Chapter 126 | The Surprise Witness

15 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 126 | The Surprise Witness

SA KORTE.

KASALUKUYAN NAMAN NAKASALANG SA WITNESS STAND SI MINERVA.

Atty. Tuazon: Miss Minerva Victorina, maaari mo bang sabihin sa amin kung nasaan ka noong na aksidente si Don Manolo?

Minerva: Nasa Victorina Building.

Atty. Tuazon: At ano naman ang ginagawa mo sa lugar na iyon?

Minerva: Doon ako nagta-trabaho.

Atty. Tuazon: Tinawagan ka ba ni Don Manolo para pumunta sa roof top ng Victorina building?

Minerva: Oo.

Atty. Tuazon: At nagpunta ka doon, tama ba?

Minerva: Tama.

Atty. Tuazon: Maaari mo bang i kwento sa amin kung ano ang dahilan kung bakit ka tinawagan ni Don Manolo at pinapunta doon?

Minerva: Hindi niya sinabi agad pero pag punta ko dun, nadatnan ko silang nag uusap ni Brenda. Galit na galit sa akin ang Papa at kahit anong paliwanag ko hindi siya nakikinig. Umalis na siya kaya sinundan ko siya at nagmakaawa akong pakinggan niya ako pero hindi siya nakinig sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naitulak ko siya sa hagdan habang bumababa siya.

NATIGILAN SINA DON MANOLO, MANUEL AT BRENDA. HINDI NILA AKALAIN NA AAMININ NI MINERVA ANG LAHAT.

Atty. Tuazon: So sinasabi mo ba sa amin na ikaw nga ang tumulak kay Don Manolo?

Minerva: Ako nga. Inaamin ko ang kasalanan ko. Ako din ang nag utos para pasabugin ang ospital dahil natakot ako na kapag nagising si Papa ay isumbong niya ako.

TUMINGIN SI MINERVA SA JUDGE.

Minerva: Your honor, inaamin ko po lahat ng kasalanan ko. Nagawa ko lang po ang lahat ng 'yun dahil wala na akong choice.

Atty. Tuazon: I have no further question your honor.

NAUPO NA SI ATTY. TUAZON.
TUMAYO NAMAN SI ATTY. HAROLD.

Atty. Harold: Miss Minerva Victorina, sinabi mo na nagawa mo lang ang mga bagay na 'yun dahil wala kang choice. Pwede ba naming malaman kung ano ang mga dahilan kung bakit nagawa mo ang mga bagay na 'yun?

Minerva: Bata pa lang ako, lumaki na ako sa kahirapan. Noong ipinanganak ako ng Mama ko, iniwan niya na ako agad dahil mas pinili niyang sumama kay Manolo Victorina. Nung mamatay ang Tatay ko, hinanap ko ang Mama ko pero hindi ako matanggap ni Manolo dahil anak lang ako ng Mama ko sa labas, but eventually tinanggap din niya ako. Pinakain, binihisan at pinag aral. Nung mamatay ang Mama ko, nag iwan siya sa akin ng pera pero hindi ko 'yun kailanman nahawakan dahil sinabi ni Manolo na hindi ko kayang palaguin ang ganung kalaking halaga.

Atty. Harold: Ano ang ginawa ni Don Manolo sa perang iniwan sa'yo ng iyong Mama?

Atty. Tuazon: Objection your honor, wala nang kinalaman ang nakaraan sa mga ginawang krimen ng suspect.

Atty. Harold: Your honor, kailangan nating malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon sa pamilya ni Don Manolo.

Judge: Objection overrule.

NAGPATULOY SI ATTY. HAROLD.

Atty. Harold: Miss Minerva Victorina, inuulit ko ang tanong, ano ang ginawa ni Don Manolo sa perang iniwan sa'yo ng Mama mo?

Minerva: Kinuha niya sa akin ang pera ko at sinabing kabayaran 'yun sa lahat ng mga nagastos niya sa akin.

NAGKATINGINAN SINA DON MANOLO AT MANUEL.

Atty. Harold: Ang ibig mong sabihin, sapilitan niyang kinuha sa'yo ang pera mo, tama?

Minerva: Oo at wala na akong nagawa dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtanggap at pagkupkop sa akin. Pero inaamin ko na mula noon nagkaroon na ako ng sama ng loob sa kanya. Narinig ko rin sila na nag uusap ng half brother ko na si Manuel at sinabi niya dito na kahit kailan hindi niya ako itinuring na anak, na napilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa Mama ko. Kahit kailan hindi ko naramdaman na minahal ako ng Papa.

Don Manolo: Hindi yan totoo Minerva!

Judge: Order in the court!

TUMAHIMIK SI DON MANOLO.

Minerva: Papa, minahal ko ang pamilya natin, ibinigay ko ang lahat para sa pamilyang ito. Nagsakripisyo ako at pinag trabahuhan ko ang naging posisyon ko sa kumpanya ninyo pero kahit anong gawin ko, alam kong hindi mo ipagkakatiwala sa akin ang kumpanya kahit pa alam mo na mas magaling at matalino ako kaysa kay Manuel (napaluha). Alam kong mali ang naging paraan ko para makuha ang gusto ko kaya humihingi ako ng tawad sa inyo at pinagsisisihan ko na ang mga kasalanan ko. Your honor, tatanggapin ko po ang kung ano man ang parusang ipapataw ninyo sa akin.

BUMULONG SI BRENDA KAY MANUEL.

Brenda: Sa tingin mo, nagsisisi na talaga si Minerva sa mga ginawa niya?

Manuel: (Napabuntong hininga) Hindi ko alam, Brenda.

AMINADO SI MANUEL NA MAY KATOTOHANAN ANG MGA SINABI NI MINERVA. TOTOONG HINDI IBINIGAY NI DON MANOLO KAY MINERVA ANG MANANG INIWAN SA KANYA NG KANILANG MAMA. ALAM DIN NIYA NA KAHIT KAILAN AY WALANG BALAK SI DON MANOLO NA IPAGKATIWALA KAY MINERVA ANG KUMPANYA DAHIL HINDI NAMAN NIYA ITO TUNAY NA ANAK.
IYON MARAHIL ANG DAHILAN NI MINERVA KAYA NAISIP NIYA ANG MGA GANOONG BAGAY LABAN SA PAMILYA NILA.

Judge: Bweno, mayroon pa bang tetestigo para sa nasasakdal?

Atty. Harold: Meron pa po your honor.

Judge: Sige, tawagin na siya.

MAYA MAYA AY PUMASOK SI CASSANDRA.
NABIGLA SINA DON MANOLO, MANUEL AT BRENDA. BAHAGYA NAMANG NAPANGITI SI MINERVA.

Manuel: Cassandra, anong ginagawa mo dito?

HINDI SUMAGOT SI CASSANDRA AT PUMWESTO SA WITNESS STAND TSAKA PINASUMPA.

HINDI MAKAPANIWALA SINA DON MANOLO SA GINAGAWA NI CASSANDRA.

Atty. Harold: Cassandra, kaanu-ano mo si Ms. Minerva Victorina?

Cassandra: Tita ko po siya. Kapatid po siya ni Daddy.

Atty. Harold: Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang pagkakakilala mo sa iyong Tita Minerva?

Cassandra: Mabait po siya, mapagmahal, maalalahanin at kahit kailan hindi niya ako sinaktan.

Atty. Harold: Sa tingin mo ba ay masamang tao ang iyong Tita Minerva?

Atty. Tuazon: Objection your honor, umamin na ang suspect kaya bakit kailangan pang itanong 'yan sa pamangkin nito?

Judge: Objection sustained.

Atty. Harold: Babaguhin ko ang tanong, sa tingin mo bakit nagawa ng tita Minerva mo ang mga bagay na ibinibintang sa kanya?

Cassandra: (Napaluha) Hindi ko po alam pero sigurado po ako na may matinding reason siya. I can't imagine na magagawa ni Tita Minerva ang ganun dahil sa kanya ako lumaki, siya na ang tumayong mommy ko at kahit kailan hindi niya ako pinagalitan o sinaktan. Mabait po si Tita Minerva sa akin at sa family namin kaya hindi ko po alam kung bakit niya nagawa 'yun kay Lolo.

NAPABUNTONG HININGA SINA DON MANOLO AT MANUEL SA MGA SINABI NI CASSANDRA.

ITUTULOY...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon