Chapter 121 | Betrayal

11 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 121 | Betrayal

SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.
NAKAUWI NA SI BRENDA.

Remedios: Salamat sa Diyos at ligtas ka Brenda! Araw araw kaming nagdarasal para sa kaligtasan mo.

Santi: Sobrang nag alala po talaga kami sa inyo Auntie Brenda.

Emily: Ano po ba talaga ang nangyari?

AT IPINALIWANAG NI BRENDA ANG LAHAT.

Remedios: Mabuti naman at nalaman na nina Manuel ang katotohanan.

Brenda: Pero hindi pa rin po tapos ang lahat dahil hindi pa nahuhuli si Minerva. Bukas aayusin po ni Don Manolo ang kasong isinampa sa akin para mapawalang sala na ako.

Santi: Masaya po kami para sa inyo Auntie Brenda.

Emily: Siguradong masayang masaya din po si Ate Alex ngayon dahil magkakasama sama na po kayong buong pamilya.

NAPANGITI SI BRENDA.
•••••••••••••••••••••••
SA CONDO NA PINAGTATAGUAN NINA MINERVA.

NAGBABASA SILA NG BALITA SA SOCIAL MEDIA.

"C.O.O NG VICTORINA CORPORATION, WANTED!"

"MINERVA VICTORINA, KRIMINAL!"

"DON MANALO VICTORINA, BUHAY PA! STEP DAUGHTER NA SI MINERVA VICTORINA SUSPECT SA TANGKANG PAGPATAY DITO."

NAPALUHA SA GALIT SI MINERVA.

Minerva: HINDI!!!! HINDI MAAARI ITO!!! HINDI!!!!

Enrico: Huminahon ka Minerva.

Minerva: Papaano ako hihinahon kung wanted na ako ngayon?

Enrico: Mag isip tayo ng paraan kung paano ka makakatakas sa batas. Magtago muna tayo at pahupain ang lahat.

NAPAISIP SI MINERVA.

Minerva: Tama, hindi ako pwedeng mahuli ng mga pulis! Hindi ako pwedeng makulong!

Pedro: Ano na pong plano ninyo Ma'am Minerva?

Minerva: Ita-transfer ko lahat ng pera ko sa bank account mo (Pedro) at i-withdraw mo lahat 'yun bukas na bukas din! Kailangan natin ng maraming pera para makapag tago tayo sa ibang lugar! Hindi ko pwedeng i-withdraw ang mga pera ko dahil siguradong mahuhuli ako kapag ginawa ko 'yun.

Enrico: May alam akong pwede nating puntahan.

Minerva: Saan?

•••••••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN.

AGAD INAYOS NINA DON MANOLO AT MANUEL ANG KASO LABAN KAY BRENDA AT PORMAL NA RIN NILANG SINAMPAHAN NG KASO SI MINERVA.

NASIBAK AT NAKASUHAN DIN ANG PULIS NA KASABWAT NI MINERVA NA NAGPATAKAS NOON KAY BRENDA.

*VICTORINA MANSION*

NASA KWARTO NIYA SI CASSANDRA.
NAG RING ANG PHONE NIYA.

Cassandra: (Sinagot) Hello?

Minerva: (Kabilang linya) Cassandra.

Cassandra: (Natigilan) T-Tita Minerva?

Minerva: Kailangan ko ng tulong mo.

Cassandra: A-Ano po 'yun tita?

Minerva: May mga naiwan pa akong cash at alahas sa kwarto ko. Kakailanganin ko 'yun para makalayo muna ako.

Cassandra: Aalis ka po Tita?

Minerva: Kailangan ko munang magtago dahil ayokong makulong. Kaya please tulungan mo ako, Cassandra.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon