Chapter 132 | New Year's Eve

24 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 132 | New Year's Eve

LUMIPAS ANG ISANG LINGGO.
BISPERAS NG BAGONG TAON.

MAGKAUSAP SINA MANUEL, BRENDA AT DON MANOLO SA GARDEN.

Don Manolo: Dapat maikasal na kayo agad sa lalong madaling panahon. Pwede nating i schedule ang kasal ninyo sa Marso agad.

NAGKATINGINAN SINA MANUEL AT BRENDA.

Don Manolo: Ako na ang bahala sa lahat kaya huwag na kayong mag alala. Isa pa, may tatlong buwan pa naman kayo para maghanda.

Brenda: Don Manolo, hindi naman po kami nagmamadali ni Manuel na magpakasal.

Don Manolo: Brenda, hindi ba sinabi ko naman sa'yo na Papa na ang itatawag mo sa akin?

Brenda: (Napangiti) Pasensiya na po, nasanay na po kasi ako na Don Manolo ang itawag sa inyo.

Don Manolo: Pwes sanayin mo na ang sarili mo na tawagin akong Papa.

Brenda: S-Sige po Papa.

Don Manolo: Mainam. Bweno, magpapahinga muna ako sa kwarto.

Manuel: Sige po Papa.

UMALIS NA SI DON MANOLO.

Manuel: (Tumingin may Brenda) Ayos lang ba sa'yo na ikasal na tayo agad sa Marso?

Brenda: Kung 'yun ang kagustuhan ng Papa mo Manuel, sige magpakasal tayo sa petsang gusto niya.

Manuel: (Ngumiti) Sige.

DUMATING NAMAN SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Alexandra: Mommy, Daddy.

Manuel: Oh mga anak, tamang tama ang dating ninyo, may ibabalita kami sa inyo.

Cassandra: Ano po 'yun Daddy?

Manuel: Sa March na ang kasal namin ng mommy ninyo.

Alexandra: (Natuwa) Really? Congrats po Mommy, Daddy!

Cassandra: Congrats po.

Brenda: Salamat sa inyo mga anak.

Cassandra: By the way po Daddy, Mommy magpapaalam lang po sana ako sa inyo may lakad lang po kami ni Vicky pero uuwi din po ako agad.

Manuel: O sige, basta huwag kang magpapagabi ah? Kailangan magkakasama tayo mamaya sa medya noche.

Cassandra: Yes po Dad.

Brenda: Mag iingat ka anak ah?

Cassandra: (Ngumiti) Opo mommy.

•••••••••••••••••••••••••••••
MAGKASAMA NAMAN SINA HANSON AT LEILA SA MALL.

Leila: Sayang hindi tayo magkakasama mamaya para salubungin 'yung new year. Sina Mommy kasi eh gusto nila sa Batangas kami mag new year kasama yung mga relatives namin dun.

Hanson: It's okay, at least kasama kita ngayon diba? Kaya sulitin na natin ito.

Leila: Oo nga.

Hanson: Anong oras ba kayo aalis?

Leila: Around 8pm kaya dapat nandun na ako sa bahay before 7pm.

TUMINGIN SI HANSON SA ORASAN SA PHONE NIYA (2:30PM).

Hanson: Sige, ihahatid na lang kita pauwi.

Leila: Okay.

Hanson: Let's watch a movie?

Leila: Sure pero nagugutom na kasi ako eh pwedeng kumain muna tayo?

Hanson: Oo naman sige kumain muna tayo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon