Chapter 175 | Herra

8 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 175 | Herra

IKINWENTO NI LITO ANG LAHAT KINA SANTI, EMILY AT REMEDIOS.

Lito: 'Yun ang totoong nangyari sa amin ni Minnie. Hindi totoong nakipag break ako sa kanya dahil selosa siya. Sinabi ko lang 'yun dahil hindi ko matanggap na pinaasa lang ako ni Minnie.

Santi: Kahit noon pa talagang bruha na 'yang Minerva na 'yan eh!

Remedios: Santi ang bibig mo.

Santi: Sorry po Lola Rems. Eh kasi naman po eh nakakainis 'yung nangyari. Bakit hindi niya sinabi kay Uncle Lito na nagkaanak sila?

Emily: Eh diba nga ang kwento nina Ate Cassandra, ipinamigay ni Don Manolo si Miss Elizabeth noon dahil masyado pang bata si Ma'am Minerva nung nabuntis siya at hindi rin niya masabi kung sinong ama.

Santi: Kahit na, dapat binalikan niya si Uncle para naman nalaman ni Uncle Lito na may anak pala siya.

Remedios: Ang nakakapagtaka lang eh sino kaya ang nagpadala ng sulat sa Uncle Lito ninyo para malaman niya ang lahat ng ito?

NAPAISIP SI LITO.

Lito: Ang nakalagay sa sulat, kaibigan niya si Minnie pero hindi ko alam kung sinong kaibigan 'yun.

Emily: Pero bakit parang timing na timing na nalaman nila na si Miss Elizabeth 'yung anak ni Ma'am Minerva at nalaman niyo na nagkaanak kayo kay Ma'am Minerva?

Santi: (Napaisip) Hmmm... Oo nga noh? Sino nga kayang nagpadala sa inyo ng sulat na 'yun?

NAPAISIP SILANG LAHAT.
•••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NI DON MANOLO SI ELIZABETH SA OPISINA NITO.

Don Manolo: May nakuha na kaming bagong Marketing Manager at magsisimula na siya sa Lunes.

Elizabeth: (Natigilan) You mean, wala na po akong trabaho?

Don Manolo: You said you want to resign last time, right?

HINDI NAKASAGOT SI ELIZABETH.
NGUMITI SI DON MANOLO.

Don Manolo: But don't worry dahil hindi ko sasayangin ang isang kagaya mo na matalino at masipag.

Elizabeth: W-What do you mean po?

Don Manolo: Starting next week, I will let you manage "VICTORINA MODA" (Clothing Business under Victorina Corporation).

NABIGLA SI ELIZABETH.

Elizabeth: W-What? Seriously Don Manolo? Ipagkakatiwala niyo sa akin ang Victorina Moda?

Don Manolo: Why not? Nagkaka problema ang Victorina Moda nitong mga nakaraang buwan dahil sa poor management. Pababa ng pababa ang sales nito kaya wala akong choice kundi palitan ang management nito at ikaw ang nakikita ko na makakapag ayos ng Victorina Moda. Maaasahan ba kita?

MATAGAL BAGO SUMAGOT SI ELIZABETH.

Elizabeth: I accept the challenge, Don Manolo.

Don Manolo: (Ngumiti) I know you will accept it and naniniwala ako sa kakayahan mo so please do not disappoint me.

TUMANGO SI ELIZABETH.

•••••••••••••••••••••••
*SA ISANG GYM*

NANDOON SI LUKE AT NAG WO-WORK OUT.
NAKATINGIN SA KANYA ANG ILAN SA MGA BABAE DOON AT TILA KINIKILIG HABANG PINAGMAMASDAN SIYANG MAGBUHAT NG BARBELL.

ISANG SEXY AT MAGANDANG BABAE NAMAN ANG DUMATING AT NAGSIMULANG MAG STRETCHING.
NAPATINGIN SA KANYA ANG MGA LALAKE. BAGONG MUKHA LAMANG ANG BABAENG ITO KAYA NAAGAW NIYA ANG ATENSYON NG ILANG TAO SA GYM.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon