You're Mine
Chapter 27 | DecisionBAGUIO
*DIMAGIBA RESIDENCES*
NASABI NA NI ALEXANDRA KAY BRENDA NA NAKABALIK NA SA MAYNILA ANG DADDY NIYA.
Brenda: Talaga anak? Gusto ko ng makita ang daddy mo.
Alexandra: Pero mommy, mahina pa po kayo.
Brenda: Kaya ko na anak. Kailangang malaman na agad ng daddy mo ang mga kahayupang ginawa sa atin ng Minerva na 'yun!
Freda: Tama ang mommy mo Alex. Panahon na para makabalik kayo sa tunay ninyong pamilya.
Remedios: Brenda, sigurado ka na ba na kaya mo na? Baka kung mapaano ka lang.
Brenda: Opo Mama, kaya ko na po, huwag po kayong mag alala sa akin. Hindi ko na pwedeng patagalin pa ito. Ngayong nagbalik na lahat ng ala-ala ko, kailangang masabi ko na kay Manuel ang lahat. Kailangang malaman niya na buhay pa kami ng isa pa niyang anak (napaluha).
Lito: Pero kailangang pag planuhan niyo munang mabuti ang lahat. Huwag kayong basta susugod dun ha? Baka mamaya mapahamak na naman kayo.
Brenda: Hindi na ako papayag na may gawing masama sa amin ang Minerva na 'yun!
Santi: Go Auntie Brenda! Support kami sa'yo!
Emily: Tama!
Remedios: Ipagdarasal ko na gabayan kayo ng Diyos Brenda, apo.
Rizzi: Ako din po, ipag pe-pray ko po kayo!
Alexandra: Mommy, kung talagang desidido na po kayo na kausapin si Daddy at harapin si Tita Minerva, sige po luluwas po tayo ng Maynila.
Lito: Eh kailan niyo ba balak lumuwas para masamahan ko kayo?
Brenda: Sa linggo!
NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT SANTI.
•••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*MAGKAUSAP SINA MINERVA AT MANUEL.
Minerva: Manuel, pasensiya ka na kung wala akong nagawa sa desisyon ng board. Ginawa ko naman ang lahat para ipagtanggol ka sa kanila kaya lang hindi sila nakikinig sa akin.
Manuel: Wala kang kasalanan, Ate Minerva. Sana lang makumbinsi pa sila ni Papa na huwag i-pull out ang mga shares nila.
Minerva: Nag aalala ako sa Papa. Baka kapag kinausap niya ang board eh magkaroon pa ng tensiyon. Kakagaling lang niya sa ospital kaya hindi siya pwedeng ma stress.
NAPAISIP SI MANUEL.
Minerva: Manuel, hindi kaya mas makakabuti kung susundin natin ang gusto ng board?
NATIGILAN SI MANUEL.
Manuel: Anong ibig mong sabihin?
Minerva: Pumayag nalang tayo sa gusto nila alang alang sa kumpanya. Bumaba ka muna sa pwesto mo para bumalik ang tiwala nila sa Victorina Corporation.
Manuel: Ano?
Minerva: Manuel, mas makakabuti yun para sa atin. Huwag kang mag alala dahil sigurado naman ako na mapapatunayan mong inosente ka at kapag nangyari 'yun ibabalik ka nila sa posisyon mo.
NAPAISIP SI MANUEL.
••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN.MATAPOS KAUSAPIN NI MANUEL ANG KANYANG AMA AY NAG DESISYON SIYA NA HUMARAP SA BOARD OF DIRECTORS NG KUMPANYA.
Manuel: Alam ko na nawalan na kayo ng tiwala sa akin matapos lumabas ang issue na nagnakaw ako ng pera sa kumpanya. Hindi ko gustong ilagay sa alanganin ang kumpanyang pinaghirapan nating itayo kaya para bumalik ang tiwala ninyo dito, nag desisyon ako na bumaba sa pwesto ko bilang COO ng kumapanyang ito hanggang sa mapatunayan ko sa inyo na inosente ako.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...