Chapter 65 | Goodbye Philippines

26 2 1
                                    

You're Mine
Chapter 65 | Goodbye Philippines

*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NINA MANUEL AT DON MANOLO SI ALEXANDRA.

DUMATING SI MINERVA DALA ANG PHONE NI ALEXANDRA.

Minerva: Alexandra, ipinakuha ko na kay Pablo ang telepono mo sa swimming pool. Here.

IBINIGAY KAY ALEXANDRA ANG BASANG PHONE.

Alexandra: (Kinuha) Sana hindi nasira.

HALATANG NAG AALALA SI ALEXANDRA.
BINUKSAN NIYA ITO AT UMILAW NAMAN PERO BIGLANG NAG BLACK ANG SCREEN. MAY KAUNTING LAMAT DIN SA SCREEN KAYA PINASOK NG TUBIG ANG LOOB.

Alexandra: Ayaw na pong gumana.

Minerva: Sigurado ka ba?

Manuel: Ano ba talaga ang nangyari anak?

Alexandra: Natalisod po kasi ako kanina sa pool area kaya nabitawan ko po yung cellphone ko at nahulog sa pool.

Minerva: I think it's my fault. Sana pinuntahan nalang kita sa kwarto mo para ibigay ang cellphone mo at hindi na kita pinapunta doon sa pool area. May hinihintay kasi akong tawag kanina kaya ako lumabas at naisip ko na papuntahin nalang kita doon.

Alexandra: Wala po kayong kasalanan Tita Minerva. Wala naman pong may gusto sa nangyari.

Don Manolo: Hayaan mo na apo, bibilhan ka nalang namin ng bagong cellphone.

Alexandra: Pero bigay po kasi ito ni Daddy Alfon—

NATIGILAN SI ALEXANDRA.

Alexandra: I'm sorry po.

Manuel: It's okay anak. Bukas na bukas ibibili kita ng bagong cellphone 'yung mas maganda at 'yung latest. Yung water proof na rin para kahit ilang beses pang mahulog sa swimming pool hindi na masisira (biro nito).

NAPANGITI SI ALEXANDRA.

Alexandra: Salamat po daddy.

Manuel: You're welcome anak. Itabi mo nalang yang luma mong phone dahil mukhang may sentimental value sa'yo 'yan.

HINDI NA SUMAGOT SI ALEXANDRA.

Don Manuel: Bweno, medyo late na matulog na tayo.
•••••••••••••••••••••••••••
BAGUIO

*DIMAGIBA RESIDENCE*

HINDI MAKATULOG SI BRENDA.
NAALALA NIYA ANG PICTURE NINA ALEXANDRA, CASSANDRA AT MANUEL.
MUKHANG NAPAKASAYA NILANG MAG AAMA.

Brenda: (Napaluha) Alexandra Anak, sana hindi mo ako makalimutan kahit na masaya ka na sa piling ng daddy mo. Pangako, magkikita ulit tayo.

PUMIKIT SI BRENDA PERO HINDI MAWALA SA ISIP NIYA ANG LARAWANG IPINAKITA SA KANYA NI SANTI.
PINILIT NA NIYANG MATULOG.
•••••••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN

*AIRPORT*

PAALIS NA SINA BRENDA AT REMEDIOS.
INIHATID SILA NG BUONG PAMILYA DIMAGIBA.

Freda: Mag iingat kayo Brenda, Auntie Remedios.

Lito: Tumawag ho kayo agad Auntie Remedios kapag nakarating na kayo sa Amerika.

Remedios: Oo naman, tatawagan namin kayo agad kapag nandoon na kami.

BUSY NAMAN SI SANTI SA KANYANG PHONE.

Emily: Kuya, sino bang tinatawagan mo?

Santi: Eh sinusubukan ko kasing kontakin si Alex eh kaya lang hindi talaga nagri-ring eh.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon