Chapter 170 | Guilt

9 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 170 | Guilt

GABI

*VICTORINA MANSION*

NASA POOL AREA SI DON MANOLO AT MALALIM ANG INIISIP.

Don Manolo: Diyos ko... Bakit hindi ko nalaman agad na si Elizabeth pala ang anak ni Minerva na ipinamigay ko noon?

DUMATING SI CASSANDRA.

Cassandra: Lolo?

NAPALINGON SI DON MANOLO.

Don Manolo: Cassandra, Hija. Bakit gising ka pa?

Cassandra: Hindi lang po ako makatulog kaya magpapahangin lang po sana ako. Kayo po, bakit hindi pa po kayo tulog?

Don Manolo: May iniisip lang ako apo.

Cassandra: Bakit po Lolo, may problema po ba sa kumpanya?

Don Manolo: Hindi tungkol sa kumpanya.

Cassandra: Kung ganun po, tungkol po saan?

Don Manolo: Tungkol sa isang nakaraan na nagbabalik ngayon.

NAGTAKA SI CASSANDRA.

Cassandra: Hindi ko po kayo maintindihan lolo. Ano pong ibig niyong sabihin?

Don Manolo: Si Elizabeth... Hindi ba ka close mo na siya ngayon?

Cassandra: Yes po. Bakit niyo po naintanong?

Don Manolo: Wala ba siyang nake-kwento sa'yo tungkol sa mga magulang niya?

Cassandra: (Napaisip) Well bago pa po kami naging close, nag research po ako about her and nalaman ko na adopted lang po siya tapos nung naging close na kami nag kwento siya na hindi niya alam kung sinong tunay niyang mga magulang. Bakit po Lolo?

Don Manolo: May isang bagay akong nagawa noon na hindi maganda.

NAPALUHA SI DON MANOLO.
RAMDAM NI CASSANDRA NA TILA NAHIHIRAPAN SI DON MANOLO NA SABIHIN ITO.

Cassandra: Lolo, hindi ko po talaga kayo naiintindihan. Ano po ba 'yun? Ano po 'yung hindi niyo magandang ginawa noon?

MATAGAL BAGO SUMAGOT SI DON MANOLO PERO MABIGAT NA ANG KANYANG LOOB KAYA KAILANGAN NIYA ITONG SABIHIN AT ILABAS.

Don Manolo: Nagka anak ang Tita Minerva mo noon at ipinamigay ko ang batang 'yun dahil masyado pang bata ang Tita mo noon at hindi niya rin masabi kung sino ang ama ng batang ipinagbuntis niya.

Cassandra: Nagka anak po si Tita Minerva?

Don Manolo: (Tumango) Inisip ko na baka makasira sa pangalan ng pamilya natin kapag nalaman ng mga tao na isang disgrasyada si Minerva kaya ipinamigay ko ang anak niya.

TULUYAN NANG UMIYAK SI DON MANOLO.

Cassandra: Lolo... Relax lang po kayo baka kung anong mangyari sa inyo...

Don Manolo: Nagbalik na ang batang ipinamigay ko noon. Nagbalik na siya...

Cassandra: Lolo... Sino po siya—

NA-REALIZE NIYA NA KAYA TINANONG NI DON MANOLO ANG TUNGKOL KAY ELIZABETH AY DAHIL MARAHIL SI ELIZABETH ANG TINUTUKOY NI DON MANOLO NA ANAK NI MINERVA.

Cassandra: Si Elizabeth? Siya po ba Lolo?

TUMANGO SI DON MANOLO.
HINDI MAKAPANIWALA SI CASSANDRA.
••••••••••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN

*VICTORINA CORPORATION*

SA OPISINA NI ELIZABETH.

NAG AAYOS SIYA NG KANYANG MGA GAMIT HABANG KAUSAP SI CARLA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon