Chapter 59 | Danger

21 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 59 | Danger

*VICTORINA MANSION*

SA KWARTO NI CASSANDRA.

KA GROUP CALL NIYA SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.

Vicky: You mean, grounded si Alexandra?

Cassandra: Yeah! Almost a week na siyang grounded. Nasa akin nga 'yung phone niya eh, ibinigay sa akin ni Tita Minerva.

Phoebe: OMG, kawawa naman pala ang kakambal mo.

Cassandra: Kawawa? Eh kasalanan naman niya eh. Kung hindi niya ako inaway edi sana hindi siya mapapagalitan ni Daddy.

Yesha: Eh may reason naman siya para awayin ka diba? You pretended to be her para sirain siya sa Daddy at Lolo niyo.

Cassandra: You know what Yesha masyado kang mahadera. Gusto mong i-remove kita sa GC natin?

Yesha: Ano ka ba, I'm just joking! Buti nga kay Alexandra! Deserve niya 'yun diba Phoebe?

Phoebe: Tama!

Vicky: So kung nasa iyo 'yung phone ni Alex edi wala siyang way to contact her mom or kahit si Luke?

Cassandra: Right! Actually tinawagan nga siya ni Luke nung nakaraan eh pero ako ang sumagot at nagpanggap akong si Alexandra and I told him na iwasan na muna namin ang isa't-isa.

Yesha: I love it! I'm sure nagtataka na si Luke ngayon.

Phoebe: True! Tapos hindi pa niya makakausap si Alex in person kasi diba sabi mo bawal din siyang tumanggap ng bisita?

Cassandra: Yeah. Actually sabi sa akin nung guard nagpunta daw sina Hanson at Luke dito kanina para dalawin si Alex but because utos nga nina Daddy na huwag tumanggap ng kahit na sinong bisita si Alex eh hindi sila pinapasok ng guard.

Vicky: I'm sure bored na bored na si Alex and siguro gustong gusto na rin niyang makausap ang mommy niyo—I mean mommy niya.

Cassandra: (Nag evil smile) Hmmmm...

Phoebe: What's with that smile, Cass? Don't tell me may binabalak ka na namang masama?

HINDI NA SUMAGOT SI CASSANDRA.

•••••••••••••••••••••••
*DIMAGIBA RESIDENCE*

KAUSAP NINA REMEDIOS AT BRENDA SINA FREDA AT LITO.
SINABI NA NILA SA MGA ITO ANG MGA NAPAG USAPAN NILANG DALAWA.

Freda: Eh kung ganun kailan po ang alis ninyo Auntie Remedios?

Remedios: Ang sabi ng abogado ni Alfonso eh sa lalong madaling panahon. Pinaka matagal na ang dalawang linggo.

Lito: Alam na ho ba ito ni Alexandra?

Brenda: Hindi pa dahil ngayon lang naman sinabi sa akin ng Mama pero sasabihin din namin sa kanya kapag nakausap ko na siya.

MAYA MAYA AY DUMATING SINA SANTI AT EMILY.

Santi: Auntie Brenda, nag chat na po si Alexandra.

Brenda: Talaga? Anong sabi?

NAGKATINGINAN SINA SANTI AT EMILY.

Freda: Oh bakit nagkatinginan pa kayong dalawa? Ano bang sabi ni Alexandra?

IPINABASA NI SANTI KAY BRENDA ANG CHAT NI ALEXANDRA.

MESSAGE FROM ALEXANDRA: Mommy, I'm sorry kung hindi po ako nakakapag chat sa inyo, naging busy lang po ako at gusto ko rin po kasing mag spend ng time kasama sina Daddy, Lolo at Cassandra. I know nag aalala na po kayo sa akin dahil ilang araw na akong hindi nakakapagparamdam pero don't worry po, I'm fine and masaya po ako dito kasama ang tunay kong pamilya. Mommy, sana po huwag niyo na po muna akong tatawagan or kukulitin kasi ayoko pong isipin ni Daddy na hindi ko sila naa-appreciate. Gusto ko rin po kasing bumawi sa kanila dahil matagal nila akong hindi nakasama kaya I want to spend more time with them. Actually po we're going to Japan para mag vacation and 1 month po kami dun. Again, huwag na po kayong mag alala sa akin kasi okay na okay po ako dito and mas masaya po ako ngayon dahil buo na po ang pagkatao ko. Ingat po kayo lagi diyan.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon