Chapter 181 | Where Is Minerva?

7 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 181 | Where Is Minerva?

GABI

*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NINA MANUEL AT BRENDA SINA DON MANOLO, CASSANDRA, ALEXANDRA AT ELIZABETH AT SINABI NILA ANG TUNGKOL SA SULAT NI ENRICO.

Cassandra: Naniniwala po ako na 'yung Enrico na 'yun ang may kasalanan kung bakit nagawa ni Tita Minerva ang lahat ng mga ginawa niyang masama sa inyo Lolo, Daddy.

Don Manolo: Huwag mong ipagtanggol ang Tita Minerva mo nang dahil lang sa sulat ng Enrico na 'yun.

Cassandra: Lolo, I've witnessed kung paano trinaydor ng Enrico na 'yun si Tita Minerva. Nung time na nahuli ng mga pulis si Tita Minerva, niloko ako ng Enrico na 'yun. Kinuha niya 'yung mga pera at alahas na ipinadala sa akin ni Tita Minerva at siya ang nagpapunta ng mga pulis para mahuli si Tita Minerva.

Manuel: Anak, magkasabwat pa rin sila ni Enrico sa pag gawa ng mga krimen laban sa pamilya natin.

Cassandra: I know dad pero nakulong na si Tita Minerva diba? Inako niya ang lahat ng kasalanan at nakita ko kung paano niya pinagsisihan ang lahat ng mga ginawa niya.

Don Manolo: Pero nakipagsabwatan ulit siya kay Enrico para makatakas siya at kung nagtagumpay nga sila sa plano nila malamang buhay pa nga ang Tita Minerva ninyo kaya kailangan siyang mahuli agad!

Elizabeth: Tama si Lolo.

NAPATINGIN SI CASSANDRA KAY ELIZABETH.

Elizabeth: If buhay pa nga si Mommy, kailangang maibalik siya sa kulungan para hindi na siya makapanggulo ulit sa pamilya natin.

Brenda: (Napabuntong hininga) Matagal na mula nung namatay si Minerva pero hanggang ngayon hindi naman siya nagpaparamdam bukod sa may nakita si Cassandra na kamukha niya na hindi naman tayo sigurado kung siya nga talaga 'yun.

Cassandra: At kung talagang buhay pa si Tita Minerva at gusto niyang guluhin ulit ang family natin, bakit hindi naman niya ginagawa?

Alexandra: Lolo, Daddy, Mommy... Ang mabuti pa po, huwag niyo na po munang isipin ang mga nangyayari. Baka po makasama lang sa inyo ang pag iisip and if mapatunayan nga po natin na buhay pa nga po si Tita Minerva at least makakapag handa po tayo if ever may gawin man po siyang hindi maganda.

Elizabeth: Tama po si Alex, huwag na po kayong masyadong mag worry dahil baka ma stress lang po kayo. Lalo na po kayo Lolo.

Cassandra: Wala din naman pong ibang pupuntahan si Tita Minerva eh kaya kung buhay man po siya I'm sure she's so helpless now. Sana hindi siya naghihirap, sana may bahay siyang natutuluyan or sana okay lang siya. Wala na siyang pera at wala nang ibang taong tutulong sa kanya kaya bakit pa tayo matatakot sa kanya? Ano pa bang pwede niyang gawing masama laban sa atin?

HINDI NA UMIMIK SINA DON MANOLO, MANUEL AT BRENDA.

••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NINA MANUEL AT BRENDA.
HINDI SILA MAKATULOG.

Manuel: Hindi ka rin makatulog?

Brenda: (Tumango) Iniisip ko kasi 'yung sinabi ni Cassandra. She's right, ano pa bang ikakatakot natin kung sakaling buhay pa nga si Minerva?

Manuel: So magiging kampante na lang tayo?

Brenda: Manuel, we have the money, the best security kaya kung buhay man si Minerva at may gagawin siyang masama, anong laban niya? I'm sure kung buhay man siya at nagtatago, siguradong hinding hindi na siya magpapakita pa dahil wala na siyang laban sa atin.

Manuel: (Napaisip) You're right. Pero kung buhay pa nga siya, dapat pa rin siyang mahanap at maibalik sa kulungan.

Brenda: (Tumango) Tama. Mas makakabuti sa kanya 'yun kesa naman nagtatago siya at walang kasiguraduhan kung nakakain ba siya o kung may nasisilungan ba siya hindi ba?

