Chapter 161| Familiar Scent

5 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 161 | Familiar Scent

*KINABUKASAN*

SA PRESINTO

PINA-REVIEW NINA DON MANOLO AT MANUEL ANG MGA CCTV MALAPIT SA LUGAR KUNG SAAN NA-KIDNAP SI CASSANDRA.

NAKITA DOON ANG BABAENG SINASABI NI CASSANDRA NA KAMUKHA NI MINERVA NGUNIT HINDI NAMAN MASYADONG KITA ANG MUKHA NITO DAHIL SA SUOT NIYANG SUNGLASSES AT MALABO DIN ANG RESOLUTION NG VIDEO.
NAKITA DIN DOON KUNG PAANONG ISINAKAY NG DALAWANG LALAKE SI CASSANDRA SA VAN. HINDI RIN MALINAW SA VIDEO ANG PLATE NUMBER NG SASAKYAN PERO AYON SA MGA PULIS AY POSIBLENG FAKE ANG PLATE NUMBER NITO KAYA HINDI RIN MATE-TRACE.
DISMAYADO SINA DON MANOLO AT MANUEL SA SINABI NG MGA PULIS.

••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

MAGKAUSAP SINA ELIZABETH AT CARLA.

Carla: Oh my God, nabalitaan ko ang nangyari sa'yo kahapon. Buti okay ka na? Dapat hindi ka muna pumasok.

Elizabeth: Eh nahihiya na kasi ako eh kasi kahapon nag under-time ako diba? Tapos hindi din ako nakapasok ng 2 days.

Carla: Eh valid naman ang reason mo eh. Tsaka tignan mo nga oh, kung hindi ka nag under time kahapon edi baka hindi mo nakita si Ma'am Cassandra at hindi mo siya matutulungan diba?

Elizabeth: Kung sa bagay pero okay lang naman ako. Galos at pasa lang naman ang inabot ko kaya kaya ko namang mag trabaho ngayon.

DUMATING SINA MANUEL AT DON MANOLO.

Don Manolo: Elizabeth...

Elizabeth: Don Manolo, Sir Manuel. Kamusta po? Nakausap niyo na po ba ang mga pulis?

Manuel: Oo pero wala kaming napala dahil malabo ang kuha sa cctv.

Elizabeth: Hayyy... Wala po talaga tayong maaasahan sa mga cctv na yan pero don't worry po, nakapagbigay na rin naman po kami ng statement ni Cassandra sa mga pulis kagabi nung dumating sila sa ospital. Sana po mahuli na agad sila.

Don Manolo: Maraming salamat sa ginawa mong pagtulong sa apo ko. Alam kong hindi naging maganda ang trato niya sa'yo nitong nakaraan lang pero tinulungan mo pa rin siya.

Elizabeth: Wala po 'yun Don Manolo. Nagkausap naman na po kami ni Cassandra at nag sorry na po siya sa akin kaya okay na po kami. Tsaka tinulungan din naman po ako ni Sir Manuel nung nakaraan kaya sana nakabawi na rin po ako.

Manuel: Sobra sobra na ang nagawa mo Elizabeth at bawing bawi ka na. Again, thank you.

NGUMITI SI ELIZABETH.

Elizabeth: You're welcome po Sir.

Don Manolo: By the way, kamusta ang pakiramdam mo? Bakit pumasok ka agad? Hindi ba dapat nagpapahinga ka muna?

Elizabeth: Ayos lang naman po ako Don Manolo. Malayo naman po sa bituka ang mga sugat ko eh. Isa pa, madami din po akong kailangang tapusin na trabaho ngayon.

Don Manolo: Napaka sipag mo naman pala.

Carla: Hay naku Don Manolo, sinabi niyo pa.

NGUMITI SI ELIZABETH.

Manuel: Elizabeth, kapag may nararamdaman ka sabihin mo lang agad sa amin.

Elizabeth: Sige po Sir Manuel.
•••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

MAGKAKASAMA SINA CASSANDRA, HANSON, PHOEBE, YESHA AT VICKY SA PARK.

NAKAMASID NAMAN SA KANILA ANG DALAWANG BODY GUARDS NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon