Chapter 151 | I'm Yours & You're Mine

16 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 151 | I'm Yours & You're Mine

ILANG ARAW ANG LUMIPAS.

*GABNER UNIVERSITY*

MAGKASAMA SINA LUKE AT ALEXANDRA.
NAGLALAKAD SILA PATUNGO SA CAFETERIA DAHIL NANDOON ANG MGA KAIBIGAN NILA.

Luke: So hindi pa din ma trace kung sino 'yung nagpadala ng family picture niyo sa mommy niyo?

Alexandra: (Tumango) Oo kaya naghigpit na naman sa amin si Lolo. May mga body guards na naman na nakabantay sa amin hanggang dito sa school. Hindi kami pwedeng basta lumabas ng school nang walang nakabuntot na body guards.

Luke: Nakaka pag alala naman kasi 'yun eh. Pero sa tingin mo, sino bang gagawa nun sa inyo?

Alexandra: Wala din akong idea eh pero may isang taong pumasok sa isip ko at sinabi din 'yun ni Lolo nung gabing 'yun.

Luke: Sino?

Alexandra: Si Tita Minerva.

Luke: Ha? Ang Tita Minerva niyo? Pero patay na siya diba?

Alexandra: Kaya nga imposible na siya pero hindi ko din alam kung bakit siya 'yung unang sumagi sa isip ko. Tapos naalala ko pa 'yung sinabi sa akin ni Cass nung nakaraan.

Luke: Anong sinabi niya?

NATIGILAN SI ALEXANDRA. NANGAKO SIYA NA WALA SIYANG PAGSASABIHAN. ISA PA, IMPOSIBLE DIN NAMAN 'YUN.

Alexandra: Wala 'yun, kalimutan mo na.

HINDI NA NAG USISA SI LUKE.

•••••••••••••••••••••••••••
NAGLALAKAD SI CASSANDRA PATUNGO SA CAFETERIA. MALALIM ANG INIISIP NIYA.

Cassandra: Bakit ganun, bakit si Tita Minerva din ang naisip ko na nagpadala ng bloody family picture namin kay Mommy?

NAALALA NIYA ANG BABAENG NAKITA NIYA NOON SA SASAKYAN.

Cassandra: Pero imposible talaga. Patay na si Tita Minerva eh. No, that can't be.

MAYA MAYA AY MAY NAKABANGGAAN SIYANG ISANG BABAE.

Cassandra: Ayyyy!!!

Babae: Naku, sorry Cass.

NAKATANAW NAMAN SA KANYA SI HANSON SA HINDI KALAYUAN.

Babae: Hindi ko sinasadyang mabangga ka.

Cassandra: (Ngumiti sa babae) It's okay. Malalim lang din kasi ang iniisip ko kaya hindi kita napansin. I'm sorry din.

NAKAHINGA NG MALUWAG ANG BABAE. ANG AKALA NIYA KASI AY SUSUNGITAN O SASAMPALIN SIYA NI CASSANDRA PERO NAPATUNAYAN NIYA NA TALAGANG NAGBAGO BA ITO.
NAKITA DIN 'YUN NI HANSON KAYA NAPANGITI SIYA.

Babae: Ah sige, mauna na ako ha? Sorry ulit.

UMALIS NA ANG BABAE.
NAGPATULOY SA PAGLALAKAD SI CASSANDRA.
DAHAN DAHANG LUMAPIT SI HANSON SA KANYA. NASA LIKURAN SIYA NI CASSANDRA AT TINAKPAN NIYA NG KAMAY ANG MGA MATA NITO.

Cassandra: (Napangiti) Hanson?

AGAD TINANGGAL NI HANSON ANG KAMAY NIYA SA MGA MATA NI CASSANDRA.
LUMINGON SI CASSANDRA.

Hanson: Paano mo nahulaan na ako ito?

Cassandra: (Napangiti) Sino pa bang gagawa sa akin nun?

Hanson: (Ngumiti) Papunta ka na sa Cafeteria?

Cassandra: Oo, nandun na daw silang lahat eh.

Hanson: Sabay na tayo.

Cassandra: Okay.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon