Chapter 3 | Luke And Hanson

188 12 5
                                    

You're Mine
Chapter Three | Luke And Hanson

SA GABNER UNIVERSITY.

Magkasama sina Luke at Hanson sa locker room at magkausap.

Hanson: Ikaw talaga, nag post ka pa kasi sa IG story mo eh. Nabuking ka tuloy ni Cassandra at pati ako nadamay pa sa galit niya. Hindi ako pinapansin. Baka mamaya niyan ma-kick out din ako dito ah? Kaka transfer ko pa lang last year.

Luke: Hindi niya gagawin yun. Mga babae lang naman ang kaya niyang ipa-kick out sa school. Teka, nasaan ba siya ngayon?

Hanson: Malay ko. Hindi siya pumasok sa isang subject namin kanina eh. Bakit? Susuyuin mo ba?

Luke: (Ngumiti) Of course not, aasarin ko lang siya.

Hanson: Ikaw talaga, masama na nga yung loob ng tao eh aasarin mo pa.

Luke: Syempre joke lang yun. May naisip lang kasi akong plano eh para hindi na sumama ang loob niya and at the same time pabor din ito sa'yo dahil baka dahil dito finally ma appreciate ka na niya.

Hanson: (Kumunot ang noo) What do you mean na ma-appreciate na niya ako?

Luke: Come on, Dude. I know you like her and believe me, I'm fine with that. Mas okay kung kayo ang magkakatuluyan.

Hanson: Tssss... Paano naman mangyayari yun eh sa'yo nga baliw na baliw yun diba? Isa pa, hindi ko pa rin kayang mag seryoso sa ngayon. Yes, I like her but dude ayoko pang matali sa isang babae hahahaha! More girls, means more fun! Hahaha!

Luke: Sira ulo! Hahaha!

•••••••••••••
Sina Luke at Hanson, best friends since grade school. Magkasama sa lahat ng kalokohan. Kahit kailan ay hindi pa sila nag away. Pareho silang lapitin ng mga babae pero magkaiba ang taste nila.

Si Hanson, mahilig sa mga babaeng palaban, sophisticated, liberated at masusungit.
Habang si Luke naman ay mahilig sa mga simpleng babae lang, yung innocent type ba.

••••••••••••••

Naglalakad si Luke papunta sa next class niya. Pinag titinginan siya ng mga babaeng nakakasalubong niya.

Kinikilig ang mga ito.

Girl 1: Ang gwapo talaga niya!

Girl 2: At ang bangu-bango pa! My gosh!

Dumating naman si Cassandra at tinignan ng masama ang mga babae tapos ay sinundan si Luke.

Cassandra: Luke!

Napahinto si Luke sa paglalakad at nilingon si Cassandra.

Ang sumunod na nangyari ay magkausap na sila sa park ng Gabner. Nakaupo sila sa bench.

Cassandra: (Bumuntong hininga) You know what, I can forgive you naman eh. Sana lang sinabi mo na lang na hindi ka makakarating sa birthday ko kesa naman nagsinungaling ka pa!

Luke: I'm sorry. Ayoko lang kasi na magkaroon tayo ng issue eh.

Cassandra: Hindi kita maintindihan Luke. Bakit ba ayaw mo sa akin? Panget ba ako? Ano bang mali sa akin ha?

Luke: No Cassandra, hindi ka panget. Napaka ganda mo nga eh at walang mali sa'yo.

Cassandra: Then bakit hindi mo ako magustuhan? (maluha-luha).

Matagal bago nakasagot si Luke.

Luke: (Huminga ng malalim) Gusto ka ni Hanson. Best friend ko siya at ayokong saktan ang feelings niya.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon