Chapter 94 | The Evidence

13 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 94 | The Evidence

GABI.

TAN RESIDENCE.

KAUSAP NI HANSON ANG DADDY NIYA.

Hanson: Ewan ko ba Dad, bakit parang pakiramdam ko hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Cassandra?

Joseph: Anong ibig mong sabihin anak?

Hanson: Kasi Dad, simula nung magkabalikan kami never naman niyang naparamdam sa akin na excited siyang makita o makasama ako eh. I mean, oo sinasabi niya sa akin 'yung words na "I Love You" pero parang walang meaning, parang she's just saying the words pero hindi ko naman nararamdaman. Tapos ngayon nagka amnesia pa siya. Kung noon nga na may naalala siya hindi man lang siya nagkakaroon ng time na kamustahin ako eh edi lalo na ngayon. Dad nahihirapan na ako eh. I'm worried about her pero paano ko maipaparamdam sa kanya? Paano niya malalaman?

NAPALUHA SI HANSON.

Hanson: Dad nagmumukha na akong desperado at tanga eh. Worth it pa po ba na ipagpatuloy ko 'yung relationship ko sa kanya o kailangan ko na siyang pakawalan?

Joseph: Anak, ngayon ka mas kailangan ng girlfriend mo. Oo sa ngayon hindi ka niya naalala pero malay mo kapag nagbalik ang ala-ala niya at nakita niya na nandiyan ka pa rin sa tabi niya baka ma appreciate niya 'yun at ma realize niya na mahal na mahal mo talaga siya. Alam kong nahihirapan ka anak pero ganun naman talaga kapag nagmamahal ka diba?Minsan kailangan mong lawakan ang pang unawa mo at habaan pa ang pasensiya mo. Hindi ito ang tamang oras para sukuan mo siya dahil may pinagdadaanan siyang matinding pagsubok.
Gaya ng sinabi ko sa'yo noon, ipaglaban mo ang nararamdaman mong pagmamahal sa kanya. Siguro hindi lang talaga siya showy sa'yo pero malay mo mahal ka naman talaga niya.

NAPAISIP SI HANSON.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*KINABUKASAN*

TINAWAGAN NI ALEXANDRA SI BRENDA.

Brenda: Hello Alexandra, anak?

Alexandra: (Kabilang linya) Mommy, magkita po tayo ngayon,

Brenda: (Natuwa) Talaga? Makikipagkita ka sa akin ngayon?

Alexandra: Opo Mommy, may kailangan po akong sabihin sa inyo.

Brenda: Ano 'yun anak?

Alexandra: Aalis po kami ng bansa next week dahil gusto po ni Tita Minerva na ilayo kami sa'yo.

Brenda: ANO? Hindi pwede 'yun anak! Sigurado akong plano ni Minerva na ilayo kayo dahil alam niyang may ebidensiya na ako laban sa kanya! Hindi kayo pwedeng umalis hangga't hindi ko naisisiwalat sa Daddy at Lolo mo ang kasamaan ni Minerva!

Alexandra: Mommy, may plano po ako.

Brenda: Ano 'yun anak?

Alexandra: Alam ko po na mahihirapan kayong makalapit kina Daddy at Lolo at sigurado po ako na hindi sila makikinig basta basta sa inyo.

Brenda: Anak, makikinig sila sa akin dahil may hawak akong ebidensiya laban kay Minerva!

Alexandra: Kahit na po Mommy, baka hindi lang po nila kayo paniwalaan. Baka po hindi nila kayo bigyan ng pagkakataon na maipakita ang ebidensiyang hawak niyo dahil iisipin lang nila na sinisiraan niyo lang po si Tita Minerva kaya may naisip po akong plano.

Brenda: Ano bang plano mo anak?

Alexandra: Ako po ang magbibigay ng ebidensiya kina Daddy at Lolo! Makikinig po sila sa akin kaya ako na lang po ang magbibigay ng ebidensiyang hawak niyo sa kanila!

NAPAISIP SI BRENDA.

Brenda: Sigurado ka ba anak?

Alexandra: Opo Mommy! Ako na po ang bahala. Magtiwala po kayo sa akin.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon