Chapter 196 | Prove Your Innocence

10 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 196 | Prove Your Innocence

KINABUKASAN

SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY. NANDOON SI ERNEST.

Santi: Grabe talaga 'yang si Cassandra, akala ko pa naman nagbago na siya! Ayun pala maldita pa rin! In fairness ah ang galing niyang magkunwari na mabait.

Emily: Kuya, hindi naman tayo sure kung talagang may alam si Ate Cassandra sa nangyari eh.

Santi: Eh sinong may kasalanan, si Luke? Alam naman nating lahat na si Cassandra ang patay na patay kay Luke diba? Baka talagang sinadya niyang mahuli sila nina Alex at Hanson para magalit si Alex kay Luke at mag break sila! Ayan tuloy naaksidente pa si Hanson. Hay!

Emily: Kawawa naman si Kuya Hanson noh?

Santi: Sana lang maging maayos na ang kundisyon niya at sana magising na siya.

Ernest: Ano nga kaya talagang nangyari noh? Kasi lahat tayo knock out eh. Kung may nakakita lang sana sa mga nangyari malalaman natin kung si Cassandra nga talaga ang may pakana kung bakit sila magkatabi ni Luke sa kama.

Santi: Basta ako sure ako na si Cassandra ang may kasalanan! Nakaka disappoint talaga siya!

Emily: Kuya huwag muna natin siyang husgahan.

Ernest: Oo nga naman Santi. Wala naman tayong ebidesiya na siya nga ang may pakana nun. Lahat tayo lasing nung gabing yun.

HINDI NA UMIMIK SI SANTI.
••••••••••••••••••••••••••••••
*SA OSPITAL*

KAUSAP NG DOKTOR SI JOSEPH.

Dr. Salavacion: Successful po ang operasyon namin sa anak ninyo pero sa ngayon hindi pa rin siya nagigising. Stable na rin naman ang vital signs niya kaya wala na kayong dapat na ipag alala.

MEDYO NAKAHINGA NG MALUWAG SI JOSEPH.

Joseph: Salamat po.

Dr. Salvacion: Wala pong ano man. imo-monitor po namin ang anak ninyo from time to time and hopefully magising na rin siya kapag humupa na ang anesthesia. Maiwan ko po muna kayo.

Joseph: Sige po Dok. Salamat po ulit.

UMALIS NA ANG DOKTOR.
AGAD TINAWAGAN NI JOSEPH SI TERESSA UPANG IBALITA ITO.
••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

NAG UUMAGAHAN ANG PAMILYA VICTORINA PERO WALA SI ALEXANDRA.

Don Manolo: Bakit hindi sumabay sa umagahan si Alexandra?

NAGKATINGINAN SINA BRENDA AT MANUEL.

Elizabeth: Ah Lolo, masama daw po kasi ang pakiramdam niya kaya nagpapahinga po siya. Pinadalhan ko na po siya ng pagkain kay Ella.

TAHIMIK NAMAN SI CASSANDRA. NAPANSIN ITO NI DON MANOLO.

Don Manolo: May problema ba Cassandra, apo?

Cassandra: (Natigilan) Iniisip ko lang po si Hanson.

Don Manolo: Nabalitaan ko nga ang nangyari sa kanya. How is he?

Cassandra: Ang sabi po ni Tito Joseph, successful daw po ang operasyon sa kanya at okay na din daw po ang vital signs niya.

Don Manolo: Mabuti naman kung ganun.

IBINALING NAMAN NI DIN MANOLO ANG TINGIN NIYA KAY MANUEL.

Don Manuel: Siya nga pala Manuel, sumama ka sa akin mamayang mag golf kasama ang mga business partners natin.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon