You're Mine
Chapter 33 | Commotion*VICTORINA MANSION*
SA KWARTO NI MINERVA, KAUSAP PA RIN NIYA SI ENRICO SA PHONE.
Minerva: Akala ko ba ayos na ang lahat? Bakit ngayon sinasabi mo sa akin na nakatakas sina Brenda???
Enrico: Hindi ko alam pero yun ang sinabi sa akin ng mga tauhan ko.
Minerva: Ang bobobo naman ng mga tauhan mo!!! Paano ngayon yan? Paano kung magpunta sila dito sa mansion???
Enrico: Edi pigilan mo sila!
Minerva: Bwisit!
END CALL.
NAGMADALING LUMABAS NG KWARTO SI MINERVA.
••••••••••••••••••
SA BABA.Manuel: Brenda, ikaw ba talaga yan?
Brenda: (Umiiyak) Ako nga Manuel.
Manuel: Papaanong nangyaring buhay ka?
Brenda: Mahabang istorya Manuel pero oo buhay ako at kasama ko ang isa mo pang anak, si Alexandra.
TINIGNAN NI MANUEL SI ALEXANDRA.
Manuel: Alexandra?
Alexandra: (Umiiyak) Daddy...
NIYAKAP NI ALEXANDRA SI MANUEL.
Manuel: (Napaluha at hindi makapaniwala) Diyos ko... Buhay kayo? Buhay pa kayo ng mommy mo?
Alexandra: Opo daddy...
Brenda: Nagpunta kami dito para sabihin sa'yo ang katotohanan tungkol nangyari sa amin.
Manuel: A-Anong katotohanan?
PABABA NG HAGDAN SI MINERVA.
NAKITA NIYA NA MAGKAUSAP NA SINA MANUEL, BRENDA AT ALEXANDRA.Minerva: Diyos ko, Brenda?
NAPALINGON SILANG LAHAT KAY MINERVA.
Brenda: Minerva.
Minerva: (Bumaba ng hagdan at nilapitan si Brenda) Ikaw nga ba yan Brenda? Diyos ko, buhay ka???
MASAMA ANG TINGIN NI BRENDA KAY MINERVA.
NIYAKAP NI MINERVA SI BRENDA AT AGAD NAMANG ITINULAK NI BRENDA SI MINERVA.
Brenda: Huwag ka ng umarte Minerva!
NATIGILAN SI MINERVA.
NAGTAKA NAMAN SI MANUEL.Manuel: Brenda, anong ibig sabihin nun?
Minerva: (Namumutla) B-Bakit Brenda, ano bang sinasabi mo? At saka paapanong nangyaring buhay ka pala?
Brenda: Huwag ka ng umarte na parang hindi mo alam ang nangyari! Akala mo siguro maitatago mo habang buhay ang katotohanan tungkol sa ginawa mo sa amin ng anak ko?
NAPATINGIN SI MANUEL KAY MINERVA.
NAMUTLA SI MINERVA.Manuel: Brenda, ano bang sinasabi mo? Anong ginawa ni Ate Minerva sa inyo? Sabihin mo!
Brenda: Si Minerva ang dahilan kung bakit kami nalayo ng mahabang panahon sa inyo Manuel!
NABIGLA SI MANUEL.
Manuel: Ano???
Minerva: Brenda, ano bang sinasabi mo diyan?
Brenda: Pinagtangkaan ni Minerva ang buhay naming mag iina noon!
*FLASH BACK*
KAUSAP NI MINERVA ANG TATLONG LALAKE.
Minerva: Kidnapin niyo ang mag iina at ipapatubos natin sila sa kapatid ko sa halagang 20 million pesos!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...