Chapter 21 | Change Of Plan

37 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 21 | Change Of Plan

SA BAHAY NI ROWENA.
KUMAKAIN SILA NG HAPUNAN.

Estong: Alex, bakit ayaw mo pang magpakita sa kakambal mo? Hindi ba kaya nga tayo nandito sa Manila dahil gusto mo siyang hanapin? Eh nandun ka na sa bahay ninyo kanina diba?

Santi: Oo nga cous, ano bang nangyari kanina?

Alexandra: (Napabuntong hininga) Nakaharap ko kasi 'yung sinasabi ni Mommy na nagtangka sa buhay namin noon.

Santi: You mean yung Tita Minerva niyo?

Rowena: Nagtangka sa buhay ninyo? Diyos ko, ano bang klaseng tiyahin yun? Bakit niya pinagtangkaan ang buhay ninyo ng Mommy mo?

Alexandra: Mahabang istorya po Aling Rowena

Estong: Eh ang daddy mo? Hindi mo ba siya nakita dun?

Alexandra: (Umiling) Hindi eh. Kung tama ang naalala ko nasa Davao daw si Daddy sabi ni Tita Minerva. Cous, parang hindi ko kayang magpakita sa kanila. Natatakot ako. Paano ko sasabihin lahat sa Daddy ko ang mga nangyari? Paano ko haharapin si Tita Minerva? Ang akala ko kapag nandito na tayo madali nalang na harapin sila pero hindi pala.

Santi: Mahirap nga 'yun cous pero diba kaya ka nga namin sinamahan dito eh para kung may gawin man sa'yo ang Tita Minerva mo eh may resbak ka!

Estong: Oo nga.

Alexandra: Ayoko naman na pati kayo madamay pa kung sakaling may gawin ngang masama ulit si Tita Minerva sa akin.

Rowena: Eh bakit hindi nalang kayo humingi ng tulong sa mga pulis kung talagang pinagtangkaan ng Minerva na yun ang buhay ninyo ng Mommy mo?

Alexandra: Hindi ko po alam Aling Rowena kung paano ko gagawin 'yun kasi matagal na pong nangyari 'yun eh. Baby pa lang daw po ako nun kaya wala rin po akong alam sa mga nangyari bukod sa kwento lang ni Mommy.

Rowena: Oh eh baka dapat kasama mo dito ang Mommy mo para harapin ang Minerva na 'yun.

Santi: Mahina pa po kasi si Auntie Brenda. Matagal po kasi siyang na comatose noon at natulala.

Rowena: Ganun ba? Mukhang mahihirapan nga kayong makalapit sa pamilya ninyo kung ganun. Siguro dapat ang daddy mo muna mismo ang makausap mo. Sigurado naman akong makikinig at maniniwala 'yun sa'yo eh.

Estong: Kaso nga po wala daw po ang daddy niya dito sa Maynila.

Rowena: Yun lang. Edi hintayin mo nalang na makabalik ang daddy mo.

NAPAISIP SI ALEXANDRA.
•••••••••••••••••••••••••
TAN'S RESIDENCE

NASA MINI BAR SI HANSON AT UMIINOM NG ALAK.

NADATNAN SIYA NG KANYANG AMA NA KAKAUWI LANG GALING OPISINA.

Joseph: Hanson.

Hanson: Dad, good evening po.

Joseph: Mukhang napapadalas ang pag inom mo ah? Nung isang gabi umuwi ka ring lasing. May problema ka ba?

HINDI AGAD SUMAGOT SI HANSON.

Joseph: Let me guess, babae ang dahilan tama? Alam mo anak, kahit hindi ka nag o-open sa akin alam ko kung bakit ka nagkakaganyan.

Hanson: (Napabuntong hininga) You're right dad. Babae ang dahilan. I don't know why I'm so affected sa ginawa sa akin ni Cass. Hindi ako dapat nasasaktan dahil alam ko namang marami pang ibang babae diyan na pwede kong ipalit sa kanya. Besides, hindi pa naman talaga ako ready na mag seryoso eh pero bakit ganun dad? Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ko matanggap na ginamit niya lang ako?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon