Chapter 123 | Visiting Minerva

18 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 123 | Visiting Minerva

3 DAYS LATER

*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI DON MANOLO ANG BOARD OF DIRECTORS AT IPINALIWANAG NIYA ANG MGA NANGYARI.
NAUNAWAAN NAMAN ITO NG BOARD AT MASAYA SILA SA MULING PAGBABALIK NI DON MANOLO.

IBINALIK NARIN SI MANUEL SA KANYANG DATING POSISYON BILANG COO.

*SA OPISINA NI MANUEL, KAUSAP NIYA SI BRENDA*

Manuel: Brenda, napag isipan mo na ba ang sinabi namin sa'yo ni Papa na sa mansion ka na tumira?

Brenda: Kaya nga ako nagpunta dito Manuel para sabihin sa'yo ang desisyon ko.

Manuel: At ano ang desisyon mo?

Brenda: Pumapayag na ako Manuel.

NGUMITI SI MANUEL.

Manuel: Mabuti naman kung ganun. Sigurado ako na matutuwa ng husto si Alexandra.

Brenda: Pero nag aalala ako sa magiging reaksyon ni Cassandra.

Manuel: Brenda, huwag mo nang alalahanin si Cassandra dahil sigurado ako na matututunan ka rin niyang tanggapin.

Brenda: Sana nga Manuel.

••••••••••••••••••••••••
SAMATALA KAUSAP NAMAN NI MINERVA ANG KANYANG ABOGADO SA PRESINTO.

Minerva: Gawin mo ang lahat attorney para manalo ako sa kasong isinampa nila laban sa akin.

Attorney Harold: Malakas ang kaso nila laban sa'yo pero huwag kang mag alala, I'll see what I can do.

Minerva: Hindi ba ako pwedeng makapag piyansa? Yung kaibigan kong si Enrico, nakausap mo ba siya?

Attorney Harold: Well, non bailable ang kaso mo kaya hindi ka pwedeng makapag piyansa. Hindi ko naman ma-contact ang number na ibinigay mo sa akin kaya hindi ko pa nakakausap ang kaibigan mo.

Minerva: (Napaisip) Nasaan kaya siya? Sigurado akong alam na niya na nahuli na ako ng mga pulis dahil kalat na ang balita.

Attorney: Anyway, mauna na ako dahil may ibang kaso pa akong kailangang asikasuhin. Babalikan na lang kita para ipaalam sa'yo kung kailan magsisimula ang hearing ng kaso mo.

TUMAYO NA ANG ABOGADO AT UMALIS.

Minerva: (Sa isip) Hindi ako pwedeng magtagal dito. Hindi ako pwedeng mabulok sa mabahong lugar na ito! Kailangan kong makalabas, kailangan kong makalaya!

•••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY *

MAGKASAMA SINA CASSANDRA AT VICKY.

Vicky: Kamusta ka na Cass? Ang dami agad nangyari for the past few days ah?

Cassandra: I'm not okay Vicky. Hindi ako makatulog gabi gabi kakaisip kay Tita Minerva.

Vicky: Cass, hindi ba siya 'yung reason kung bakit naaksidente ang lolo mo and sabi nila pinagtangkaan niyang patayin ang lolo mo.

Cassandra: Hindi ako naniniwala na magagawa 'yun ni Tita Minerva.

Vicky: Pero yung lolo mo mismo ang nagsabi diba?

Cassandra: I don't know. Maybe may nagawang kasalanan si Tita Minerva sa kanya kaya nagalit siya dito o kaya naapektuhan ang utak niya dahil sa accident and na brain wash siya ng Brenda at Tony na 'yun! Basta hindi ako naniniwalang magagawa ni Tita Minerva lahat 'yun! Mabait siya! Siya 'yung nag alaga sa akin mula pa nung bata ako kaya alam kong hindi siya gagawa ng ganun kasamang bagay!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon