You're Mine
Chapter 87 | Cassandra's ConfessionsGABI.
*VICTORINA MANSION*
PAALIS SI MINERVA. NAKITA SIYA SI MANUEL.
Manuel: Ate Minerva? Saan ka pupunta?
Minerva: Ah... May ka meeting kasi ako ngayong gabi.
Manuel: Ano? Ate hindi ka pa lubos na magaling. Aalis ka na agad?
Minerva: Manuel, okay na ako. Isa pa, importante ang lakad ko ngayong gabi kaya hindi ko pwedeng ipagpaliban.
Manuel: Sino ba 'yang ka meeting mo ate?
Minerva: Basta. Sige na, mauuna na ako ha? Ikaw nalang ang bahalang magsabi sa papa.
UMALIS NA SI MINERVA.
•••••••••••••••••••••••••••••••
7:30PMSA POOL AREA (VICTORINA MANSION).
NANDOON SI ALEXANDRA. DUMATING NAMAN SI CASSANDRA.
Cassandra: Sis, bakit mo ako pinapunta dito?
LUMINGON SI ALEXANDRA.
Alexandra: Siguro naman alam mo na kung bakit diba?
Cassandra: Pwede ba, I don't have time for this. Hindi ako manghuhula! Aalis na ako.
TUMALIKOD SI CASSANDRA AT TANGKANG AALIS NA.
Alexandra: Bakit mo nagawa sa akin 'yun?
NATIGILAN SI CASSANDRA AT LUMINGON KAY ALEXANDRA.
Cassandra: Nagawa ang alin?
Alexandra: Pwede ba Cassandra, huwag ka ng umarte na parang inosente ka? Alam ko na ang lahat eh! Inilaglag ka na nina Phoebe at Yesha! Alam na din ni Luke ang ginawa mong paninira sa akin!
Cassandra: Wala akong alam sa sinasabi mo!
Sinisiraan lang nila ako sa'yo! Kasabwat nila si Leila! Hindi ba sabi ko naman sa'yo na si Leila ang nagsend kay Luke ng mga pictures niyo ni Josh dahil may gusto siya kay Luke?!!Alexandra: Hindi ako naniniwala!
Cassandra: Edi huwag kang maniwala! Basta nagsasabi ako sa'yo ng totoo!
Alexandra: Kahit kailan hindi ka nagsabi ng totoo!
Cassandra: Saan na naman ba pupunta itong usapan na ito ha?
Alexandra: Bakit kasi hindi mo nalang aminin? Bakit lagi mo kong sinisiraan? Nung una sa party sa resort! Pinalabas niyo na ako 'yung nagwalwal dun kahit tulog na tulog ako magdamag habang nagpapanggap kang ako! Cassandra aminin mo na!
Cassandra: Wala akong aaminin dahil hindi ko naman 'yun ginawa! Ikaw naman talaga 'yun diba? Bakit ba pinipilit mo pa na ako 'yun? Pwede ba Alex tama na ito!
Alexandra: (Napaluha) Napakasama mo talaga! Kahit huling huli ka na, hindi ka talaga aamin!
Cassandra: Dahil wala naman talaga akong aaminin!
IPINAKITA NI ALEXANDRA ANG VIDEO NA KINUNAN NINA PHOEBE AT YESHA HABANG INAABUTAN NINA CASSANDRA AT VICKY ANG BABAENG NAGTAPON SA KANYA NG KAPE SA CAFETERIA.
Alexandra: Eto, hindi ba kayo ni Vicky 'yan? Inutusan at binayaran mo ang babaeng 'yan para tapunan ako ng kape sa cafeteria para ipahiya ako! Ngayon sabihin mo sa akin na hindi yan totoo!
HINDI NA NAKAPAGSALITA SI CASSANDRA.
Alexandra: Eto pa!
IPINAKITA NI ALEXANDRA ANG VIDEO HABANG BUHAT BUHAT NILA NINA PHOEBE, YESHA AT VICKY SI ALEXANDRA AT INILILIPAT SA KWARTO NITO SA RESORT.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...