You're Mine
Chapter 131 | Nochebuena de VictorinaBISPERAS NG PASKO.
ABALA ANG MGA KATULONG AT SI BRENDA SA KUSINA DAHIL NAG HAHANDA SILA NG MGA KAKAININ PARA SA NOCHEBUENA.
NASA MALL NAMAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA UPANG MAMILI NG IPANG RE-REGALO. KASAMA NILA SINA LUKE, HANSON AT LEILA.
Cassandra: Sis, ano bang pwede kong iregalo kay Mommy? Hindi ko kasi alam kung anong gusto niya eh. Mas matagal mo siyang nakasama kaya I know alam mo 'yung mga gusto niya.
Alexandra: (Ngumiti) Ano ka ba? Basta kahit ano na galing sa'yo I'm sure maa-appreciate ni Mommy. First Christmas namin ito kasama kayo kaya kahit ano pang ibigay mo sa kanya matutuwa na 'yun.
Cassandra: Talaga?
Alexandra: Oo naman.
Hanson: Alam niyo Alex, Cass, masaya kami kasi finally buo na ang family ninyo.
Leila: Oo nga. Talagang Merry na merry ang Christmas ninyo!
NGUMITI SI ALEXANDRA.
Luke: Hindi ba kayo nagugutom? Kumain kaya muna tayo?
Alexandra: Actually gutom na nga ako eh. Sige kain muna tayo.
Cassandra: Okay sige.
Hanson: G!
••••••••••••••••••••••
*SA BAGUIO*UMUWI NAMAN SINA EMILY, SANTI AT LOLA REMEDIOS UPANG MAKASAMA SINA FREDA, LITO AT RIZZI SA ARAW NG PASKO.
Freda: Akala ko wala na kayong balak umuwi eh.
Santi: Pwede ba naman 'yun Mamiru? Syempre dapat magkakasama tayo sa Pasko at Bagong taon noh!
Emily: Oo nga po. Isa pa first Christmas din natin ito kasama si Lola Remedios!
Rizzi: Excited na po ako mamaya sa Noche Buena!
Santi: Ako din excited na akong ihanda ka sa Noche buena! Lalagyan kita ng mansanas sa bibig! Cochinillo yarn??? Hahaha!
Rizzi: (Sumimangot) Mamiru oh si Kuya Santi!
Santi: Charot lang! Na-miss ka lang ng Kuya!
PINISIL NI SANTI ANG MABILOG NA PISNGI NI RIZZI.
Rizzi: Aray!
Emily: Ikaw talaga kuya lagi mo na lang inaasar si Rizzi.
Remedios: Nasaan na nga pala si Lito?
Freda: Naku nandun kina Estong. Mukhang may dinadalaw doon!
Santi: Aba nandito na pala si Estong sa Baguio? Hindi man lang kami nagkita nun sa Maynila.
Freda: Nagtatampo nga 'yun sa inyo eh dahil ni hindi niyo man lang daw siya naalalang dalawin.
Emily: Nakaka guilty naman. Ang dami kasing nangyari eh.
Santi: Kasama po ba niya si Aling Rowena?
Freda: Oo kasama niya. Siya nga ata ang ipinunta ng Uncle Lito niyo doon eh.
Santi: Alam ko na, imbitahan na lang natin sila mamaya sa Noche buena!
Emily: Ay oo nga Kuya! Good idea 'yan!
•••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*NAMIMIGAY NAMAN NG BONUS AT REGALO SINA DON MANOLO AT MANUEL SA MGA EMPLEYADO AT STAFF NILA SA OPISINA.
MASAYANG MASAYA ANG LAHAT.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanficA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...