Manuel: (Napangiti) Bakit parang nagiging concern pa tayo kay Ate Minerva ngayon?

Brenda: (Ngumiti) Dahil hindi tayo masasamang tao kaya sana kung buhay man siya eh mahuli agad siya at maibalik sa kulungan.

Manuel: Sana nga.

•••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI MINERVA.

NAKAHARAP SIYA SA SALAMIN, HAWAK ANG ISANG GUNTING.

Minerva: Hmmm.... Mukhang kailangan ko nang paghandaan ang pagbabalik ko.

GINUPIT NIYA ANG KANYANG BUHOK AT BANGS. SINADYA NIYANG HINDI PANTAY PANTAY ANG GUPIT NIYA. PINAGMASDAN NIYA ANG KANYANG SARILI AT NAG EVIL SMILE.

•••••••••••••••••••••••••
A FEW DAYS LATER.

*GABNER UNIVERSITY*

MAGKAUSAP SINA LUKE AT ALEXANDRA.

Luke: So na confirm na ba kung bangkay nga ng Tita Minerva ninyo 'yung nasa libingan?

Alexandra: (Umiling) Wala pang resulta 'yung ginawang DNA test sa bangkay pero in a few days baka lumabas na din ang result.

Luke: Well, sana maging positive ang result pero hindi sa gusto ko na talagang patay na ang Tita Minerva ninyo ha? But I think mas okay na siguro na wala na talaga siya para mapanatag na ang loob ng lolo at daddy niyo.

Alexandra: Oo nga eh. Tsaka kung buhay man si Tita Minerva dapat nagpakita na siya diba? Tama si Cassandra sa sinabi niya eh na wala namang ibang mapupuntahan si Tita Minerva.
•••••••••••••••••••••••••
*SA ISANG COFFEE SHOP*

NANDOON SI ELIZABETH. NANDOON DIN SI HERRA.

NAGKATINGINAN SILA AT NATIGILAN.

Herra: Eliz?

Elizabeth: Herra?

Herra: OMG! How are you? Nandito ka na pala sa Philippines?

Elizabeth: (Ngumiti) Well, it's a long story. Eh ikaw kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?

Herra: Just a few weeks ago.

AT NAGKA KWENTUHAN PA SILA.

Herra: You mean, apo ka ni Don Manolo Victorina 'yung lolo nina Cassandra at Alexandra?

Elizabeth: Wait, kilala mo sila?

Herra: Actually kilala ko si Luke. Co Model ko siya noon and na meet ko na rin noon si Cassandra and just recently na meet ko na din 'yung kakambal niya na si Alexandra kasi ipinakilala siya sa akin ni Luke. Akala ko nga si Luke at Cassandra ang magkakatuluyan eh, paano patay na patay si Cassandra kay Luke noon! Inaway pa nga niya ako dati dahil akala niya may something sa amin ni Luke. Ganun siya ka obsessed kay Luke. Nakakaloka diba?

Elizabeth: (Nag evil smile) Mukhang marami pa tayong kailangang pag kwentuhan.

Herra: Oo nga eh! Ang tagal na nating hindi nagkita mula nung bumalik ka sa New York eh!

•••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI DON MANOLO SI MANUEL.

Don Manolo: Tama naman si Brenda. Wala tayong dapat ikatakot kung buhay nga si Minerva. Mahigpit ang security natin at kayang kaya natin siyang ipakulong ulit kapag nagpakita pa siya sa atin.

Manuel: Pero kung buhay nga si Ate Minerva, nasaan kaya siya ngayon? May alam pa po ba kayo na pwede niyang puntahan?

Don Manolo: (Umiling) Wala na.

Manuel: Hindi pa po ba lumalabas ang resulta ng DNA test na ginawa sa bangkay ni Ate Minerva?

Don Manolo: Hindi pa pero umaasa ako na lalabas na ito bukas.

Manuel: Sana mag match ang DNA sa bangkay. Sana mali ang mga pulis dahil kung buhay pa nga si Ate Minerva, hindi matatahimik ang pamilya natin.

Don Manolo: Kung buhay man siya, gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa kulungan. Hindi ako papayag na makalapit siya ulit sa pamilya natin.

ITUTULOY...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon