Chapter 90 | The Comeback

13 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 90 | The Comeback

SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.

KA VIDEO CALL NILA SINA BRENDA AT LOLA REMEDIOS.

NALAMAN NA RIN KASI NINA SANTI MULA KAY LUKE ANG NANGYARI KINA ALEXANDRA AT CASSANDRA KAYA AGAD NILANG IBINALITA KAY BRENDA ANG LAHAT.

Brenda: Diyos ko, bakit kailangang mangyari ito? Kawawa naman ang mga anak ko.

Santi: Auntie Brenda, Lola Remedios, huwag na po kayaong mag alala dahil ang sabi po ni Luke maayos naman daw po ang lagay ni Alexandra ayon kay Bruhang Minerva. Kaya lang si Cassandra, wala daw pong maalala.

Brenda: Pero kailangan pa rin ako ng mga anak ko. Uuwi na kami agad ng Pilipinas!

Emily: Kailan po Auntie Brenda?

Brenda: Sa lalong madaling panahon!

•••••••••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL.

KAUSAP NG DOCTOR SINA MINERVA, MANUEL AT DON MANOLO.

Doctor: Marahil ay na stress ang pasyente dahil pinipilit niyang alalahanin ang lahat ng nangyari. Ang maipapayo ko lang po ay huwag na po muna nating pilitin ang pasyente na alalahanin ang lahat habang hindi pa sila tuluyang nakaka recover sa trauma. Sa ngayon, binigyan po muna namin siya ng pampatulog para makapag pahinga siya.

Minerva: Maraming salamat po Doc.

UMALIS NA ANG DOCTOR.

Minerva: Manuel, Papa ako na muna ang bahala dito. Magpahinga na muna kayo dahil baka ma stress lang din kayo.

Manuel: Ikaw ang dapat magpahinga ate Minerva, hindi pa tuluyang magaling ang sugat mo.

Minerva: Manuel, kaya ko ang sarili ko. Ipina check ko na rin naman itong sugat ko sa Doktor. Sige na Manuel, Papa umuwi na muna kayo. Ako na ang bahala dito.

Don Manolo: Sigurado ka ba?

Minerva: Oo Papa. Babalitaan ko nalang po kayo mamaya.

Manuel: Sige, papapuntahin ko nalang dito si Pablita para magdala ng mga kakailanganin mo dito sa opsital.

Minerva: Sige Manuel. Salamat. Uuwi din ako mamayang gabi para makapag pahinga ako.

Don Manolo: Mauna na kami.

Minerva: Ingat po kayo Papa, Manuel.

•••••••••••••••••••••••••••••
*VERGARA RESIDENCE*

Teressa: Kamusta na si Alexandra, anak?

Luke: Ang sabi po ni Tita Minerva, maayos na daw po siya pero si Cassandra, wala daw pong maalala sa mga nangyari.

Isha: Anong ibig mong sabihin sa walang maalala si Cassandra?

Luke: Nawala daw 'yung memorya niya. In short, nagkaroon siya ng amnesia.

Teressa: Amnesia? Naku, kawawa naman pala siya

Isha: Naku siguro mabuti na nga 'yun baka sakaling magbago ugali nun dahil wala siyang maalala. Malay mo makalimutan niya na maldita siya!

Luke: Ate?

Isha: Eh malay mo lang naman diba? Pero sana gumaling na agad silang dalawa.

Teressa: Eh kelan daw ba sila makakalabas ng ospital?

Luke: Hindi ko pa po alam eh.
•••••••••••••••••••••••••••
SA ISANG COFFEE SHOP.

MAGKAKASAMA SINA PHOEBE, YESHA AT LEILA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon