Chapter 26 | Back To Work

25 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 26 | Back To Work

BAGUIO

*MY COFFEE STORY*

BALIK TRABAHO NA SINA ALEXANDRA AT SANTI. MAGKAUSAP SILANG DALAWA.

Santi: Alam mo cous, kapag dun ka na nakatira sa daddy mo hindi mo na kailangang mag trabaho kasi gaganda na ulit ang buhay mo gaya nung nasa America ka pa.

Alexandra: Ano ka ba Cous? Maganda naman ang buhay ko sa inyo ah? Masaya at kuntento ako. Tsaka okay lang sa akin na mag trabaho noh.

Santi: Kahit na. Iba pa rin kapag mayaman ka! Naku kahit ako eh, kung malalaman ko na mayaman ang tatay ko aba hahanapin ko rin siya noh! Hinihintay ko lang talaga si Mamiru na ipagtapat sa akin na mayaman ang tunay kong ama. Charot!!! Hahahaha!

Alexandra: Ikaw talaga Cous, puro ka kalokohan eh.

Santi: Pero eto seryoso na cous, kapag nakabalik na kayo ng Mommy mo sa pamilya niyo, mami-miss kita!

Alexandra: Cous, kahit naman makabalik na kami sa pamilya namin eh pwede pa rin naman tayong magkita diba?

Santi: So paano? Walking distance lang ba ang Manila to Baguio?

Alexandra: (Ngumiti) Eh basta, magkikita at magkikita pa rin naman tayo. Tsaka mag pinsan pa rin naman tayo kahit anong mangyari no.

Santi: (Teary eyes) I love you cous.

Alexandra: I love you too, Cous!

NAGYAKAPAN SILA.

••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI MINERVA ANG BOARD.

Minerva: Yes, it's true na ang kapatid kong si Manuel ang allegedly nagnakaw ng 50 million sa kumpanya but we still need to hear his side. Hindi naman sa ipinagtatanggol ko siya pero mahirap magbintang lalo pa at hindi pa natin naririnig ang paliwanag niya kung bakit niya nagawa yun o kung siya ba talaga ang gumawa nun.

Mr. Solis: We don't need to hear his explanation! Wala na kaming tiwala sa kanya. Isa pa, dahil sa balitang 'yan marami na rin ang nawalan ng tiwala sa kumpanyang ito at siguradong maapektuhan ang mga investment namin.

Mr. Han: Right! Just this afternoon biglang bumaba ang market value ng Victorina Corp after lumabas ng balitang 'yan! That's why we have decided to pull out all our shares if Manuel will not step down to his position!

Minerva: Please give us time to fix everything okay? I promise to all of you na magiging maayos ang lahat. Sa ngayon nasa opsital lang si Papa kaya ako na muna ang in charge. Kakausapin ko si Manuel pag uwi niya galing Davao at ipapaalam ko sa kanya ang desiyon ninyo.
•••••••••••••••••••••••
KINAGABIHAN.

*VICTORINA MANSION*

DUMATING SI MANUEL.
NADATNAN NIYA ANG ISANG KATULONG.

Emma: Sir, nakabalik na po pala kayo?

Manuel: Talagang minadali kong umuwi ngayon. Nasaan ang Papa at si Ate Minerva?

Emma: Naku sir, nasa ospital po si Don Manolo.

Manuel: Ano? Anong nangyari?

Emma: Eh hindi ko rin po kasi alam sir. Biglaan po kasi ang nangyari.

DUMATING NAMAN SI CASSANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon