You're Mine
Chapter Two | Alexandra MendiolaONE MONTH BEFORE.
*CALIFORNIA U.S.A*
Sa isang sementeryo.
Kasalukuyang inililibing si Alfonso Mendiola, isang businessman sa Amerika, kinilalang ama ni Alexandra Mendiola.
Napakalungkot ng mga sandaling iyon para kay Alexandra dahil ito na ang huling beses na makikita niya ang kanyang pinakamamahal na ama.
Alexandra: (Umiiyak) Dad... I'm gonna miss you... I love you so much.
Niyakap siya ng kanyang Lola Remedios.
Remedios: I know how much you love your dad, Hija. Pero isipin na lang natin na sa wakas eh tapos na ang kanyang paghihirap. 2 years din siyang nakipaglaban sa kanyang sakit na cancer and now he's finally free from all the pain.
Alexandra: I know Lola. Pero hindi ko lang talaga mapigilan na hindi malungkot dahil iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makakasama kahit kailan eh nalulungkot na ako agad.
Remedios: Nandito pa naman ako apo at ang Mommy mo.
Tinignan nila ang isang babaeng nakaupo sa wheel chair. Tulala lang ito at tila hindi alam kung anong nangyayari.
Remedios: Kahit hindi siya nakakapagsalita, I know na mahal na mahal ka niya.
Alexandra: Mahal na mahal ko din po siya at kayo din po lola.
Remedios: Tahan na hija.
••••••••••••••
Nakauwi na sina Alexandra sa kanilang bahay.Nagpunta siya sa kwarto ng kanyang daddy at pinag masdan niya itong mabuti.
Napako ang tingin niya sa isang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng lamesita sa tabi ng kama.
Kinuha niya ito at pinag masdang mabuti. Larawan nila itong mag anak noong graduation day niya ng high school. Napaluha siya.Alexandra: Bakit kailangan niyong mawala agad daddy? Bakit niyo kami iniwan agad? Nami-miss ko na po kayo...
Nagbalik sa ala-ala niya ang lahat ng mga masasayang sandali noong nabubuhay pa ang kanyang ama.
Masayang masaya sila. Daddy's girl kasi ito.
Naaksidente naman ang kanyang Mommy a year ago kaya na comatose ito at nung magkamalay na ito ay tulala na lamang siya at tila hindi na nakakarinig man lang.
Naaalala pa niya nung mga panahong lagi siyang sinusuklayan ni Alfonso at kine-kwentuhan ng mga fairytales.
Lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya ng kanyang daddy. Kahit hindi niya hilingin ay binibigay pa rin nito. Palibhasa ay nag iisang anak lang din siya nito.
Hanggang sa ma-diagnose ito ng liver cancer 2 years ago. Nagbago ang lahat.
Unti-unting nanghina ang katawan ni Alfonso. Hanggang sa ma bed ridden na lang ito at tuluyang mamatay.Bago ito mamatay ay may nais itong sabihin kay Alexandra ngunit hindi na niya ito nasabi dahil binawian na siya ng buhay.
Iyak ng iyak si Alexandra habang yakap yakap ang picture frame.
••••••••••••••••
Makalipas ang isang linggo.Sa eskwelahang pinapasukan ni Alexandra.
Naglalakad siya patungo sa kanyang susunod na klase ng lapitan siya ng kaibigan niyang si Josh, isang Fil-Am.
Josh: Hey Alex.
Alexandra: Josh.
Josh: Are you okay now? I mean, I know how hard it is to lose a dad but I hope you're feeling better now.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...