You're Mine
Chapter 62 | The Promise*KINABUKASAN*
DIMAGIBA RESIDENCES.
NAG UUMAGAHAN ANG BUONG PAMILYA.
Remedios: Salamat nalang sa Diyos at hindi kayo napaano nitong si Freda. Napakarami na talagang masasamang tao sa mundo ngayon.
Brenda: Oo nga po Mama, akala ko katapusan ko na kahapon eh.
Freda: Sana talaga mahuli agad ang mga gumawa nito sa atin bago man lang kayo bumalik sa Amerika ni Auntie Remedios.
Lito: Huwag kayong mag alala, araw araw akong magpa-follow up sa presinto. May sketch naman na ng mukha ng mga lalakeng sumalbahi sa inyo eh kaya kapag may nakakita sa kanila siguradong makikilala sila. Pati yung driver ng tricycle na sinakyan ninyo hindi rin daw siya titigil hangga't hindi nahuhuli ang mga demonyong 'yun.
Santi: Dapat lang po ano! Ang kakapal ng mga pes ng mga yun! Talagang kayo pa ang hinoldap!
Emily: Alam na po ba ni Ate Alex ang nangyari sa inyo Auntie Brenda?
Brenda: (Umiling) Hindi pa.
Santi: Eh sabi ko nga kay Auntie Brenda, icha-chat ko si Alexandra para malaman niya ang nangyari sa Mommy niya. Siguradong tatawag agad 'yun kapag nalaman niya eh kaso ayaw naman ipasabi ni Auntie.
Brenda: Hayaan na natin. Ligtas naman ako eh at saka ayoko na ring mag alala pa si Alexandra.
Lito: Eh hindi na ba talaga nag chat o tumawag man lang si Alex mula kahapon?
Santi: Hay nako Tiyo Lito, deadma si cous! Ewan ko ba dun parang nagbago na ata eh.
Freda: Hindi naman siguro. Baka naman busy lang talaga ang pinsan ninyo.
Rizzi: Oo nga po, mabait naman po si Ate Alex diba?
Santi: Kumain ka na lang ng kumain diyan. Nagsa-side comment ka pa eh.
•••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*NAG UUMAGAHAN DIN ANG PAMILYA VICTORINA.
TAHIMIK LANG SI ALEXANDRA AT TILA WALANG GANANG KUMAIN.Manuel: Alexandra, anak ilang araw ka ng hindi masyadong kumakain. Baka magkasakit ka niyan.
Alexandra: Pasensiya na po Daddy, wala lang po talaga akong ganang kumain.
Don Manolo: Apo, alam namin kung bakit ka nagkakaganyan pero gaya nga ng sinabi ko, naiintindihan namin ang sitwasyon mo pero sana intindihin mo rin kami. We're not just doing this for ourselves, we're doing this for you Hija.
Minerva: Your Lolo is right, Alexandra. We're maybe strict to you but we love you at ang gusto lang namin ay ang mapabuti ka.
Cassandra: Sis, I know marami tayong misunderstandings na dalawa these past few days and I'm really sorry kung pinapatulan kita. I promise, I'll do my best para habaan pa ang pasensiya ko. Sana huwag na tayong mag away.
TINIGNAN NI ALEXANDRA SI CASSANDRA.
NAG FAKE SMILE NAMAN SI CASSANDRA.Manuel: Alexandra, kung gusto mong malaman kung kamusta na ang mommy mo, kami nalang ang bahalang alamin 'yun and don't worry ipapaalam namin 'yun sa'yo. Pero sa ngayon, hindi ka pa rin muna pwedeng gumamit ng cellphone at hindi ka pa rin muna pwedeng lumabas at tumanggap ng bisita but I promise, ibabalik din naman sa'yo ang cellphone mo kapag nakita namin na natuto ka na ng leksyon.
Minerva: Believe us Alexandra, this is for your own good.
HINDI NA UMIMIK SI ALEXANDRA. ALAM NIYANG WALANG NA SIYANG MAGAGAWA KUNDI ANG SUMUNOD SA MGA ITO.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...