Chapter 40 | Pakiusap

26 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 40 | Pakiusap

*VICTORINA MANSION*

NASA HAPAG KAINAN SINA MANOLO, MANUEL, MINERVA AT CASSANDRA AT NAGBE-BREAKFAST.

Manuel: Pablita (maid).

Pablita: Bakit po Sir Manuel?

Manuel: Tinawag mo na ba ang Ma'am Alexandra mo?

Pablita: Opo Sir, pababa na po yun.

MAYA MAYA AY DUMATING NA NGA SI ALEXANDRA. NAG AALANGAN SIYANG LUMAPIT SA HAPAG KAINAN.
NAKITA SIYA NI MINERVA.

Minerva: Alexandra hija, maupo ka na para sabay sabay na tayong kumain ng umagahan.

NAPALINGON SI MANUEL.

Manuel: Anak halika na dito sa tabi ko.

Manolo: This is our first breakfast together apo.

UMIRAP NAMAN SI CASSANDRA.
DAHAN DAHANG LUMAPIT SI ALEXANDRA AT NAUPO SA TABI NI MANUEL.

Manuel: I know naninibago ka pa anak dahil matagal mo kaming hindi nakasama pero hindi magtatagal masasanay ka rin.

Manolo: Hindi pa namin alam kung anong paborito mong pagkain kaya nagpahanda nalang kami ng masarap na breakfast.

Minerva: We know na you grew up in the States kaya I'm sure magugustuhan mo ang breakfast na ipinahanda namin.

Alexandra: S-Salamat po.

Manuel: Kumain na tayo.

IPINAGLAGAY NI MANUEL NG PAGKAIN SI ALEXANDRA SA PLATO NITO.

Manuel: Kumain ka ng madami ha? Huwag kang mahihiya dahil pamilya mo kami.

MAYA MAYA AY TUMAYO SI CASSANDRA.

Manuel: Cassandra anak, saan ka pupunta?

Cassandra: I almost forgot kailangan ko po palang pumunta sa school ng maaga kaya aalis na po ako.

Manolo: Apo, tapusin muna natin ang pagkain.

Minerva: Oo nga naman Cassandra, maupo ka muna.

Cassandra: Sa school nalang po ako kakain. Excuse me.

UMALIS SI CASSANDRA.

Manuel: (Tumayo) Cassandra.

PINIGIL SIYA NI MANOLO.

Manolo: Hayaan mo na muna siya.

NAKATUNGO NAMAN SI ALEXANDRA. RAMDAM NIYA ANG COLDNESS SI CASSANDRA.

Manuel: Alexandra anak, pag pasensiyahan mo na ang kakambal mo ha? Baka naninibago lang din siya. Let's eat.

•••••••••••••••••••••••
*ROWENA'S HOUSE*

PAALIS SI BRENDA, NAKITA SIYA NI ROWENA.

Rowena: Brenda?

NATIGILAN SI BRENDA.

Rowena: Aalis ka? Saan ka pupunta?

Brenda: Kay Alexandra. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nina Manuel.

Rowena: Sigurado ka ba? Baka mamaya magkagulo lang kayo dun?

Brenda: Gusto ko lang makausap ang anak ko dahil baka inaapi na siya ng Minerva na yun.

DUMATING SINA LITO AT SANTI.

Lito: Oh Brenda, saan ang lakad mo?

Rowena: Pupuntahan daw niya si Alexandra.

Santi: Talaga Auntie Brenda? Pwede ba akong sumama? Para naman makapag paalam na rin ako sa kanya kasi bukas na po ang balik namin ng Uncle Lito sa Baguio eh.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon