Chapter 29 | No Time To Waste

26 2 2
                                    

You're Mine
Chapter 29 | No Time To Waste

"2 HOURS AGO"

*ROWENA'S HOUSE*

KAKATAPOS LANG KUMAIN NINA ALEXANDRA AT BRENDA.

Brenda: Maraming salamat sa mainit na pagtanggap mo sa amin, Rowena.

Rowena: Naku wala 'yun. Ano na bang plano ninyo? Pupunta na ba kayo agad sa bahay ng pamilya ninyo?

NAGKATINGINAN SINA BRENDA AT ALEXANDRA.

Brenda: (Tumango) Oo, Rowena. Ayoko ng mag aksaya pa ng panahon. Nandito na kami sa Maynila kaya kailangang makausap ko na agad si Manuel.

Estong: Gusto niyo po bang samahan ko na kayo?

Alexandra: Hindi na Estong. Mas makakabuti kung kami na lang ni Mommy ang magpunta dun.

Estong: Eh paano kung yung Tita Minerva mo ang makaharap ninyo?

Brenda: Huwag kang mag alala sa amin Estong, hindi ako papayag na masakatan kami ulit ng demonyang yun!

Rowena: Bakit hindi kayo magpasama sa mga pulis?

Estong: Oo nga po.

Brenda: Kapag nalaman na ni Manuel ang totoo, sigurado akong siya na mismo ang magpapakulong sa Minervang 'yun! Ang kailangan ko lang masiguro ay si Manuel mismo ang una naming makakaharap.

Alexandra: Mommy, sigurado na po ba kayo na ngayon na tayo pupunta don?

Brenda: Wala ng atrasan ito anak. Kailangang malaman na nila ngayon ang totoong nangyari sa atin. Kailangang malaman na ng daddy mo na buhay ka pa at ako.

•••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

KAKATAPOS LANG MAG TANGHALIAN NINA MANOLO, MANUEL, MINERVA AT CASSANDRA.

Manuel: Cassandra Hija, kamusta nga pala ang lakad ninyo ni Hanson kagabi?

Cassandra: Okay naman po dad. I enjoyed the concert po.

Manuel: Mabuti naman kung ganun.

Manolo: Nanliligaw ba sa'yo si Hanson apo?

NATIGILAN SI CASSANDRA.

Cassandra: Uhmm lolo, hindi naman po siya nanliligaw pero inamin niya po sa akin na he likes me.

Manuel: How about Luke? Hindi ba siya ang gusto mo? What happened, bakit kay Hanson ka nakikipag date?

NAPATINGIN SI CASSANDRA KAY MINERVA. HINDI KASI SIYA NAGSASABI O NAGKE KWENTO SA KANYANG AMA AT LOLO TUNGKOL SA PERSONAL LIFE NIYA AT TANGING KAY MINERVA LANG SIYA NAGSHE-SHARE.

Cassandra: Friends lang po kami ni Luke dad. Si Hanson naman po kaibigan lang din po ang turing ko sa kanya. Sumama lang po ako sa kanya sa concert kasi sobrang fan lang po ako ng The West Band.

Manuel: Hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipag relasyon anak pero ang gusto ko lang eh kung magkaka boyfriend ka, dun ka sana sa lalakeng matino at mahal ka.

Manolo: At syempre sa lalakeng galing sa prominenteng pamilya.

PILIT ANG NGITI NI CASSANDRA.

Minerva: Papa, Manuel, I'm sure naman mataas ang standards nitong si Cassandra. Hindi yan basta basta makikipag relasyon sa kung sino sino lang.

Manuel: Alam ko naman 'yun. Ayoko lang na mababalitaan na umiiyak ang anak ko dahil niloko o sinaktan siya ng boyfriend niya.

Manolo: Tama ang daddy mo apo. Nag iisa ka lang naming Prinsesa kaya ang gusto namin eh lagi kang masaya. Choose a man that will respect and love you unconditionally. Bata ka pa naman kaya huwag kang magmamadali.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon