Chapter 155 | Confrontation

10 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 155 | Confrontation

*SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY*

DUMIRETSO DOON SI BRENDA AT UMIIYAK HABANG KAUSAP SINA LOLA REMEDIOS, SANTI AT EMILY.

Remedios: Sigurado ka ba na kabit siya ni Manuel? Baka naman masyado lang malisyoso ang taong kumuha ng picture na 'yun?

Santi: Oo nga po Auntie Brenda, baka naman po may gusto lang manira sa inyong dalawa?

Emily: Pero sino naman ang gagawa nun kina Auntie Brenda at Sir Manuel, Kuya?

Remedios: Brenda, mas mabuti kung pag uusapan ninyo ni Manuel ito. Hayaan mong ipaliwanag niya ang lahat.

Brenda: Pero aaminin ba niya kung sakaling totoo ngang may babae siya? Mama, ikakasal na kami sa susunod na buwan at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napatunayan kong may babae nga siya.

Remedios: Kailangan mo munang siguraduhin na tama ang hinala mo bago ka gumawa ng desisyon.

HINDI NA NAGSALITA SI BRENDA.

••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

DUMATING DOON SI MANUEL AT NAABUTAN PA NIYA SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA KASAMA SINA LUKE AT HANSON.

Alexandra: Daddy, nakauwi na po pala kayo.

Luke: Good evening po Tito Manuel.

Hanson: Good evening po.

BAHAGYANG NGUMITI SI MANUEL PERO HALATA SA MUKHA NITO ANG PAGKABALISA.

Cassandra: Nasaan po si Mommy?

Manuel: Hindi pa ba siya umuuwi dito?

NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Alexandra: Hindi po ba magkasama kayo?

Cassandra: Oo nga po Daddy, diba may dinner date po kayo ni Mommy?

HINDI NAKASAGOT SI MANUEL.

Alexandra: May nangyari po ba daddy? Bakit hindi po kayo magkasama?

NAG AANTAY NG SAGOT ANG KAMBAL.

•••••••••••••••••••••••••••••
SA CONDO UNIT NI ELIZABETH.

UMIINOM SIYA NG WINE.

Elizabeth: Hmmmm... I wonder kung anong ginagawa ngayon nina Manuel at Brenda. Nag aaway na kaya sila dahil sa pictures na ipinadala ni Mommy kay Brenda at dahil sa pagkaka late ni Manuel sa date nilang dalawa? Hahahahaha!

•••••••••••••••••••••••••••
TINANONG NINA MANUEL AT DON MANOLO ANG DRIVER AT BODY GUARD NI BRENDA KUNG NASAAN ITO PERO AYON SA KANILA AY SUMAKAY NG TAXI SI BRENDA MAG ISA AT HINDI NAGSABI SA KANILA.

ALALANG ALALA SILANG LAHAT.

Don Manolo: Bakit hindi ninyo sinundan si Brenda?

Driver: Eh huli na po nung makita namin na sumakay siya ng taxi. Susundan ko po sana kaso hindi po ako basta makalabas sa parking lot ng restaurant dahil madami pong sasakyan ang pumapasok.

Alexandra: Daddy, baka po dumirestso siya kina Lola Remedios. Tatawagan ko po si Santi.

Manuel: Sige Hija.

Cassandra: Dad, ano po ba talagang nangyari? Nag away po ba kayo?

AT IPINALIWANAG NI MANUEL ANG LAHAT KUNG BAKIT SIYA NAHULI NG DATING SA RESTAURANT.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon