Chapter 61 | Conscience

19 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 61 | Conscience

*DIMAGIBA RESIDENCE*

HABANG TINUTULUNGAN NINA SANTI, RIZZI AT EMILY SINA LITO AT LOLA REMEDIOS NA ILABAS ANG MGA PANINDANG STREET FOODS AY NABAGSAK NI EMILY ANG GARAPON NG SAUCE KAYA NABASAG ITO.
NAGULAT SILANG LAHAT.

Santi: Nakakaloka ka naman Emily!

Emily: Sorry Kuya eh bigla kasing dumulas sa kamay ko eh.

Rizzi: Sabi ko sa'yo ate ako na lang po ang magdadala eh.

Remedios: Hayaan niyo na, ako na ang maglilinis niyan.

Lito: Ay hindi ho Auntie Remedios, ako na ho.

•••••••••••••••••••••••
SA LIBLIB NA LUGAR.

Lalake 1: (Nakatutok ang baril sa ulo ni Brenda) Tapos ka na bang magdasal???

TAKOT NA TAKOT SI BRENDA.

MAYA MAYA AY BIGLA SILANG MAY NARINIG NA WANG WANG.

NATIGILAN ANG DALAWANG LALAKE.

Lalake 2: May mga pulis!

SINIPA NI BRENDA SA BAYAG ANG LALAKE 1.

Lalake 1: AHHHHHH!!!!

ITINULAK NI BRENDA ANG LALAKE 1 TSAKA TUMAKBO KAHIT IIKA-IKA.

BINARIL NG LALAKE 1 SI BRENDA PERO HINDI ITO NATAMAAN.

PARATING NA ANG POLICE MOBILE SAKAY ANG TRICYCLE DRIVER.

Tricycle Driver: (Nagtuturo) Doon po kami hinarang ng dalawang lalake.

Lalake 2: Nandiyan na ang mga pulis tayo na!

Lalake 1: Papaano 'yung Brenda?

Lalake 2: Hayaan mo na! Mas mahirap kapag nahuli tayo ng mga pulis! Tara na!

NAGMADALI ANG DALAWANG LALAKE AT SUMAKAY NG KOTSE TSAKA UMALIS.

TUMATAKBO SI BRENDA PASALUBONG SA MGA PULIS.

Brenda: Tulong!!!! Tulungan niyo po kami!!!

HUMINTO ANG POLICE MOBILE. BUMABA ANG MGA PULIS AT ANG TRICYCLE DRIVER.

Pulis 1: Ano pong nangyari?

Brenda: Mabuti at dumating agad kayo, muntik na nila akong patayin. Yung kasama ko po pinukpok po siya ng baril kaya nawalan siya ng malay doon.

Pulis 2: Kami na po ang bahala sa kanya, dito nalang po kayo.

Brenda: Maraming salamat po.

AGAD PINUNTAHAN NG MGA PULIS SI FREDA.
••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.

KINUKUNAN NG STATMENT SINA BRENDA, FREDA AT ANG TRICYCLE DRIVER.

Tricycle Driver: Basta hinarang na lang po nila kami eh tapos tinutukan po nila kami ng baril.

Freda: Ang sabi nila holdap daw po kaya ibinigay po namin yung mga wallet namin.

Brenda: Pero sinaktan pa rin nila kami. Pinukpok nila ng baril si Freda at tinangka nila akong patayin.

Police investigator: Sigurado po ba kayo na holdap lang ang motibo ng mga suspect?

Freda: Ayun na nga po ang nakakapagtaka eh. Nakita naman nila na naka tricycle lang kami at sila itong mga naka kotse tapos kami pa ang hinoldap? Tsaka napansin ko ho na mula palang sa bahay namin eh sinusundan na nila kami.

Police investigator: Wala ho ba kayong ibang hinala kung ano talaga ang motibo nila?

NAPAISIP SI BRENDA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon