You're Mine
Chapter 187 | Finding MinervaTINAWAGAN NI CASSANDRA SI HANSON AT NAG SORRY ITO SA KANYA. NAINTINDIHAN NAMAN SIYA NI HANSON AT SINABING HUWAG NANG MAG ALALA SI CASSANDRA DAHIL AYOS LANG DAW 'YUN.
NAG SORRY DIN SIYA KAY ELIZABETH DAHIL NASIRA ANG PARTY NITO.
Elizabeth: Don't worry, hindi naman ako galit basta next time don't drink too much para hindi na maulit 'yung mga ginawa mo ha?
TUMANGO SI CASSANDRA.
Cassandra: Thank you, Elizabeth.
Elizabeth: (Ngumiti) No worries.
NIYAKAP NI ELIZABETH SI CASSANDRA AT NAG EVIL SMILE.
•••••••••••••••••••••••••
*LUMIPAS ANG DALAWANG ARAW*VICTORINA CORPORATION.
KAUSAP NI ELIZABETH SI DON MANOLO.
Elizabeth: Nai-post ko na po sa social media ang mga pictures ni Mommy Minerva at sigurado po ako na kung may makakilala sa kanya eh maituturo po agad nila sa atin kung nasaan siya.
Don Manolo: Sige. Tinawagan ko na din ang mga pulis para mapabilis ang paghahanap sa kanya nang sa ganun ay maibalik na siya agad sa kulungan at pagdusahan ang lahat ng mga kasalanan niya.
Elizabeth: Sana nga po mahanap at mahuli na siya agad.
MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI ELIZABETH.
Elizabeth: (Sinagot) Hello? Sino ito?
Choleng: (Kabilang linya) Ito po ba si Elizabeth Scott?
Elizabeth: Ako nga po, sino po sila?
Choleng: Eh nakita po kasi ng apo ko ang post ninyo sa social media tungkol sa isang babaeng nagngangalang Minerva.
Elizabeth: (Natigilan at napatingin kay Don Manolo) A-Ano pong tungkol kay Minerva?
NATIGILAN SI DON MANOLO.
NI-LOUD SPEAKER NI ELIZABETH ANG KANYANG CELLPHONE UPANG MARINIG NI DON MANOLO.
Choleng: Sa palagay ko po eh siya po 'yung babaeng napulot namin ilang buwan na rin ang nakakalipas.
Elizabeth: Po? Sigurado po ba kayo?
Choleng: Eh puntahan niyo nalang po siya para makumpirma niyo po.
Elizabeth: Sige po. Sabihin niyo nalang po kung saan namin siya pwedeng makita.
*END CALL*
NAGKATINGINAN SINA ELIZABETH AT DON MANOLO.
Elizabeth: Lolo, baka si Mommy Minerva na nga po ang tinutukoy nung tumawag. Sana hindi po siya prank caller.
Don Manolo: Sabihan mo ang secretary ko na i-cancel ang meeting ko mamaya. Pupuntahan natin ang hayop na Minerva na 'yun! Magsama na rin tayo ng mga pulis para mahuli agad siya!
Elizabeth: S-Sige po lolo.
•••••••••••••••••••••••
*SA BAHAY NINA EMILY AT SANTI*NANDOON SI BRENDA, KAUSAP NIYA SINA REMEDIOS AT LITO.
Remedios: Eh ano daw bang problema ni Cassandra? Nagsabi ba sa'yo?
Brenda: Kinausap ko po siya pero wala naman din pong sinabi sa akin. Wala daw ho siyang problema. Naparami lang daw talaga ang inom niya nung gabing 'yun.
Lito: Mukhang bumabalik na naman sa dati niyang ugali ang anak mo na 'yun ah? Itulak ba naman si Alexandra sa harap ng maraming tao?
Brenda: Lito, huwag mo namang pag isipan ng masama si Cassandra. Lasing lang siya nun kaya niya nagawa 'yun. Baka may pinagdadaanan lang siya at hindi niya lang masabi sa ngayon.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...