Chapter 25 | Minerva's Evil Plans

32 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 25 | Minerva's Evil Plans

KINAGABIHAN

NAGKITA SINA MINERVA AT ENRICO SA ISANG RESTAURANT.

Minerva: Hahahahaha! Magaling ang ginawa mo, Enrico!

Enrico: Sa tingin mo, mapapaniwala natin ang Papa mo? Nakita mo naman ang reaksiyon niya hindi ba, hindi siya naniniwala.

Minerva: Sa ngayon oo, pero ang mahalaga eh may konting duda na siya. Kailangan lang nating maiparating sa board ang tsismis na yan para pati sila eh magkaroon ng pagdududa kay Manuel ng sa gayon eh magkaisa sila na patalsikin si Manuel sa pwesto niya at ako ang ipapalit ni Papa. Hahahaha!

Enrico: Sana nga mangyari agad 'yan Minerva.

Minerva: Huwag kang mainip, Enrico. I got this.

Enrico: Siya nga pala, ano itong sinasabi mo kanina tungkol sa kakambal ng pamangkin mong si Cassandra?

Minerva: Oh that... Kanina kasi nabanggit sa amin ni Cassandra na may isang babae daw na kamukhang kamukha niya. In fact, nakaharap ko ang babaeng 'yun at inakala ko ring siya si Cassandra.

Enrico: Really?

Minerva: Yeah, so I was thinking hindi kaya buhay pa ang kakambal ni Cassandra?

Enrico: Imposible 'yun.

Minerva: Hindi imposible 'yun Enrico dahil wala namang bangkay nina Brenda ang natagpuan noon.

Enrico: Ilang taon na ang nakakalipas, Minerva. Kung talagang buhay ang mag ina, dapat matagal na silang bumalik at isinumbong ka na sana ni Brenda hindi ba?

Minerva: (Napapaisip) Kung sa bagay, tama ka. Pero paano kung si Brenda lang ang namatay at hindi ang bata?

Enrico: Eh ano naman ngayon? Baby pa ang kakambal ni Cassandra noon kaya wala naman siyang alam sa mga ginawa mo noon. Isa pa, hindi ka rin naman sigurado kung talagang kakambal nga ni Cassandra ang babaeng kamukha niya na nakaharap mo.

Minerva: Pero hindi pa rin ako mapalagay. Kailangan kong makita ulit ang babaeng 'yun para makasigurado ako. Dahil kung siya talaga ang kakambal ni Cassandra, ibig sabihin madadagdagan na naman ang kahati ko sa kayamanan ng mga Victorina! Hindi pa nga natin tuluyang nasisira si Manuel, si Cassandra naman kayang kaya ko na siyang paikutin at ang papa madali nalang natin siyang ma dispatsa kapag nakuha ko na ang gusto ko sa kanya. Kaya dapat hindi na dumagdag pa ang kakambal ni Cassandra. Kung buhay nga siya, sisiguraduhin ko na hinding hindi niya malalapitan ang pamilya namin dahil papatayin ko na siya agad! Hmmmmm....

Enrico: Hahahahaha! Nakakatakot ka talaga Minerva!

Minerva: Hmmm... Kilala mo naman ako Enrico, salbahi lang ako sa mga taong hadlang sa mga plano ko! Gaya ng Brenda na 'yun! Kung hindi niya narinig ang usapan natin noon, edi sana hindi napaaga ang kamatayan niya. HAHAHAHAHA!!!!

••••••••••••••••••••
BAGUIO.

SA KWARTO NI ALEXANDRA. HINDI SIYA MAKATULOG. INIISIP NIYA ANG KUNG ANONG POSIBLENG MANGYARI KAPAG NAGKITA NA SILA NG DADDY AT NG KAKAMBAL NIYA.

Alexandra: Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Matutuwa kaya sila? Hay... Buong buhay ko akala ko si Daddy Alfonso ang tunay kong ama. Hindi naman kasi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako anak. Minahal niya ako ng sobra at ibinigay niya lahat ng gusto ko.

KINUHA NIYA ANG PHONE NIYA AT TINIGNAN ANG PICTURE NILANG DALAWA NI ALFONSO AT NAPALUHA.

Alexandra: Daddy... Miss na miss na kita...
Kahit pa nalaman ko na hindi ikaw ang tunay kong ama, ikaw pa rin ang nag alaga at nagpalaki sa akin kaya para sa akin, ikaw pa rin ang Daddy ko at mahal na mahal ko po kayo. Hindi ko po kayo makakalimutan kahit na kailan.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon