Chapter 77| Utos Ni Minerva

12 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 77 | Utos ni Minerva

*GABNER UNIVERSITY*

TAPOS NA ANG KLASE NINA ALEXANDRA AT LUKE.
MAGKASAMA SILA SA PARK, NAKAUPO SA WOODEN BENCH HABANG NAG UUSAP. NAPANSIN NI LUKE NA TILA MAY GUMUGULO SA ISIPAN NI ALEXANDRA.

Luke: Are you okay, Alex?

Alexandra: Ha? Uhmm okay naman.

Luke: Kanina ka pa kasi parang may iniisip eh. Are you sure okay ka lang?

Alexandra: (Napabuntong hininga) Naisip ko lang kasi 'yung sinabi sa akin ni Leila kanina tungkol kay Cassandra.

Luke: Si Leila? Bakit, ano bang sinabi niya sa'yo?

Alexandra: Na huwag daw akong masyadong magtitiwala kay Cassandra dahil baka naghahanap lang daw siya ng pagkakataon para traydurin ako.

NAPAISIP SI LUKE.

Luke: Bakit naman niya nasabi 'yun?

Alexandra: Hindi ko alam eh. Ang alam ko lang galit siya kay Cassandra.

Luke: Kilala ko naman si Leila, oo medyo may pagka maldita din 'yun pero mabait naman siya eh. Nag away lang naman sila ni Cassandra dahil pinaringgan sila ng kakambal mo dati.

HINDI NA SUMAGOT SI ALEXANDRA.

Luke: Don't worry, tatanungin ko si Leila kung may alam ba siya na posibleng gawin sa'yo ni Cassandra.

Alexandra: Huwag na. Okay lang naman ako eh. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kung sakaling may gawin na namang masama sa akin si Cassandra.

PARATING NAMAN SINA CASSANDRA AT HANSON.

Cassandra: Sis, Luke, nandito lang pala kayo.

Hanson: Kanina pa namin kayo hinahanap eh.

NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT LUKE.

Cassandra: Bakit parang seryoso naman ang pinag uusapan niyong dalawa diyan? Naka istorbo ba kami sa pag uusap niyo?

Alexandra: Ah hindi naman. Tapos naman na kaming mag usap ni Luke.

Cassandra: Ganun ba? Anyway, Sis nasaan nga pala 'yung friend mong si Josh? Bakit hindi mo pa siya pinapakilala sa akin?

NAGTAKA SI ALEXANDRA.

Alexandra: Paano mo nakilala si Josh?

Hanson: Ah nabanggit ko kasi sa kanya kanina. Nakita ka daw kasi niya kanina na may kasamang lalake and hindi naman si Luke or Santi 'yun kaya naisip ko baka 'yung Josh nga ang kasama mo. Na kwento na rin kasi sa akin ni Luke 'yung tungkol sa kanya.

Alexandra: Ganun ba? Don't worry Cassandra, makikilala mo din siya.

Cassandra: I have an idea, gimmick tayo this weekend. Isama mo yung mga cousins mong sina Emily at Santi tsaka si Josh.

Hanson: Tama, magandang idea 'yun para naman makilala din namin sila diba? Tutal naman school mates na natin sila.

Alexandra: Sige, tatanungin ko sila kung gusto nilang sumama.

Cassandra: Great! How about you Luke, sasama ka naman right?

Luke: Of course, I'll join you guys.

NGUMITI SI CASSANDRA.
••••••••••••••••••••
VICTORINA CORPORATION.

MAGKAUSAP SINA MANUEL AT DON MANOLO.

Don Manolo: Sigurado ka ba sa naging desisyon mo, Anak?

Manuel: Nakiusap sa akin si Ate Minerva, Papa sa tingin ko tama naman po siya. Hindi makakabuti para sa kumpanya kapag bumalik ako agad sa posisyon habang may kausap pa siya na mga investors. Baka mag back out sila at lalong malagay sa alanganin ang kumpanya.

Don Manolo: (Napabuntong hininga) Naiintindihan ko anak. Kasalanan ito ng Enrico na 'yun eh. Kung hindi ka niya pinasama sa mata ng lahat, hindi ka sana mapipilitang bumaba sa pwesto mo. Huwag kang mag alala dahil nalalapit na rin naman ang pagbaba ko sa pwesto.

NATIGILAN SI MANUEL.

Manuel: Anong sabi niyo Papa?

Don Manolo: Matanda na ako at hindi ko na kakayanin na patakbuhin ang kumpanya kaya sa oras na bumaba ako sa pwesto ko bilang President and CEO, ikaw lang ang dapat pumalit sa posisyon ko at wala ng iba.

NAPAISIP SI MANUEL.

Manuel: Pero Papa, hindi ko pa kayang palitan ka sa posisyon mo. Hindi pa sapat ang kakayahan ko.

Don Manolo: Naniniwala ako sa'yo anak. Magaling ka at matalino ka kaya ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa posisyong ito.

HINDI NA SUMAGOT SI MANUEL.

••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

NAKAUWI NA SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

NANDOON NA DIN SINA MANUEL AT DON MANOLO.

KASALUKUYAN SILANG NAG HA-HAPUNAN.

Cassandra: Si Tita Minerva po, bakit wala pa po siya?

Don Manolo: Maraming inaasikaso ang Tita Minerva ninyo sa opisina kaya hindi siya agad nakauwi.

Manuel: Pero baka pauwi na rin 'yun.

Cassandra: Ang sipag po talaga ni Tita Minerva ano?

Manuel: Tama ka anak. Kaya kayong dalawa dapat mag sipag din kayo sa pag aaral dahil balang araw kayo na ang magmamana ng mga negosyo ng pamilya natin.

Cassandra: (Ngumiti) Of course Dad.

TAHIMIK LANG SI ALEXANDRA.

Manuel: Alexandra, kailan mo nga pala papadalawin dito sa mansion ang mga pinsan mo?

Alexandra: Ah hindi ko pa po alam Dad pero nasabihan ko naman na po sila.

Manuel: Ganun ba? Paano nga ulit sila nakapasok sa Gabner?

Alexandra: Ah nakapasa po silang dalawa sa scholarship program dad.

Cassandra: In fairness sa kanila ha, siguro sobrang talino nila kaya naipasa nila 'yung full scholarship program ng Gabner. Balita ko kasi mahirap ang exam dun eh.

Alexandra: Oo nga eh.

Manuel: Siya nga pala anak, close ba sila kay Brenda?

NATIGILAN SI ALEXANDRA.

Alexandra: B-Bakit niyo po naitanong daddy?

Manuel: Wala naman, naisip ko lang kasi baka kino-contact sila ni Brenda para makibalita tungkol sa'yo o baka nakakausap mo ang Mommy mo dahil sa kanila?

Alexandra: Hindi naman po daddy. Hindi rin naman po nila nakakausap si Mommy kaya huwag po kayong mag alala.

Don Manolo: Manuel, pwede bang huwag nalang nating pag usapan ang tungkol sa bagay na 'yan?

Manuel: Pasensiya na Papa.

Don Manolo: Kumain na tayo.

PALIHIM NAMANG NAKA EVIL SMILE SI CASSANDRA.

••••••••••••••••••••
SA ISANG RESTAURANT.

NANDOON SI MINERVA, MAY KAUSAP SIYANG ISANG LALAKE.

Minerva: (Inabutan ng sobre ang lalake) Ayoko ng palpak na trabaho. Kailangang iligpit mo ang Papa ko sa lalong madaling panahon. Naiintindihan mo?

Lalake: Sige po Ma'am, ako ang bahala sa kanya.

Minerva: (Nag evil smile) Aasahan ko 'yan.

TO BE CONTINUED...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon