Chapter 166 | Reception

10 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 166 | Reception

MATAPOS ANG KASAL NINA MANUEL AT BRENDA AY NAGTUNGO NA ANG LAHAT SA RECEPTION AT DOON AY NAGPASALAMAT SILA SA LAHAT NG MGA DUMALONG BISITA.

Manuel: Maraming maraming salamat po sa inyong lahat na dumalo sa aming kasal ng minamahal kong asawa na si Brenda. Nagpapasalamat din kami lalong lalo na kay Papa na siyang nag asikaso ng lahat.
Syempre nagpapasalamat din kami sa aming mga anak na sina Cassandra at Alexandra dahil sa suporta at pagmamahal nila sa amin. Alam ninyo, maraming pinagdaanan ang aming pamilya lalo na ng pagmamahalan namin ni Brenda. Mula nang makilala ko siya noon ay nagandahan na talaga ako sa kanya at magaan din ang loob ko sa kanya kaya minahal ko siya agad. Nung nalaman ko na nabuntis ko siya, niyaya ko agad siyang magpakasal. Lihim kaming nagpakasal noon sa huwes at nagsama kami kahit na hindi pa sang ayon noon sa amin si Papa. Hindi nagtagal, natutunan na rin ni Papa na tanggapin ang lahat pero isang aksidente naman ang nangyari na siyang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ng matagal ni Brenda at ni Alexandra. Hindi ko na idedetalye ang lahat pero masaya ako dahil matapos ang mahabang panahon ay nagbalik sila sa amin at nagbalik din ang pagmamahal namin sa isa't-isa kaya ngayon hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ibinigay sa amin ng Diyos na pakasalan siyang muli at ipinapangako ko saksi kayong lahat na naririto ngayon na mamahalin ko si Brenda hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

NAPALUHA SI BRENDA.
NAGPALAKPAKAN ANG MGA TAO.

NAGSALITA NAMAN SI BRENDA.

Brenda: Gaya ng sinabi ni Manuel, nagpapasalamat kami sa inyo Papa (tumingin kay Don Manolo).

NGUMITI SI DON MANOLO.

Brenda: Salamat dahil tinanggap niyo akong muli sa inyong pamilya. Salamat po dahil naramdaman ko na minahal at itinuring niyo na po akong parang isang anak. Salamat din sa aming mga anak (Tumingin kina Alexandra at Cassandra).

NGUMITI SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Brenda: Lalong lalo na sa'yo Alexandra....

NAWALA ANG NGITI SA LABI NI CASSANDRA AT TUMINGIN KAY ALEXANDRA NA NAPAPALUHA.

Brenda: Alam kong hindi naging madali sa'yo ang lahat mula nang malaman mo na hindi mo tunay na ama ang kinalakihan mo pero hindi ka nagalit sa amin nung nalaman mo ang totoo. Alam kong marami kang nai-sakripisyo para lang mahanap at matanggap tayong muli ng Daddy at Lolo mo. Anak, salamat dahil sa pagiging mabuting anak mo...

NAPALUHA SI CASSANDRA DAHIL NAKARAMDAM NA NAMAN SIYA NG PAGSESELOS. NAPATINGIN SA KANYA SI ELIZABETH AT NAG EVIL SMILE.

Brenda: At sa'yo naman Cassandra, alam ko na hindi rin naging madali sa'yo na tanggapin ang lahat mula nung bumalik kami ni Alexandra sa buhay ninyo. Alam kong matagal kang nangulila sa pagmamahal ng isang ina at naiintindihan ko kung bakit natagalan ka na tanggapin ako. Pero salamat anak dahil pinilit mong tanggapin ang lahat at nagbago ka para sa pamilya natin. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan nating lahat pero ang mahalaga ay magkakasama na tayong muli at hinding hindi na tayo magkakahiwalay. Mahal na mahal na mahal ko kayo mga anak ko.

NAPANGITI SI CASSANDRA AT NAWALA ANG PAGSESELOS NA NARAMDAMAN NIYA KANINA.

NAGPALAKPAKAN ANG MGA TAO.

Brenda: Muli, nagpapasalamat ako sa inyong lahat na dumalo sa kasal namin ni Manuel. Lalong lalo na sa mga taong itinuring kaming parang tunay na kapamilya... Mama Remedios, maraming maraming salamat po sa pagmamahal na ibinigay ninyo sa amin ni Alexandra.

NGUMITI SI REMEDIOS AT NAPALUHA.

Brenda: Freda, Lito, Emily, Santi at Rizzi... Salamat sa pagtanggap ninyo sa amin ni Alexandra noon...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon