Chapter 159 | Saving Cassandra

9 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 159 | Saving Cassandra

*VICTORINA CORPORATION*

SA OPISINA NI MANUEL.

NAG RING ANG PHONE NIYA—SI ELIZABETH ANG TUMATAWAG.

Manuel: (Sinagot) Hello Elizabeth?

Elizabeth: (Kabilang linya) Sir Manuel, may kailangan po akong sabihin sa inyo.

TILA TAKOT ANG BOSES ELIZABETH.

Manuel: Ano 'yun? Bakit ganyan ang boses mo?

Elizabeth: Sir, makinig po kayong mabuti. Hindi po ako sigurado pero parang nakita ko po 'yung anak ninyong si Cassandra na nakasakay sa van at parang humihingi siya ng tulong.

NABIGLA SI MANUEL AT NAPATAYO.

Manuel: ANO??!! Saan mo siya nakita?

Elizabeth: Malapit po sa school. Napadaan po kasi ako dun kanina tapos nakasalubong ko po 'yung van na sakay siya sa loob. Sinundan ko po 'yung van at nandito po ako ngayon sa isang liblib na lugar.

Manuel: Sabihin mo sa akin kung saan 'yan! Pupuntahan ko!

Elizabeth: Sige po Sir Manuel, ise-send ko po sa inyo yung location.

*END CALL*

Elizabeth: (Nag evil smile) Hmmmm....

NASA HARAPAN NIYA SINA MARTIN AT BANJO.

Elizabeth: Sige na, pupuntahan ko na si Cassandra, galingan niyo ang arte ah at siguraduhin ninyo na hindi niyo ako mapupuruhan dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sa inyong dalawa!

Martin: Huwag kayong mag alala ma'am, kami na ang bahala.

Banjo: Gagalingan po namin!

Elizabeth: Good!

UMALIS NA SI ELIZABETH.

•••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

TINATAWAGAN NAMAN NI ALEXANDRA SI MANUEL.

Alexandra: Hindi sumasagot si Dad sa tawag ko eh.

Luke: I-try mo lang ulit.

Phoebe: Hindi kaya umuwi na si Cass?

Vicky: Phoebe, kung umuwi na siya bakit hindi siya nagpaparamdam at sumasagot sa tawag natin? Nagri-ring naman ang phone niya eh.

Yesha: Oo nga. Iba din ang kutob ko eh pero sana naman okay lang siya.

••••••••••••••••••••••••
NAGMAMADALI NAMANG SUMAKAY NG KOTSE SI MANUEL.

NAG RING MULI ANG KANYANG PHONE— SI ALEXANDRA NAMAN ANG TUMATAWAG.

Manuel: (Sinagot) Hello Alexandra, anak.

Alexandra: (Kabilang linya) Daddy, mabuti naman po sumagot na kayo. Si Cassandra po, I think nawawala po siya.

Manuel: Tumawag sa akin si Elizabeth, nakita daw niya si Cassandra sakay ng isang van at parang humihingi ng tulong.

Alexandra: (Nabigla) Po??? Nasaan daw po siya?

Manuel: Hindi ko pa alam, pero nasundan daw ni Elizabeth ang van kaya ise-send niya sa akin ang location.

Alexandra: Daddy, i-send niyo din po sa akin para po alam namin kung saan kayo mapupuntahan!

Manuel: Sige anak, paalis na ako. Tatawagan kita mamaya. Huwag mo na munang banggitin ito sa mommy at lolo mo dahil ayokong mag alala sila. Sige na, bye.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon