Chapter 180 | Fake Letter

6 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 180 | Fake Letter

*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NI DON MANOLO SINA MANUEL, BRENDA, CASSANDRA, ALEXANDRA AT ELIZABETH.

Don Manolo: Kailangan nating mag ingat dahil posibleng buhay pa si Minerva.

Alexandra: Po?

Elizabeth: (Natigilan) S-Si Mommy?

Cassandra: Paano niyo po nasabi lolo?

Manuel: Tumawag sa akin ang mga pulis at may impormasyong nakarating sa kanila na sinadya daw ang pagpapasabog ng kotseng sinasakyan ng Tita Minerva ninyo nung araw na nakatakas siya.

Brenda: Kaya pala nakakapagtaka na bigla nalang sumabog ang sasakyan nila kahit bumangga lang naman ito.

Alexandra: Pero sigurado po ba ang mga pulis na totoo ang nakarating sa kanilang impormasyon?

Don Manolo: Inaalam pa nila ang lahat. Pero sa ngayon kailangan nating mag ingat dahil kung buhay pa nga si Minerva, siguradong manggugulo ulit 'yun lalo na kapag nalaman niya na kasama na natin ang anak niya.

Elizabeth: Lolo, natatakot po ako. Paano po kung buhay nga siya at kunin niya ako sa inyo?

Don Manolo: Hindi ako papayag, apo. Kung buhay man siya, kailangang makulong siya ulit!

Alexandra: Hindi kaya totoong si Tita Minerva nga po ang nakita ni Cassandra noon?

Cassandra: Pero kung siya nga 'yun bakit hindi naman siya nanggugulo? Bakit wala naman po siyang ginawa all this time?

Brenda: Posible kayang siya ang nagpadala ng duguang family picture natin noon?

NAPAISIP SILANG LAHAT.

•••••••••••••••••••••••••••••
*KINABUKASAN*

GABNER UNIVERSITY.

KASAMA NINA ALEXANDRA AT CASSANDRA SINA HANSON AT LUKE. NAPANSIN NINA LUKE NA MAY KASAMA NA NAMANG BODY GUARDS ANG KAMBAL.

Luke: Bakit parang naghigpit na naman ang Lolo at Daddy ninyo sa inyo?

NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Alexandra: Natatakot kasi si Lolo at Daddy dahil nalaman nila na posibleng buhay pa daw si Tita Minerva.

Luke: What? Bakit? Paano nangyari 'yun?

Hanson: Oo nga. Diba sumabog 'yung sinasakyan niya noon?

Cassandra: Well, apparently sinadya daw 'yung pagpapasabog ng sasakyan para palabasin na namatay si Tita Minerva dun pero hindi naman ako naniniwala eh. Bakit naman gagawin ni Tita Minerva 'yun? At kung buhay nga siya, nasaan siya? Bakit hindi siya nagpapakita o nagpaparamdam sa amin?

Luke: Posibleng nagtatago siya dahil alam niyang makukulong siya ulit.

Cassandra: Pero nakausap ko si Tita Minerva nung nasa kulungan siya. Tanggap na niya ang lahat at pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya kaya bakit pa siya tatakas at kung talagang nakatakas siya wala naman siyang pupuntahan eh. Wala na siyang pera at wala na rin siyang kakilala na pwedeng tumulong sa kanya.

Hanson: Eh hindi pa naman sure na buhay pa nga ang Tita Minerva niyo diba?

Alexandra: Ipapahukay ni Lolo ang libingan ni Tita Minerva para ipa DNA test 'yung bangkay na natagpuan noon sa sasakyan para ma confirm nila kung kay Tita Minerva nga ang katawan na 'yun.

Luke: What if buhay nga ang Tita Minerva ninyo? Anong gagawin ninyo?

HINDI SUMAGOT SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

•••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI MINERVA.
DUMATING DOON SI ELIZABETH.

Elizabeth: Mommy!

Minerva: Oh, Elizabeth anak? Bakit nandito ka? Baka hanapin ka ng lolo mo sa opisina.

Elizabeth: Sinabi ko sa kanya na may ka meeting akong klinyente.

Minerva: So what brings you here?

Elizabeth: Alam mo na ba na may informant na nagpunta sa mga pulis at sinabing posibleng buhay ka pa?

NATIGILAN SI MINERVA.

Minerva: Really?

Elizabeth: Yes! At alam na nina Manolo ang lahat! Kaya pinapa imbestigahan na nila kung talagang namatay ka na! Paano na ito Mommy? Paano na ang mga plano natin?

NAG EVIL SMILE SI MINERVA.

Elizabeth: (Nagtaka) Bakit parang masaya ka pa? Hindi ka ba nagwo-worry na baka malaman nila na buhay ka pa talaga?

Minerva: That's exactly my plan! Ang malaman nila na buhay pa ako para makabalik na ako sa buhay nilang lahat!

Elizabeth: (Natigilan) What? You mean, plinano mo 'yun?

Minerva: Yes! Ako ang nagplano nun.

*FLASHBACK*

MAY KAUSAP SI MINERVA SA PHONE.

Minerva: May ipapagawa ako sa'yo.

ILANG ORAS ANG LUMIPAS AT DUMATING SI WALDO KASAMA SI LUCIO.

Waldo: Ano pong ipapagawa ninyo sa akin Ma'am Minerva?

Minerva: Pumunta ka sa mga pulis at sabihin mo dati kang utusan ni Enrico Kabigting. Sabihin mo sa kanila na tinulunga ako ni Enrico na makatakas sa kulungan. Na siya ang may pakana ng food poisoning noon at sa pang gugulo sa ospital para maitakas ako. Sabihin mo na sinadya nilang pasabugin ang kotseng sinasakyan ko para palabasin na namatay ako! Kailangang maghinala silang lahat na buhay pa ako.

Lucio: Ma'am, Bakit niyo naman po gugustuhing malaman ng mga pulis na buhay pa kayo? Hindi po ba masisira ang mga plano ninyo ni Ma'am Elizabeth?

Minerva: May ibang plano ako Lucio kaya huwag ka nang magtanong. At ikaw naman Waldo, gawin mo nang maayos ang ipinapagawa ko sa'yo maliwanag?

Waldo: Sige po. Pero paano pag naghinala sila sa akin? Baka isipin pa nila na kasabwat ako sa pagpapatakas sa inyo.

Minerva: Sabihin mo, utusan ka lang ni Enrico at nalaman mo lang ang lahat ng ito dahil nakita mo ang sulat na ito (ibinigay ang sulat). Nakalagay diyan lahat ng plano ni Enrico para ilabas ako sa kulungan.

Waldo: Sige po. Gagawin ko po.

*END OF FLASHBACK*

Elizabeth: Ano bang pina plano mo Mommy?

Minerva: Just wait and see.

••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.

NAGPUNTA DOON SINA MANUEL AT BRENDA. KAUSAP NILA ANG ISANG PULIS AT IBINIGAY SA KANILA ANG SULAT NI ENRICO PARA KAY MINERVA NA IBINIGAY NG INFORMANT.

BINASA NI MANUEL ANG SULAT.

Dear Minerva,

Huwag kang mag alala dahil tutulungan kitang makatakas. Bukas, magpapadala ako ng mga pagkain para sa Birthday ng ka kosa mo. Lalasunin ko kayong lahat para dalhin kayo ng mga pulis sa ospital. Kapag nasa ospital na kayo, manggugulo kami ng mga tauhan ko doon para ma distract ang mga pulis na nagbabantay sa inyo. Humanap ka ng tyempo para makatakas kayo at makarating sa basement parking. May mag aabang sa inyo na puting van, huwag kang sasakay dun kahit na anong mangyari dahil papasabugin ko ang van na 'yun para palabasin na namatay ka na. Kapag nakatakas ka na, magkita tayo. Alam kong galit ka sa akin dahil ikaw ang nakulong at hindi ako kahit na alam natin pareho na ako ang nag udyok sa'yo para gawin lahat ng kasamaang ginawa mo sa Papa at sa Pamilya mo. Ikaw ang nakulong kahit na ako ang nagplano ng lahat ng ginawa mo. Kaya bilang kabayaran, tutulungan kitang makatakas at pagkatapos, ituloy natin ang planong pagkamkam sa kayamanan ng Papa mo! See you soon.

Enrico.

NAGKATINGINAN SINA MANUEL AT BRENDA.

ITUTULOY...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon