Chapter 195 | Trust Issue

7 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 195| Trust Issue

IYAK PARIN NG IYAK SI ALEXANDRA SA KWARTO NIYA. NAAALALA NIYA ANG MGA NAKITA NIYA.

NAALALA DIN NIYA ANG MGA SINABI NI ELLA NUNG NAKARAAN.

*FLASH BACK*

Ella: Eh paano po kaya kung sinadya ni Ma'am Cassandra na halikan si Sir Luke para paghiwalayin kayo? Ma'am Alexandra, kilala po natin si Ma'am Cassandra, alam ko nagbago na po siya pero hindi naman po tayo sigurado kung totoo nga po ang ipinapakita niya diba? Sa dami po ng mga ka dramahan niya dati imposible po na magbago agad siya. Siguro ma'am may gusto pa rin talaga siya kay Sir Luke tapos nag aantay lang siya ng pagkakataon na mag away kayo at maghiwalay.

*END OF FLASH BACK*

Alexandra: Cassandra, akala ko nagbago ka na talaga pero hindi pa rin pala! Ahas ka!!! Ahas ka!!!
•••••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI BRENDA SI MANUEL AT NABANGGIT NIYA DITO ANG PROBLEMA NG KAMBAL.

Manuel: Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kay Cassandra. Palagi na lang siyang gumagawa ng mga bagay na makakasakit sa kakambal niya

Brenda: Manuel, nakausap ko na rin naman si Cassandra at ang sabi niya wala siyang maalala sa mga nangyari gaya nung nangyari sa party ni Elizabeth.

Manuel: Kailangang makausap ko siya at papaaminin ko siya kung ano talaga ang nangyari.

HINDI NA NAGSALITA SI BRENDA.

•••••••••••••••••••••••
PAPUNTA SI LEONOR SA KWARTO NI ALEXANDRA. MALAPIT NA SIYA SA KWARTO PERO BIGLANG MAY HUMAMPAS NG BOTE NG WINE SA ULO NIYA AT AGAD SIYANG NAWALAN NG MALAY AT BUMAGSAK.

Elizabeth: Hmmmm... Mabuti na lang at naunahan ko siya.

Ella: (Natatakot) Ma'am, ano pong gagawin natin kay Ate Leonor?

Elizabeth: Hmmmmm....

*SA KWARTO NI ALEXANDRA*

MAY NARINIG SIYANG TILA MAY KUMALABOG.

Alexandra: Ano kaya 'yun?

ILANG SANDALI PA AY MAY NARINIG SIYANG KALUSKOS NA PARANG NANGGAGALING SA LABAS NG KWARTO NIYA. TILA MAY TAO SA LABAS NG KWARTO NIYA KAYA LUMABAS SIYA AT NABIGLA SIYA SA KANYANG NAKITA.
••••••••••••••••••••••••••••••
*SA CAFETERIA NG OSPITAL KUNG SAAN DINALA SI HANSON*

MAGKASAMA PA RIN SINA CASSANDRA AT VICKY.

Vicky: Hindi natin masisisi si Luke kung may trust issue na siya sa'yo kasi tama naman siya eh madami kang nagawang mali sa kanila ni Alex before.

Cassandra: Pati ba naman ikaw Vicky? Naniniwala ka bang ako talaga ang may pakana ng mga nangyari?

Vicky: It's not like that, Cass. I'm just saying na we can't blame Luke sa mga nasabi niya sa'yo kanina.

Cassandra: (Napabuntong hininga) I know kaya kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. I need to prove my innocence.

Vicky: Wala ka ba talagang matandaan sa mga nangyari kung bakit kayo naging magkatabi ni Luke sa kama?

Cassandra: (Umiling) Wala talaga Vicky.
Hindi ko nga maintindihan eh. Bakit nangyari na naman ito sa akin? Bakit lagi nalang akong nalalasing tapos nawawala sa sarili at walang matandaan sa mga nangyari?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon