NAABUTAN NIYANG NAG UUMAGAHAN SINA MINERVA, DON MANOLO AT MANUEL.
Minerva: Oh Hija, mabuti naman at gising ka na. Ipapatawag ka na sana namin sa mga katulong eh.
Don Manolo: Maupo ka na apo.
NAUPO NA SIYA. NAPANSIN NIYA NA WALA SI ALEXANDRA.
Cassandra: Si Alex po, tulog pa po ba?
Manuel: Maaga siyang umalis kasama ni Luke. Ipinagpaalam siya sa amin na doon daw siya magbe-breakfast sa kanila dahil gusto daw siyang ma-meet nung mommy ni Luke. Didiretso na daw sila sa school mamaya.
Cassandra: I see.
Minerva: Oh kumain ka na Hija.
•••••••••••••••••••••••••••
7:00AMSA BAHAY NINA LUKE.
KASALUKUYAN NA SILANG NASA HAPAG KAINAN.
Teressa: Finally, na-meet na din kita Alexandra. Kine-kwento ka kasi sa akin ng anak ko kaya sabi ko sa kanya gusto kitang makilala.
NGUMITI SI ALEXANDRA.
Alexandra: Ako din po Tita, matagal ko na rin po kayong gustong makilala.
Isha: Alam mo, magaan ang loob ko sa'yo ah? Hindi kagaya ng pakiramdam ko sa kakambal mo, ang bigat! Alam mo 'yun, kahit na magkamukhang magkamukha kayo, ibang iba ang vibes mo.
Luke: Ate?
Isha: Hay nako, nagsasabi lang ako ng totoo noh!
NAPANGITI SI ALEXANDRA.
Teressa: Ako din hija, pagkakita ko pa lang sa'yo ang gaan na agad ng loob ko. Para bang matagal na kitang kilala.
Alexandra: Salamat po Tita, Ate Isha. Ako din po, magaan po ang loob ko sa inyo.
Teressa: Sana, mapadalas ang punta mo dito ha?
Alexandra: Sige po Tita.
Teressa: Ay wait lang, may ibibigay nga pala ako sa'yo.
MAY KINUHA SI TERESSA SA KANYANG BULSA.
NAGTAKA SINA LUKE, ALEXANDRA AT ISHA.Teressa: (Tumayo at nagpunta sa likuran ni Alexandra at tsaka isinuot dito ang isang gold necklace) Nabili ko ito noon sa Dubai nung nagtrabaho ako doon. Sabi ko sa sarili ko, ibibigay ko ito sa babaeng mapapang asawa ng anak kong lalake.
Isha: Kaloka ka Mommy!
NAMULA SI ALEXANDRA.
Teressa: Bakit naman? Eh sure na sure naman na ako na si Alexandra ang babaeng papakasalan ng kapatid mo. Eh hindi ba nga ngayon lang naman yan may ipinakilala sa atin na babae. Anong sabi ko sa'yo? Kapag hindi niya dinala dito si Alexandra, ibig sabihin eh hindi pa siya sigurado sa kanya eh dinala niya? Oh anong ibig sabihin nun?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...